game 11

397 7 0
                                    

RILEY EVE DY POV

Super TOXIC yan ang nangyayari sa akin ngayon dito sa trabaho. Halos trabaho bahay lang ang routine ko buong linggo. Kadalasan nakakatulugan ko na din si Genie everytime na magkakausap kami ng phone. Hindi na din ako madalas nakakapag online sa game dahil halos lahat kami nila Ali busy na din sa mga trabaho.

At dahil busy ako mabuti nalang din na naiintindihan ni Genie pero hindi ko na din maaalis sa kanya ang magtampo at magalit sa akin dahil alam ko naman nakukulangan sya ng oras and im try so hard na ibigay pa rin yung quality time.

Tulad ngayon kakarating ko lang sa bahay nila Genie. Naabutan ko syang natutulog kaya hindi ko na sya inistorbo muna. Kasama naman nya ang mama nya pero ang ate nya nasa school pa. Dito na muna ako sa tabi sala habang si Genie nandun sa kwarto nya.

Inilabas ko yung laptop ko para mag check ng emails at magtanong ng updates sa trabaho. Naabutan ako ng pinsan nyang lalaki binati naman ako nito nang makita ako.

Hindi ko na namalayan ang oras na lumipas napatigil nalang ako sa ginagawa ko nang abutan ako ng juice ng mama ni Genie at ilang minuto lang lumabas na ito sa kwarto nya.

"Hey!" Bati ko dito

Tumingin ito sa akin at alam ko sunod nitong tiningnan yung laptop na nakapatong sa center table. Kaya mabilis kong sinarado ito buti nalang nasave ko na lahat yung mga nagawa ko kanina at konti nalang ang gagawin.

Lumapit ito at naupo sa katabing sofa naka simangot. Mukhang hindi maganda ang gising..

"Antok pa?" Tanong ko ulit dito.

Hindi ito sumagot bagkus binuksan nito yung tv at nanood sa cartoon channel. And yeah favorite nya pa yung palabas ngayon.

Bugtong hininga nalang ang nagawa ko saka bumalik ulit sa ginagawa ko. Ayaw naman akong kausapin at mainit pa ang ulo kaya mamaya ko nalang kukulitin at tatapusin ko na yung ginagawa ko kanina.

Napabaling ako nang bigla ito tumayo, pinatay yung tv at iniwanan ako sa sala.. Binalik ko na ulit yung atensyon ko sa ginagawa ko at narining ko nalang syang sumigaw

"Teng!" Tawag nya sa pinsan nyang lalaki

Mabilis naman ito sumagot "Bakit?"

"Itanong mo nga jan kung anong oras sya matatapos sa ginagawa nya at kung ilang oras pa sya jan!!!" Napatingin ito sa akin alam ko ako yung tinutukoy nito

Mabilis din naman akong kumilos at biglang shut down nun laptop. Sumenyas naman ako kay Teng na okay na tapos na. Kaya sumagot naman ito

"Tapos na daw Genie!" Sigaw ni Teng. Tumayo na ako at tumungo sa kanya. Tinapik naman nito ang balikat ko bilang bigay paalala ng Goodluck sa akin.

Kumatok na muna ako bago pumasok sa kwarto ni Genie. Naabutan ko syang nakahiga pero nakatalikod ito.

"Yenoh, wag ka nang magalit. Kailangan lang talaga po yung sa trabaho kaya tinapos ko na agad para hindi na di makaistorbo kapag nagising ka. Kaso naunahan mo ako eh." Paliwanag ko habang nakatalikod pa rin ito

Hindi pa rin ito sumasagot tatayo na sana ako para lumabas dahil bibili sana ako ng pagkain namin dalawa. Dahil alam ko gutom ito. Pero humarap ito agad at nagsalita

"Sige umalis ka! Wag ka nang babalik dito!" Sambit nito

Humarap ako sa kanya at naupo ulit sa tabi nya. "Ay yenoh, wag ganun saka bibili lang po ako ng food mo pero hindi kita iiwan." Sambit ko at bahangyang hinimas ang pisingi nito. Napakunot noo naman ako dahil naramdaman ko na medjo mainit ito.

Untitled 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon