game 6

594 11 1
                                    

RILEY EVE DY POV

Kinabukasan

"Guyths ingat kayo pag uwi huh!" Sigaw ko sa kanila. Habang bit bit ko na ang mga gamit nito ni Genie. Tanghali na kami lahat nakapag prepare para makaalis sa resort, paano mga lasing ang mga kumags.

"Red, pasabay naman!" Sambit ni Ali

Tumingin ako sa kanya.. "Sige, tara nagpatawag na ako ng tricycle dun sa labas?!" Hinintay nalang namin silang mga girls sa labas kasama ko naman yung mga boys..

"Red! " Baling ko nang tinawag ako ni Mish

"Yes teh!" Tugon ko naman

Nakangiting tinapik nya ako sa balikat "Alam ko masaya ka ngayon, nakikita namin lahat yan sa mga kilos, galaw at mga mata mo. Pero hinay hinay lang.. baka sa sobrang fall mo hindi ka na makabango." Payo nito sa akin

"Yeah tatandaan ko yan. Dont worry kaya ko na, this time!" Sagot ko naman

"Okay sige. Mag ingat kayo!" Paalam nito at nagpaalam na din sila ni kuya timothy sa iba namin kasama.. out of the way kasi sila kaya hindi na namin sila makakasabay..

Sa wakas at nakalabas din ang mga prinsesa namin, lumapit na agad ako kay Genie

"nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna tayo?!" Sambit ko.

Tumingin ito sa akin at ngumiti.. "Hayst salamat buti naman tinanong mo ako.. kanina pa ako nagugutom eh!"

Natawa ako sa kanya.. "Bakit hindi mo agad sinabi, ayokong nagugutom ka.."

"Eh nahihiya ako sayo. sabihin mo matakaw ako!"

"Sows naman! Nahiya pa.. sige daan na muna tayo sa fast food, sabihan ko na din yung iba for sure mga gutom na din yan, baka nahihiya lang din magsabi tulad mo!" Iniwanan ko muna sya saglit at lumapit dun sa mga hype.. Sumang ayon naman ang mga ito kaya bago kami sumakay dumiretso sa bus terminal kumain na muna kami..

Nang makarating kami at pagkapasok namin agad ko naman sya tinanong ng gusto nya..

"What do you want?!" Tanong ko.

"Anything basta may Chicken." Sagot naman dito saka iniwanan muna sya para pumunta ng counter. Medjo madami dami din ang tao kaya medjo natagalan ako.. yung iba naman nandun pa sa counter at umoorder pa.. bumalik na agad ako sa table namin kaso nakita kong may kausap si Genie na sa phone..Dahan dahan akong lumapit para hindi nila ako mapansin agad.

"You know i cant" dining kong sagot ni Genie.. Huminga ako ng malalim saka ngumiti at lumapit sa kanila.

"Hmm, hi..!" Ngiting bati ko..

Napatingin naman ito sa akin saka nilapag yung pagkain . dedmahin ko nalang yung narining ko pansamantala.. hahayaan ko si Genie ang magsabi sa akin tungkol dun

Ngumiti na muna ako bago magsalita."tara lets eat.. mahaba pa ang byhe, baka gabihin na tayo sa daan.!" Sambit ko at tumungo lang ito

Kumain kami ng tahimik pati yung iba.. galit galit na muna dahil mahaba haba ang byahe namin at for sure tulog lahat kami nito sa bus .. after namin maubos yun agad naman kami lumarga ulit.

Tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Genie, siguro nagiisip ng mga bagay bagay.

Nauna nagsibabaan sila Anj at dahil malayo layo pa yung kina Genie, nagbilin nalang ako magtext sila once nakarating na sila sa bahay..

Dahil sa rush hour natagalan kami sa byhe, kaya 5 hours din bago kami nakarating sa kanila Tinuro nya nalang kung saan kami dadaan at kung saan ang bahay nila.. huminto kami sa harap ng mataas ng gate.

Untitled 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon