RILEY EVE DY POV
Kinabukas nagpunta na ako dun sa place na sinabi ni Genie na magkikita kami.. Nauna lang ako ng ilang minuto sa kanya..
"Hi.." bati ko sa kanya.. Poker face lang ang sinagot nya sa akin.. Mukhang hindi magiging maganda ito..
May lumapit samin na waitress at nagbigay ng menu para makapag order na kami saka naman ako bumaling kay Genie..
"What do you want. Gusto mo drinks??" tanong ko sa kanya..
Umiling ito saka sumagot.. "Wag na hindi naman ako magtatagal eh.. " Pilit na ngumiti ako dito saka bumaling sa waitress para sabihin mamaya nalang kami mag oorder kung sakali.. Umalis naman ito kaya tumingin na ako kay genie at tumitig sa mata..
"So ano ang paguusapan natin??" seryosong tanong ko dito.. Pero hindi naman ito sumagot at tumingin lang sa akin tila naghahanap ng tamang pagkakataon para ibagsak ang huling hatol para sa relasyon namin..
"Come'on spill out.. maiintindihan ko at pipilitin kong intindihan lang ng sasabihin mo" sabi ko pa sa kanya... Sa pagkakataon na yun hindi ko na mapigilan hindi ilabas ang emosyon ko..
Ang gulo lang kasi mga Bes. kahit nahihirapan ako pilit ko pa rin kinukumbinsi ang sarili kong maayos namin ito ni Genie.. Balak ko na sana tumayo nang magsalita naman ito..
"Sorry kung nahihirapan ka.. kaya nga gusto ko nang maghiwalay tayo para hindi ka na nahihirapan sa akin.." sambit nito..
"WHAT! all of the sudden ganun ang magiging decision mo.. sige nga sabihin mo sa akin bakit at ano ang dahilan mo para gawin sa akin yun?" tanong ko dito
Pero hindi naman ito sumagot bagkus yumuko lang ito.. kaya ako nga nagpipigil na naman ng pagpatak ng luha ko dahil hindi man lang nya ako mabigyan ng dahilan para malaman ko kung bakit nya ginagawa sa akin ito..
"May nagawa ba akong masama sayo? nagkulang ba ako sayo?? Inaamin ko naging busy ako pero pinaliwanag ko naman sayo di ba kung bakit!" giit ko..
Pero tila pipi ito na walang sagot sa mga tanong ko sa kanya bagkus binaling lang nya yung tingin nya sa labas ng bintana.. At ayoko highbloodin mga kapatid kaya hindi ko na sya pinilit pang magsalita..
Lumipas ang minuto napagpasyahan na kumain na muna, medjo stress na din ako kaya niyaya ko na syang kumain, pumayag naman sya at walang imik kaming pumasok sa isang fast food dahil dun lang daw nya gusto kumain, pumayag naman ako para wala na kaming pagtalunan pa.. Tahimik kaming kumakain at paminsan minsan tumitingin ako sa kanya..
Minsan sana pinanganak ako may ability na nakakabasa ng isip ng tao para malaman ko kung ano ang nasa isip ni Genie para hindi na din ako mahihirapan sa ganitong sitwasyon namin pero syempre hindi naman ako
Pero hindi naman kasi ako ganun tulad ng mutants na nag aral sa Xavier School at naging teacher si Prof X. para magkaroon ng ganun ability. Hindi din ako manghuhula para hulaan kung anong man ang tumatakbo sa isip nya. Si Red lang ako simpleng mamamayang na nagbabayad ng tax at magmamahal sa kanya ng tunay at wagas pero samantalang syang sinasaktan nya lang..
Nang matapos kami kumain, naglakad lakad kami gustong alisin yung awkwardness sa pagitan namin dalawa kayamas pipilitin ko nalang mag enjoy kami ngayon at wag mag isip ng kung ano man..
Naupo kami sa isang bakante bench at tumingin sa mga taong naglalakad paroon't parito.. Habang pinagmamasdan ko sila hindi ko maiwasan yung mga alala namin ni Genie dito.. Nakakatawa lang kasi dito ang first date namin, dito sa upuan na ito usually kami umuupo kapag ganito oras na napupuno ng kwentuhan, tawanan't halahak pero sa oras na ito para kaming estranghero sa isa't isa.. wala isa man samin gusto bumigkas ng isang salita dahil baka magkamali sa salitang bibitawan namin..
BINABASA MO ANG
Untitled 2014
Short StoryAng tagal kong PINANGHAWAKAN ang salitang "KAYA KO PA" bago BITAWAN at PANINDAGAN ang salitang "TAMA NA" at "AYAW KO NA" "Stand in front of your past and let it be... -Red