Epilogue

677 8 20
                                    

**EPILOGUE**

In three.. two.. one..

Namalayan ko nalang na tumulo na yung luha ko nung makita ko yung smile na yun…

Nakakapanghinayang kasing baliin. Tunawin.  

--Tanggalin.

Niyakap nya ako ng mahigpit bigla.. “is this a yes Kaizen?”ang saya pa ng tono nya..

“you deserve a huge A for your effort Nikko” inulit ko yung sinabi ko kanina..

“but you don’t deserve me.” Bigla syang napabitaw sa pagkakayap nya..  

“prank joke nanaman ba ito Kaizen?” umiling ako agad.. “p-pero ano to?”  

“Nikko, I am not supposed to break your h-heart..”nahihirapan na akong magsalita kaiiyak.. pinupunasan naman nya yung luha ako.. “pero ayokong m-maging u-unfair s-s-sayo”   

“hindi.. paano ka magiging unfair kaizen?”

“sa maraming bagay.. dito” tinuro ko yung puso nya.. “at sa tiwala” napansin kong napatungo sya..   

Inangat ko yung ulo nya, nagulat ako nung nakita ko syang umiiyak na pala..   

“nikko s-sorry”   

“kaizen, we can do this.. ano bang kulang? Kulang pa yung mga ginawa ko? Gusto mo dadagdagan ko pa para sayo”  

“hindi.. walang kulang Nikko, sobra-sobra na nga eh.. umaapaw na. Nasasayang na.. hindi ka dapat nasasaktan, hindi ka dapat natuturn down. Hindi ako dapat para sayo..”

“pero bakit?”

dahil hindi ko alam kung mahal pa kita! Hindi ko sigurado kung mahal nga ba kita.. kung oo man, Nikko, sobrang kulang.. unfair sayo, at inaamin kong hanggang ngayon, hindi pa rin buo yung tiwala ko sayo.” 

“edi bubuuin natin, tutulungan kita, kung anumang kulang, pupunan ko nalang.. please Kaizen wag ganito”

“hindi Nikko.. ayaw kitang pahirapan, ayaw kong pumasok sa isang bagay na sa huli eh pagsisisihan ko lang kasi nakasakit ako ng tao. Kung babalik ang tiwala ko sayo at yung nararamdaman ko, gusto kong dumating lang yung araw na yun. Ayokong sabihing napatawad na kita dahil sa kasama lang kita at nahihiya ako dahil sa lahat ng efforts mo na nauuwi lang din sa wala.." umiiling lang sya ng umiiling nun..

Hindi ko pwedeng isaalang-alang lang lahat ngayon. Kasi critical. Kasi unfair.

“Kailangan ko ng panahon, Nikko, siguro hindi pa ito yung time. Nikko, may iba pa dyan na mas deserving para sa pagmamahal mo, isang araw, makikita mo rin sya.. pero Nikko, hindi ngayon yung araw na yun. At hindi ako yung babaeng yun.. hayaan mo nalang muna ako ngayon Nikko. Please? Pwede pa naman tayong maging magkaibigan eh. H-hindi ba?” 

He continued to sob.. hindi ko alam kung papaano ko sya mapapatahan samantalang ako yung dahilan kung bakit sya ngayon nagkakaganyan..  

“K-kaizen” sa wakas nagsalita na ulit sya.. “matagal kong hinawakan lahat, at kung gugustuhin ko, kaya ko pang patuloy na hawakan..” niyakap nya ulit ako.. “alam mo ba kung bakit? Kasi sa kabila ng lahat ng ito, may pinanghahawakan akong isang bagay. Isang sapat na rason para ipagpatuloy ko to. Isang katotohanan.. alam mo ba Kaizen kung ano ang totoo? Ang totoo…

Mahal na mahal na mahal kita..” lalo akong napaiyak nun.. ang hirap, gusto ko syang suklian pero wala akong barya. Wala akong baryang nakalaan para sa kanya..  

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon