Chapter 21

469 4 0
                                    

**21**

Five minutes din sigurong ganun lang kami tapos bumitiw na ako… unti-unti ko palang kasing naaabsorb lahat ng sinabi nya kanina, lalo na yung last line. At dahil bipolar ako, may part sakin na parang biglang natuwa at mayroon din namang nagsasabing wag kong bigyang pansin yun. Nakatingin lang sya sakin ngayon, naghihintay ng sasabihin ko.

“uuwi na ako” ooh.. yun ba talaga ang dapat kong sabihin?

Nagulat naman sya kasi hindi yun yung hinihintay nyang sagot. Tumalikod na ako pero bigla nanaman syang humarang sa daanan ko.

“tama na muna, Nikko, mauglo pa masyado yung isip ko. Parang hindi pa kayang tanggapin ng sarili ko yung mga sinasabi mo” 

“alam ko, tanggap ko, maghihintay ako. Tulad ng paghihintay mo sakin noon at sa lahat ng mga bagay tungkol sa atin na gusto mong malaman. Tulad ng pagtanggap mo noon sa naging desisyon ko. Ok lang sakin kahit gaano katagal. Ok lang sakin kahit gaano kahirap at kasakit. Basta babawi ako, hindi ako mangangako pero gagawin ko. Hindi kita mamadaliin, magtitiis ako. Hanggang sa handa ka na ulit na patawarin ako. Hanggang sa handa na ulit yang puso mo. Pero kung sakaling makahanap ka ng iba, hindi sasama ang loob ko. Magiging masaya ako para sayo. Pero hanggat kaya kong ipaglaban itong nararamdaman ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, hindi ako mapapagod, hindi ako bibitiw. Hinding-hindi ako susuko.”

Hindi ako nagsalita nun, hinatid nya lang ako pauwi. Kahit pa hindi ako sya pinapansin, o kinikibo man lang. Pagdating namin sa gate ng bahay, sumalubong si mama…

“ikaw ang kasama ni Kaizen?” pero parang natutuwa pa sya 

“opo” tapos nagbless sya “sige po tita”

Tumingin lang sakin si mama, karga nya pa si Aikin.. “sige hijo, salamat sa paghatid sa anak ko” tumango lang si Nikko then tumahol naman si Aikin…

“hey!” nakita ko namang kumawag yung maliit nyang buntot“how are you now, Aikin?” how are you? NOW? 

“t—teka?”

Nagsmile lang si Nikko “tulad nga ng pinangako ko sayo dati, alagaan mo yan ha”

“oww” react naman ni mama -___-

“sayo galing?”

Tumango sya ulit. “Merry Christmas, Kaizen! Diba sabi mo gusto ng babaeng aso? Kaso lang lalaki yang si Aikin kaya binaligtad ko nalang yung combined names nating dalawa” tapos kumaway na sya paalis.. “bye ulit! Sorry ulit.. at tita, mahal ko po yang anak ninyo” tumango lang si mama then umalis na ng tuluyan si Nikko.. kumanta kanta pa si mama ng

‘muling ibalik ang tamis ng pag-ibig...’

“MAAAAAA!!!!!” then tumakbo na ako papasok sa loob.. 

Aikin.. NIKAI!! Nikko-kaizen.. OMG..

***

Masyado talaga akong nagulat sa mga nalaman ko, within a day palang yan ha.. paano pa kaya sa mga susunod na araw? Kakayanin ko pa ba?

One week nalang, resume nanaman ng klase. At yung buong week na yan eh hindi magiging ALRIGHT para sakin, I suppose. Sa araw-araw ba naman kasi, nasa bahay si Nikko, yung mga oras na dapat nakakapanood ako ng TV ay napupunta lang sa pagtambay ko sa kwarto, sa limang punta nya rito, ganun ding dami yung beses na hindi ako nakalunch. Mamamayat ako nito e  

Ayokong lumabas kasi ayoko syang makita, ayokong magbago ang isip ko at magsisi sa naging desisyon kong mag move on. Kahit pa oras-oras eh sumisilip ako sa salas. 

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon