Chapter One: Kapayapaan

1.6K 30 6
                                    

Steph's POV

"Hoy gumising ka na, kailangan nating pumasok ng maaga para sa introduction of the officers!" Ani Amber habaang inuuga ako, tinignan ko ang oras at nakita kong masyado pang maaga kaya ipinikit ko muna ang mata ko.

"Excited ka masyado, 4:00 palang oh, nakauniform ka na?" Sabat ko habang ibinabalik ang tulog ko.

"Duh diba may meeting ang officers? Hello? Alangan namang ikaw ang papahuli eh president ka? Isip oh" dada niya na nakaupo parin sa higaan ko, dahil sa wala na ang antok ko napilitan na akong tumayo at mag ayos ng sarili ko.

"Oo na, eto na maliligo na"
Umirap naman siya saakin at binuksan ang cellphone para tignan ang notifs niya.

"HELLO MISS SECRETARY, MERON PO TAYONG APAT NA BAGONG TRANSFERRIES PAKISULAT NALANG PO ANG MGA PANGALAN NILA SA PAPEL" announce niya, agad naman akong napamulat sa sinabi niya, naku madadagdagan nanaman ang introduction ko nito!! Aaaayyyst!

"Ano pangalan?"
Tanong ko sakanya habang nagtotoothbrush ako, wala na talagang pag asang makamit ang kapayapaan ;^;"

"Arvy Kyle Javier, Jefferson Louise Dela Rosa, Jay Laurence Villafuente , And Kyle Anthony Lazaro, kaano ano mo si Jay Laurence?" Aniya, pinagsasasabi nito? Halos wala nga kong ninuno na may pangalang Jay Laurence?

"Wala, bakit?"

"Eh yung apilyedo niyo eh?"
Aniya, nag iisip ba tong babaeng to? Sobra na sa pag aaral kasi eh.

"IBA PO ANG VILLA SA DELA!"
Sigaw ko at lumabas na ko ng banyo para magsuot ng uniporme.

Tumawa nalang siya sa sinabi ko, maya maya pa ay lumabas na kami ng condo at bumaba para imeet yung dalawa.

"Kanina pa kayo rito?"
Tanong ni Amber sa dalawa na busy sa kakacellphone. Agad naman silang napalingon at tumango.

"Oh siya tara na para makakain na tayo ng breakfast" sabat ko at lumabas na ng pinto, sumunod naman na ang tatlo saakin.

"Saan ba?"
Ani Jeff habang kumakain ng chocolate, hayys ang aga aga chocolate.

"Starbucks?"
Sabi ko at agad naman silang nagsireact.

"STARBUCKS BREAKFAST?!"
Ani ng tatlo na nakamulagat pa ang mga mata, sorry naman tao lang nasanay kasi ako lagi sa starbucks eh.

"Eh saan?"
Tanong ko habang iniistart ang kotse ko, lagi kasing kotse ko ang ginagamit kasi kasya daw kaming lahat eh kasi naman puro pang dalawahan lang tatluhan lang ang mga kotse ng mga ito.

"Sa cafe doon saamin nagseserve sila ng breakfast" ani Jeff na hanggang ngayon ay wala paring tigil sa kakakain ng chocolate.

"Sige"
Sagot ko habang nagdadrive papunta sakanila, well once na kong nakapunta doon pero hindi ako umorder actually nagpalamig lang ako.

After ten minutes nakarating na kami sa pupuntahan namin kaya pagbaba nila agad na nanguna si Jeff sa pagpasok sa cafe, ako naman umupo doon sa pinakahuling upuan dahil tapat iyon ng aircon halos kami palang ang tao doon dahil sa sobrang pagmamadali netong si Amber.

Three minutes later...

"So ano na? May bagong lipat sa school apat sila Si Arvy, Jefferson, Jay Laurence, and Kyle Anthony, kanina lang din sinabi ng Principal kaya rush tayo ngayon sa pagdagdag ng introduction nating mga officers" ani Amber habang humihigop ng mainit na kape, agad namang nagsikunutan ang noo ni Stephie nang maarinig niya ang sinabi ni Amber.

"Seryoso? Eh ang haba haba na kaya ng ginawa kong intro? Tapos papadagdagan pa? Ayus din eh no" sabat ni Stephie na kinakamot kamot pa ang ulo. Si Jeff naman walang reaksyon at kumakain lang ng inorder niya.

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon