game 10

489 8 0
                                    

RILEY EVE DY POV

After nang masaya weekend with Genie and her cousins feeling ko kota na ako sa happiness.. At yung ring na binigay ni Genie to ginawa kong pendant sa necklace. Nun una ayaw pumayag ni Genie pero pinaliwanag ko naman na hindi pwede ang any accesories sa work lalo na kapag sa kamay.. buti nalang talaga nadaan sa paliwanag lahat kundi nako tinopak na naman yun at baka binawi pa nya..


At ngayon nga magkasama na naman kami dahil nagtext naman si Heart na wala daw kaming pasok ngayon dahil nag iba ang sched namin.. At pabor naman ito sa akin dahil makakasama ko si Genie..


Nandito kami kina ate Mish dahil saktong hindi man kami busy lahat kaya naisipan namin na mag bonding magkakabarkada dahil matagal tagal na din.. At habang yung iba nandun sa likod bahay nandito kami ni Genie sa harap ng tv. nanonood nang NBA basket ball.


"Manood ka nga Red.. isa" tawag nito sa akin. Kasama din namin sila Jc, Vin at Kuya John na nanonood .


"Nanonood naman ako eh.. "sagot ko habang nakatingin sa phone ko.. May tinitignan kasi akong email pero nakaramdam na lang ako ng isang masakit na palo sa bandang hita ko..


"Aray naman Genie.. bakit nananakit???" sabay hipo dun sa parteng mapula.. Syete talaga..


Sinamaan lang ako ng tingin nito " Sabi kong manood ka hindi puro phone yan inaatupag mo.." kaya nilapag ko na muna yung phone ko.. Masyadong sadista talaga


"Nanonood naman eh ako.. sa may hinihintay kasing akong email galing kay TL.. " maktol ko.. "Saka alam mo naman na hindi ako mahilig sa basketball, napaka basic lang kasi ng larong yan. Run, Dribble and then shot that stupid ball. Nagbabalyahan pa and then what magkakasakitan sa huli.. " pagmamaktol ko pa..


"Basta manood ka.. Yun ang gusto ko.. " mataray na sagot nito.. Napatingin nalang ako sa tv screen at tingnan kung sino ang lead sa score..


Tinawanan lang ako nun tatlo na tahimik na nang aasar yung mga mata nila.. Kaya sinamaan ko din sila ng tingin


"Manood ka kasi Red!" gatong ni Vin


"Tsss.. GSW ang mananalo maniwala ka sa akin.. hindi na makakahabol yan Cavs.. " sambit ko sa kanya..


"Sabi ko manood ka lang, wala akong sinabing magcomment ka jan." ang sungit talaga nito. "Saka anong team ka ba huh??" tanong nito


Walang gana naman akong tumingin sa kanya at sumagot. "Syempre dun sa leading eh di sa GSW saka hindi ko bet yan si Lebron, mas gusto ko si Curry.. saka tingnan mo naman si Lebron pressure na, hindi na makafocus, wala na sira na ang laro nyan.. talo na sila at sya ang magiging dahilan kung bakit sila talo sa 1st game."


At ayun may natanggap na naman akong masakit at tagos sa butong irap galing kay Genie.. "WHAAAT" tanong ko sa kanya


Pumikit muna ito at saka nagmulat ang mata bago sumagot. "Makakahabol pa yan Cavs, hindi sila matatalo. Kailan ka pa naging basket ball analysis?" sambit nito "saka sino nagsabi sayong GSW ka.. CAVS tayo kaya wag kang ano jan.. " dagdag pa nito..


"Sows! Matatalo nga yan cavs eh, maniwala ka sa akin. " sagot ko pero natahimik na ako nang tumingin na sa akin medjo sad na sya..


"Ah~ ha!sabi ko nga eh Cavs tayo. Makakahabol pa yan.. Woooh GO Cavs.. " Pagcheer ko dahil alam ko kapag ganyan na yan itsura ni Genie hindi na nya ako kakausap or papansinin.. Magtatampo na yan..


Pero ayun nga, sabi ko na di ba! Talo ang Cavs at nanalo ang GSW pero ayos lang sa akin yung dahil ayoko na din kontrahin si Genie sa trip nya, kaya para walang argue sinasakyan ko minsan yung trip nya lalo na sa mga ganyang bagay


Untitled 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon