RILEY EVE DY POV
Matapos ang madugong finals exam at nakakastress na mga defense at thesis sa awa namna ni lord nakapasa ako at ganun na din si Genie kaya ngayon sembreak susulitin namin ni Genie pero madalas pa rin kami magkita lalo na kapag weekend its either ako ang pumupunta sa kanila or nagdadate kaming dalawa or kapag walang plano maghapon at magdamag kaming magkausap at magkalaro.
Habang tumatagal ang relasyon namin dalawa madami kaming nadidiscover pang ugaling meron kaming dalawa. Yung pagkakaiba namin pero madalas mas madami ang pagkakapareho namin.
Antagal na din naming naglolokohan este nagmamahalan ni Genie kaya hindi rin nawawala ang konting tampuhan at away samin ni Genie. Ang bawat araw namin ay parang roller coaster.. tulad nalang ngayon..
"Ewan ko sayo Genie. Kanina pa ako hintay ng hintay sayo. Namimihasa ka na lageng late sa usapan!" Sambit ko habang kausap sya sa phone
Magkikita kasi kami ngayon para icelebrate ang early christmas date namin kaya lang.. ito late na naman sya.
"Eh sorry na kasi. Sorry na!" Giit nito
"Sorry puro nalang sorry.. ewan ko talaga sayo!" Saka ko pinaktay yung call.
Dito na muna ako tumambay sa isang coffee shop para hintayin sya.. 30 minute pa ang hinintay ko bago ko sya nakitang papalapit sa akin.
"Red, sorry na kasi, may emergency lang talaga.. wag ka nang magalit!" Sabi nito
Hindi ako nagsalita saka tumayo na. Sumunod naman sya sa akin at hinawakan ang laylayan ng damit ko.. "Red, pansinin mo na ako please.. sige na!"
Saka ako humarap sa kanya "Sa susunod kasi kapag nagbigay ka ng time kung ano oras tayo magkikiya, sunduin mo para hindi nasasayang ang oras natin parehas..!" Saka naglakad na ako una sa kanya.
Naiinis kasi maghintay na parang tanga! Okay lang sana kung once or twice pero lage nalang everytime na magkikita kami. Sya na nga ang pinapipili ko ng oras para mas comfortable sa kanya tapos late pa rin sya.
Lumingon ako sa kanya at halata sa expression nya na malungkot sya kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay.
"Sorry kung nasigawan kita.. Alam mo naman na ayokong nalalate sa usapan.. sorry.. wag ka na malungkot!" sabay hawak sa pisngi nya at ngumiti .
"Eh ka-si kaya lang naman ako nala-te dahil nagbago ang isip ni ma-ma na payagan ako uma-lis.wag ka nang ma-galit" Nagpipigil na iyak sagot nya sa
Hindi naman ako makapagsalita at naka awang lang ang bibig ko.. Paano ka naman kasi tuluyang hindi magalit kung ganito ang kaharap mo.. Imbes na magalit at mainis ako sa kanya Hindi ko mapigilan yung ngiti ko dahil ang cute cute nya.. Pero sorry na kasi hindi ko mapigilan talaga.
"Okay na.. wag ka na sad.. san mo gusto pumunta or kumain?! Mukhang gutom ka eh!" Sambit ko.
"Ikaw nang bahala.. okay na sa akin yun" sagot nya.
"Sabi mo yan huh! So tara!" Hawak ko sa kamay nya at naglakad na kami papunta sa isang pizza house.
"anong gusto mo?" Tanong ko dito
Tumingin ito sa akin .. "ikaw nalang umorder, alam mo naman kung ano ang gusto ko!"
"Oh eh di wag na tayo dito.. alam ko naman ako ang gusto mo.." sagot ko sa kanya habang pataas baba ang kilay ko.
"Heh! Magtigil ka jan!" Saway nya sa akin.
"Sows if i know.. gusto mo naman talaga AKO!" Pang aasar ko sa kanya.
Inirapan naman nya at ako naman ngingiti ngiti.. Nilapitan na kami ng waitress para kunin ang order namin.
"May i take your order ma'm!" Sambit nito.
BINABASA MO ANG
Untitled 2014
Short StoryAng tagal kong PINANGHAWAKAN ang salitang "KAYA KO PA" bago BITAWAN at PANINDAGAN ang salitang "TAMA NA" at "AYAW KO NA" "Stand in front of your past and let it be... -Red