Chapter 15: The Queen Attacks

339 8 0
                                    

Steph's Pov

Same place, nandito nanaman ako sa damuhan para magpahinga, nakakaginhawa kasi ang simoy ng hangin... humiga at ipinikit ko nalang ang mga mata ko para makapagpahinga ako ng mas maayos...

"Hmm hmmm hmmm"
Dinig ko kaya agad kong iminulat ang mga mata ko at nilingon kung sini ang kasama ko.

"Kyle, anong ginagawa mo rito?"
Tanong ko sakanya at muling ipinikit ang aking mata.

"Sabing wag mo kong tawaging Kyle eh" inis niyang sabi

"Sinong masusunod? Ako ang bahala kung ano ang itatawag ko sayo dahil yun ang gusto ko" sagot ko naman sakanya, napabuntong hininga nalang siya at hundi na sumagot.

"May kasalanan ka pa sakin, pangalawa na yan, kaya humanda ka nalang sa parusa mo" masungit niyang sbai kaya napaupo ako at tinaasan siya ng kilay.

"Ako? Paparusahan? Mo? Hah! Nagbibiro ka ba? Hindi mo alam na pwede kitang ireport sa mga balak mo sakin!" Sabi ko at inirapan siya, aish! sira nanaman tuloy ang payapang pagpapahinga ko!

"Pinahiya mo ko sa mga kaklase ko kagabi tapos ngayon hindi ka manlang humingi ng tawad?" Seryoso niyang sagot at tumitig sakin.

"Ako?! Baka nananaginip ka lang?! Ni wala nga kong maalala na nagpahiya ako kagabi!" Pagtaas ko ng boses sakanya

"Wala? Eh ano yung pinagsisisigaw mo na manyak ako? Ano yung sinabi mong ilang beses kitang hinalikan? Ano yung sinabi mong nilalandi kita?" Inis niyang tanong

"Wala akong sinabi ganon! At kung yan man ang pinaniniwalaan mo bahala ka sa buhay mo! Basta ako hindi ko ginawang ipahiya ka kagabi!" Sabi ko at naglakad papalayo.

....

"Huy Steph! May kumakalat na balita! Galing sa mga kasection nila Louise! Pinahiya mo raw si Kyle kagabi? Totoo ba yun?" Sabi sakin ni Amber dahilan kung bat nanlaki ang mga mata ko.

"Wala akong ginawang ganon! Pati banaman ikaw Amber?! Ay jusko po! Ano ba kasing meron kagabi?! Ni wala akong maalala sa mga nangyare! Ang huli kong naalala pinatay ko ang ilaw at natulog na ko!" Sabi ko sakanya at inirapan siya.

"Yun nga, nag sabi kasi bigla ka raw nagsisisigaw na manyak si kyle kaya nabulantang lahat at napagkamalang may ginawang masama si Kyle sayo" aniya at napabuntong hininga nalang ako.

"Wala nga kong sinabing ganon! Sa pagkakaalam ko natulog lang ako!" Sagot ko naman

"Baka naman nananaginip ka kaya mo nasabi yon?" Pasok naman ni Stephie

"Aish! Bahala na!"
sabi ko at umakyat na pabalik para magpahinga.

...4:00 p.m...

"Miss pres, gising"
Ani Arvy habang tinatapik ang balikat ko "Pinatatawag ka ni ma'm principal" aniya kaya kaagad akong tumayo at nag ayos.

Paglabas ko nandoon si ma'am kasama si Kyle kaya nagsimula na kong kabahan, pero ibabaliwala ko nalang iyon dahil hindi naman totoo ang kumakalat na issue.

"Miss President, totoo ba ang sinasabi nilang issue? I know you heard about it already?" Ani ma'am.

"Ma'am wala akong naaalalang ganon, believe me ma'am hindi ko naman gagawin yon dahil alam kong masisira ang pangalan ko" pagpapaliwanag ko at napailing naman si Kyle

"May record ng boses mo, hindi mo na pwedeng ideny iyon dahil may ebidensya ang mga nakarinig" sagot naman ni ma'am at ipinarining ang record.

"Ma'am eh tunog speaker yan eh! Malamang may isang taong naninira sakin dito para lang ako ang mapahiya!" Sabi ko at idinuro ang record.

"Hanggang hindi pa nacoconfirm ang issue don't worry you'll still stay at your position as president but if once na nalaman na ikaw talaga ang gumawa niyan, we have no choice but to remove you from your position" ani ma'am principal at naglakad na papalayo.

Agad naman akong pumasok sa loob ng room at naghanap kung may device na ginamit para gawin iyon, malakas ang kutob ko na may isang taong gustong manira sakin dito, kailangan kong patunayan iyon, malamang may nang gaya sa boses ko at inirecord at iplinay sa speaker para mapagkamalang ako iyon at baka isinakto nila sa pag tayo ko, dahil minsan nananaginip ako.... kinalkal ko lahat ng gamit sa room pero wala akong nakita kaya bumaba ako para hanapin ang letseng president ng school na ito...

"Seems like you have a big problem, Miss Stephanie" sabi ng president kasama ang iba pang babaeng officers na nakataas ang kilay saakin.

"Ikaw ang may gawa nito!"
Inis kong sabi

"So funny, don't worry Stephanie, may iba ka pang dapat abangan" aniya at itinulak ako dahilan kung bakit napaupo ako, tsk! Pasalamat kang babae ka kaya kong magtimpi!

"Itigil mo na, nahuli ka naman din!" Sagot ko sabay tayo. Hah, kala mo ikaw lang ang may karapatang mag record? Hindi mo alam na nakarecord din tong boses mo

"Itigil ko? Hindi ba pwedeng lumuhod ka muna at magmakaawa sa harapan ko?" Sabi niya at ipinagkrus ang mga braso niya

"Hah! Sinong tinakot mo? Ako na pinakamataas na president ng pinakamataas na school luluhod sa president ng JCIS? Baliktarin kaya natin, ikaw ang lumuhod at magmakaawa sa harapan ko? Alam kong ginagawa mo to dahil hanggang ngayon gutom na gutom ka parin diyan sa ex mo!"
Pagtaas ko ng boses sakanya at itinaas ang kilay ko, gusto niya pala ng sagutan ah

"Tandaan mo mag isa ka lang apat kami, pwede ka naming kawawain dito at pagbintangan ang ibang tao" pagmamalaki niya.

"At sinong may sabing hahayaan naming ganyanin niyo ang president namin?" Dinig kong sabi ni Amber habang papalapit sila saakin

"You need an evidence?"
Sabi naman ni Stephie at ipinakita ang vinideohan niyang sagutan namin.

"Kung sino man ang dapat na lumuhod, I'm sure kayo yun"
Sabi naman ni Jeff

"Tsk! Pagbabayaran mo to"
Sagot naman ng letseng president nila at sabay sabay na silang naglakad papalayo.

"Losers"
Sabi naman ni Amber at inirapan sila.

"Are you okay?"
Tanong ni Jeff at niyakap ako

"Yep, no need to worry, thanks guys" sabi ko sakanila.

"Hindi ka namin hahayaang maapi lang nga mga low class officers" ani Stephie at ngumiti

"Group huuuuuuug!"
Sabi naman ni Amber at tinalonan kami dahilang kunga bat natumba kaming lahat

....8:00 p.m....

"Steph, sasama pa ba tayo sa halloween event nila?" Tanong ni Jeff habang tinatanaw ang building kung saan gaganapin ang event

"Yeah, pero  mag ingat tayo dahil malamang may babalakin yang officers nila para mapahiya tayo" sabi ko naman

"Yeah, batteries are ready, magbaon ka ng isang battery dahil malakas ang kutob ko na papalitan nila ng lumang battery yung flashlight na gagamitin natin sa ghost hunting" sabi niya at ibinigay ang isang battery saakin.

"How bout the others?"
Tanong ko sakanya

"Binigyan ko na sila"
Sagot niya at tumayo na sa kinauupuan namin "let's go"

....

"Okay so today we will start our third halloween event, all the school officers, please line up, okay so may hahanapin kayong white paper at may mga nakasulat na gamit doon na kailangan niyong hanapin sa loob ng school building ng kabilang school, but once na nahanap niyo na ang paper kailangan niyong bumalik rito para kunin ang team mates ninyo, kung sinong unang makakahanap ng lahat ng nakalagay diyan ay may special prize for this event! Kukuha lang kami ng tatlong teams na mananalo, okay?" Sabi ng mc kaya pumayag naman kami mga officers. "So let us start in three, two, one! Go!" Sabi niya kaya nagmadali kaming tumakbo sa loob ng school.

To be continued....

Horror game nga ba? Or love game?... next chapter pleaseee ^^

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon