Chapter Five: Jeff's Charm

669 21 1
                                    

Photo Above: Jeff Li De Vera

Jeff's POV

Pauwi na ko ngayon nang madaanan ko yung store na lagi kong binibilihan ng ramen, ano bayan naubusan nanaman ako! Sino ba kasi yung umuubos niyan at ipapa massacre ko... may nakita akong babaeng napakaraming ramen sa basket niya aba huli ka ikaw pala ang umuubos ng ramen ah!

"Miss pwede bang wag mong ubusin yang ramen? Tatlong araw na kong walang stock ikaw lang pala umuubos?" Sabi ko sa babaeng nakatalikod.

"Excuse me?"
Humarap siya at itinaas ang isa niyang kilay, oh wait ito yung transferrie na tomboy ah!

"Sabi ko wag mong ubusin yung ramen kaya akin na yan" kako at aagawin na sana ang basket nang ilayo niya ito saakin.

"Huh, kuyang masungit na mayabang na sobrang yabang pwede ba sa iba ka nalang bumili? Nauna ako tapos aagawin mo? Akin to kaya hindi mo pwedeng agawin? At isa pa wala kong pakielam kung wala ka nang stock sa bahay mo!" Pagsungit niya din saakin, pasungitan nalang ganon? Psh pagbigyan nalang maganda naman.

"Tsh"
Sabi ko at umalis na, wala naman na akong binibili kundi ramen kaso nga lang inagaw ng babaeng este tomboy na yun.

... 9:00 P.m
*Doorbell*

"Pasok"
Sigaw ko habang nanonood ng anime sa t.v.

"Uy Naruto! Panood nga!"
Sabi ni Stephie at tumabi saakin, yung dalawa naman nakinood na rin.

"Anong pinunta niyo dito?"
Tanong ko sakanila at pumunta ako sa kusina para manguha ng chocolates.

"Pagkain, dito kami matutulog"
Sagot naman ni Stephie at kimuha ng isa sa mga chocolates na hawak hawak ko.

"Psh mang aagaw"
Sabi ko at inirapan ko siya, ginaya din naman siya nung dalawa kaya tatlo nalang yung natira saakin.

"Nga pala nakita kita kanina kausap ba o kaaway? Yung tomboy na tranferrie bat ano nangyare?" Tanong ni Amber saakin habang nanonood sa t.v.

"Nah, wala yun okay lang maganda naman" sagot ko at napatingin naman yung tatlo saakin ng nanlalaki ang mata.

"Jeff Jeff Jeff, heto ka nanaman sa pagiging babaero mo" sabi saakin ni Amber.

"Wag mo sabihing naiinlove ka din?" Sabi naman ni Stephie na nakakrus pa nag mga balikat.

"Hindi kita pagbibigyan kung ganyan" sabi naman ni Steph na pinatutunog ang mga buto niya sa kamay at ang sama pa ng tingin saakin.

"Ano ba yan pati gusto ko kokontrahan" sagot ko naman at inirapan ko yung tatlo. "Alis nga kayo dito. Layas!" Sigaw ko sakanila at agad naman silang nagsilabasan ng parang mga aso.

Salamat at wala nang sagabal, makakahinga na ko ng maluwag... maya maya pa ay may nag p.m saakin sa messenger, haiyst sana wag naman trabaho pagod na ko, choss nagsalita.

Hoy kuyang masungit nasa labas ako ng condo mo!

Ohoho, pano niya nalaman ang condo ko? Ahh... alam ko na kung bakit nagpunta yung tatlong surot na yon!!! Humanda lang yung mga yun saakin bukas!

*doorbell*

"Anong kailangan mo?"
Sabi ko sakanya na may hawak na plastic at basang basa ang damit.

"Oh yan!"
Sabi niya na nakatingin sa ibang direksyon na inabot saakin yung plastic na may mga ramen.

"Pano mo n---"
Bago ko pa ituloy ang sasabihin ko pinutol niya na iyon.

"Sinabi saakin ni Miss President, at pasensya na kanina, hindi ko alam na officer ka pala, PERO WAG MONG EXPECTIN NA BATI NA TAYO!!!" Sabi niya at tatakbo na sana palayo pero pinigilan ko siya.

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon