Chapter 17

445 4 1
                                    

**17**

maaga akong nakarating sa school kasi naman ginising ako ni Jade.. nagmiss call kasi sya.. nung sinabihan ko namang tumawag ulit ay hindi na sya tumawag..   

naabutan ko sina Rico, Chavez at Nikko na sumasayaw. actually nagpapagalingan sila magbreakdance, dun lang naman ako sa may pinto at nanonood..

Flare naman ngayon yung gagawin nila..

"uy kaizen andito ka na pala! tara! sama ka samin!" tapos bigla naman may lumagabog.. tumawa ng malakas si Chavez 

"pare? ok ka lang?"

"salamat ha! ouch!" hindi naman sya makatayo ngayon.. pumasok na na ako nun..

"ang flare kasi, kailangan ng coordination ng muscles mo, hindi naging balance yung weight mo kasi nakataas yung ulo mo, at hindi ka nagcoconcentrate.." nilapag ko na yung gamit ko..

"bibili ako ng ice pare tsaka bandage.."

"bandage lang, walang sense ang ice kuya"

"okay boss!" with matching saludo pa!

ngayon, ako naman ang naiwan.. nakaupo lang ako sa kabilang sulok habang sya ay sa kabila naman.. 

"ouch!"

"idiretso mo" TSK!

"masakit eh" tumayo na ako nun at lumapit sa kanya "teka!" dahan-dahan kong in-straight yung braso nya tapos pinress ko ng madiing madiin sa may siko..

"OU!" 

"sensya"  hinilot ko naman..

"salamat.."   hindi nalang ako sumagot..

kumuha ako ng pampatigas sa bag ko pati na panali.. 

"palitan mo nalang mamaya pagdating nila rico.. wag mong igagalaw." then nilagay ko na yun at tinalian ko ng dalawang panyo.. nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin sya sakin

"tignan mo kung paano itali" para madistract sya.. 

"salamat ha"  

"you have to get well as soon as possible, two days nalang presentation na, for a while, ako muna ang papalit sayo"tumayo na ako nun 

"buti naman at kinakausap mo ako"  

"business is business and personal is personal, and this is business.. buti naman?   Are you sure? wala akong nakikitang mabuti dun, part lang ito ng obligation ko, don't take it personal Mr. Crisostomo, right?"  tapos bumalik na ako sa sulok..

"and I suppose you own those handkerchiefs, hope you knew that that's my way of returning those to you"  sarcastic ka Kaizen! 

***

bakit ba kasi kung ano yung hilig ko, yun din yung kanya? kung nasaan ako, nandun din sya. kahit pa hindi naman nya ako sinusundan.

simula first year napansin ko na talaga  yun eh! yung tipong bawat balakang ng kinahihiligan ko ay pareho ng kanya.. hindi naman sinasadya pero kakaiba talaga... 

hilig ko ang music, ganun dun sya, pati ang pagsasayaw at broadcasting, idagdag mo pa ang math at yung social interactions..lahat yun!

mahirap ngang makatakas kung ganun ang set up, pero hindi ko naman isasacrifice ang interests ko parang lang sa mas mababaw na dahilan..

maniwala man kayo o hindi, naging idol ko sya. Magaling kasi syang magbalance ng schedules nya, di tulad ko na laging stressed. Kaya nya ring kontrolin yung saril nya sa mga nararamdaman nya, kaya naman ako itong si clueless sa nafifeel nya at sya naman itong napakalakas ng vibes. Talo nga ako dun.  

nasagot din naman lahat ng kakaiba sa kanya nung naging kami.. sabi nya kasi, kung may mahal sya, dapat tanggapin nya yung mga ginagawa ng mahal nya, pinag-aaralan nyang kahiligan yung mga hilig nito, hanggang sa makasanayan na nya at maging parte na rin ng buhay nya. Sa ganung paraan, kahit na mahirap, naipapakita nyang mahal nya talaga yung tao at hindi lang nya hinahayaang makuntento sya sa mga salitang "I LOVE YOU" nagconclude nga sya

"eh sa mahal kita eh, wag ka nang magtaka kung isang araw, pareho na rin tayo ng surname" with a big smile pa!  

PERO! dati yan! kung cheesy sya noon, ngayon sya na yung daga, yung bubwit, yung salot.. pero sa lahat ng salot.. sya yung mahirap puksain...  

***

dahil nga ako muna ang palit sa kanya, kinakailangang matutunan ko yung mga step nya. may eksena kasi dun kung saan magpapakitang gilas yung mga boys, magbebreakdance sila isa isa.. dapat ko na ring malaman kasi mukhang hindi kaya ang dalawang araw para gumaling yung pilay nya.. mukha naman akong lalaki kaya oks na yan!  

nung andun na ako sa part ng pasikatan, kailangan kong gawin yung flare, headstand pati one hand. Kaya ko naman yung dalawa, maliban lang sa flare

"wala pa si nikko, sya lang nakakaalam ng tamang way"

'alam ko rin! hindi ko palang nga natatry gawin"

"delikado e, hintayin nalang natin sya"

"pagputi na ang uwak? sige na! alalay lang kayo"  

"hindi nga pwede" ilang beses akong nagaattempt pero pinigilan nila ako.. OO NA! ako na ang talo! 

"kaya ko talaga yun!"

"KULIT MO NAMAN E!" napasigaw na sya  

"highblood"  

"joke lang, kulit mo rin kasi"

"o yan na si boy pilay!"

"shut up! ano?"

"flare daw, magfeflare si--"

"YOU?!?”   yung tono nya pa yung parang hindi makapaniwala…

“hindi yung clone ko”

“heck no! of course you’re not doing it!”  

“at bakit? Pilay ka po, ako ang substitute, now I have to do it” pumwesto ako na magsstart na akong gawin yung stunt.

“are you insane?” ha?

“I was born normal!” 

“sa tingin mo naman papayagan kong gawin mo yun? Delikado. Kita mong injured na nga ako o”

“ikaw yun, hindi ako” 

“ako ang nagturo sayo” 

“ay salamat pala ha, MASTER” sarcasm yun!  

Tapos gagawin ko na talaga… bigla nalang nyang hinawakan yung beywang ko nun para hindi ako makagalaw.. kahit na isang kamay lang yung gamit nya, ang hirap pa ring makawala

“ano ba nikko!?”  

“sabing hindi mo gagawin yan eh!”

“eh ano naman ba sayo?” 

“delikado nga! Mahirap! Bakit ba hanggang ngayon nagpipilit ka pa rin na gawin yan?”

“dahil gusto ko!” 

“hindi nga kita pinayagan noon, what gives you the idea na magbabago yun? Ito na nga o, napilay na ako.. tapos gagaya ka pa? tingin mo hahayaan ko rin itong mangyari sayo? Tapos ano? lalagnatin ka nanaman tulad dati? Bawal ka sa maraming gamot dahil allergic ka, di ka pwedeng uminom ng pain reliever, ano yun? Mamimilipit ka sa sakit?”  

Napatigil kaming lahat dun, di rin ako nakaimik… pati si Nikko nagulat ata sa nasabi nya… Nakalimutan nya atang bumili ng break fluid?

Saka ko naman napansin na lahat ay nakatingin samin.. kanina pa pala kami nagsisigawan… 

“Fifteen minutes break everyone!” para madivert lang ang attention nila..

“paano mo nalaman lahat yun?” bulong ko nung dumaan ako sa harap nya.. pero hindi ko sya tinitignan… “do I know you?!?” 

“Kaizen?” nairita ata sya nung sinabi ko yun.. humarap naman ako sa kanya, casual lang..

“I don’t talk to strangers” tapos tumuloy na ako sa sulok…

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon