chapter 20

450 4 0
                                    

**20**

Syempre dahil sa maaga kaming nagbakasyon, mahaba-haba rin ang magiging beauty rest ko. Pero si mama, palagi nalang akong iniistorbo, kung hindi papakainin si Aikin, bibili ako ng dog food nya, papaliguan sya, o kaya naman ipapasyal.. aba!! Nabuhay ako ng higit sa sampung taon na ako na ang gumagawa nyan sa sarili ko!!  

“tara!” 

“ma? San nanaman po ba?”  

“dog grooming shop!”

“aso mo ma? Mas mukha ka pang masayang magkaroon ng aso kaysa sakin aa?”

“tamad ka kasing alagaan”

“over ka lang ma mag alaga, para namang tao yan na bawal iwanan kasi iiyak”

“ang dami mo pang sinasabi, sumama ka na”

“A-Y-O-K-O!.. po” nameywang lang sya, hindi naman talaga ako mapipilit ni mama, asa!

“o sya! Bantayan mo ang bahay, si manang nalang nga..”   napatawa naman ako.. sabi sa inyo e!

Boring sa bahay, pero mas boring maglakwatsa.. hindi naman kasi ako yung tipong kumakati ang paa kapag nasa bahay lang, tamang hindi lang ako magutuman, ayos na sakin..  

Badtrip nga kasi nagtext si mama sakin na ibalik ko raw yung litro sa tindahan ni Ate Alma, dumaan na sila dun hindi pa nila dinala, naku! Magkukwento nanaman ng kung ano-ano yang si Ate Alma. Naman o!  

“o! Kaizen! Buti naman napunta ka ulit dito, may ikukwento ako sayo!” MIGAD! Sabi sa inyo e!

“haha..” then fake smile

“naku! Kanina, yung mag-asawa dyan sa likod bahay ninyo, nagsisigawan, kaya nga nagising ako ng maaga eh, baka nambabae nanaman yung lalaki”

“aa”

“pero tingin ko, yung babae naman yung nagloko, nakita ko nung nakaraan na hinatid sya nung motor na blue”

“si ate alma talaga, ang daming hinala”

“naku! Eh, obvious naman kasi”

“aa” tapos nagkwento pa sya nang iba pa hanggang sa makarating kami sa topic na may nanliligaw na pala sakin at binigyan pa ako ng aso.. ang bilis ng tenga nito e.. nung napansin kong sikat na talaga yung araw at medyo gutom na ako, saka ko na pinutol yung kwento nya..

“ate alma, kailangan ko na po kasi talagang umalis, lunch na e”

“ah, sige nga, medyo napatagal na yung kwentuhan natin.. sige, umuwi ka na” MEDYO? MEDYO?  

“sige po!”

“sa uulitin!”  wag ka namang ganyan ate alma! Don’t say bad words! “ay oo nga pala kaizen! Dumaan dito kahapon yung boyfriend mo, nagtanong lang ng tungkol sa date nyo ata yun dati.. sabi ko nga wala ka sa bahay ninyo kaya hindi na rin sya tumuloy..” napatigil naman ako

“boyfriend?”  

“oo! Yung gwapo, matangkad, maputi?”

“si Nikko?”

“oo! Sya nga!”

“haha! Patawa ka naman masyado ate! Break na po kami” ang casual pa ng pagkakasabi ko then tumalikod na ako, nagtanong pa sya ng kung ano pero hindi ko na pinansin.. at bakit naman kaya sya pupunta sa bahay at magtatanong ng tungkol saan daw yun? 

Ang gugulo nga ng mga pangyayari kasi paguwi ko naman sa bahay, may 5 messages akong natanggap galing kay jade, pare-pareho lang naman..

‘kelan ka huling pumunta ng MunchPunch?’ ang random masyado ng tanong nya pero sinagot ko nalang..

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon