Chapter 12: Assume pa

408 10 1
                                    

Steph's POV

Papatayo na ko para magready sa laro nang may makabungguan ako...

"I-IKAW?!"
Sigaw ko sakanya, nanlalaki ang mga mata ko ngayon... hindi ko alam kung bakit gulat na gulat ako sakanya.

"What's wrong? Long time no see" sagot naman niya, long time no see mo mukha mo!! Minalas nga naman ang araw na to.

"Aalis na ko"
Sabi ko naman at aalis na sana nang hilahin niya ko pabalik.

"Ooops, saan ka pupunta? Bat mo ko tinatakasan?" Tanong niya naman, malamang ayoko makita mukha mo! Duh!

"Walang dapat pag usapan okay? Dun ka bumili ka ng sarili mong kausap" sagot ko sakanya at umirap.

"Hindi ka parin nagbabago, you know the first time we met? That time you're so rude and I----" bago niya pa ituloy yung letse niyang kwento nagsalita na agad ako.

"Wag mo nang alalahanin yan! Ayokong marinig yan! Letse!"
Sabi ko pero hindi ako makatakbo dahil ayaw niya kong pakawalan.

"Ayaw mong marinig dahil may nararamdaman ka parin? Diba?" Sagot naman niya kaya hindi ko napigilan at naihampas ko ang mga palad ko sa pisngi niya.

"Don't you dare bring the past back Willson! You can't repeat the mistake you did last time!" Sabi ko sakanya at dinuro siya, at dahil sa inis ko tinulak ko siya dahilan kung bat napabitaw siya sakin.

...

"Oh Steph, what's wrong? Dahil nanaman ba sa babaeng yun?" Tanong saakin ni Amber pero hindi ko sinasagot ang tanong niya.

"Steph don't tell me itatago mo nanaman yang kinaiinisan mo?" Sabat naman ni Jeff at umupo sa tabi ko.

"Damn that Willson!"
Mahina kong sabi.

"What?! Willson is also here?!"
Gulat na tanong ni Amber.

"Where is he?! Steph what the heck did he do to you?!" Tanong naman ni Jeff at tumayo na akmang lalabas na sana pero pinigilan ko siya.

"NO! Jeff just let him be ako na ang bahala" pigil ko sakanya kaya hindi na siya tumuloy.

"Halatang nasasaktan ka parin"
Pasok ni Stephie na may dala dalang tray ng Kape.

"Sinong hindi masasaktan sa ganon?!" Galit kong tanong sakanya pero umiling iling lang siya.

"Oh akala ko ba matapang ka? Asan na yang tapang mo kung deep inside sakit parin yang nararamdaman mo? Maraming lalaking mas deserve ka Steph at marami ding babaeng deserve siya ang tandaan mo HINDI SIYA KAWALAN, kung gusto mong tawagin yang sarili mo na matapang wag kang magpapadala diyan sa emosyon mo, at isa pa hindi mo kailangang iyakan yang taong ganyan, bakit nag effort ka ba sakanya? Diba hindi naman?"
Ani Stephie habang umiinom ng kape. Oo nga naman, hindi naman siya kawalan... at may lalaking mas deserve maging akin.

"Miss President"
Ani Kyle saakin habang papalapit sa kinauupuan ko.

"What the heck do you need?"
Seryosong sagot ko sakanya na nakakunot pa ang noo.

"Can I talk to you for a while?"
Sabi naman niya at akmang iupo na sa tabi ko pero pinigilan ko siya.

"No, mamaya pinagselosan nanaman ako niyang letse mong ex -_-" Sagot ko kaagad at umalis na sa harapan niya.

... A few minutes later tinawag na rin kami sa court dahil team na namin ang maglalaro, medyo kabado ako pero hanggang kaya ko pipilitin kong manalo ang team namin...

"GO STEPH! KAYA MO YAN! WAG PAPATALO WOOOH!"
sigaw ni Amber na tumatalon talon pa habang hawak hawak ang banner ng team namin. Nginitian ko nalang siya at pumwesto na sa pwesto ko.

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon