Chapter Ten: Last Night

446 16 2
                                    

PHOTO ABOVE:Jefferson Louise Dela Rosa

Amber's POV

Ilang beses na kong nagtry na pansinin si Steph, pati si Jeff at si Stephie hindi din nila talaga makausap... Pagtapos ng try out agad na kaming naglinis at bumalik na sa room, wala doon si Steph kaya nagtaka ako, six P.m na pero wala siya doon kaya pumunta ako sa kabilang room para tanongin yung apat kung nakita ba nila.

*knock*

"Yes?"
Tanong ni Louise saakin at pinapasok ako.

"Uhm guys nakita niyo ba si Steph?" Tanong ko sakanilang tatlo at sabay silang umiling, tsk ano nanaman ba kasing nangyare sa babaeng yun.

"Bakit? Anong nangyare?"
Tanong naman ni Anthony habang nagpupunas ng buhok, kaliligo lang yata.

"Kanina pa kasi namin siya kinakausap pero sinusungitan niya lang kami, I wonder... may nangyare bang masama? Or may nakita ba kayong gumalit or what sakanya?" Tanong ko sakanila, agad namang napangiti si Anthony at umiling iling "Iniiling iling mo diyan?" Tanong ko sakanya.

"Don't worry ako na bahala sakanya, trust me miss Secretary" aniya at lumabas ng kwarto, hmmm... parang nakakaramdam na ko ah. Iba na to ah

"SIGURADUHIN MONG MAIBABALIK MO YANG SI STEPH O AKO BABALI NIYANG MGA BUTO MO!" sigaw ko at bumalik na ko sa room namin para tumulong magluto.

Steph's POV

Nasa cafe ako ngayon malapit sa school actually tumakas lang ako dahil bawal na raw lumabas ng ganitong oras, I don't care gusto kong mapag isa doble pag iisa dahil walang costumer sa cafe ngayon, ipinikit ko muna ang mga mata ko dahil ang ganda matulog nakakacomfort ang katahimikan... malamang nagtataka na rin yung mga yun kung bakit wala ako sa school, bakit nga ba kasi hindi ako makaget over sa nangyare kagabi? Ni ayaw kong makakita ng mukha ni isa sakanila, ayaw ko ring kumausap or whatsoever basta gusto kong magkaron ng time para makaget over...

5 minutes later...

"Kailan mo balak bumalik sa school?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Teka? S-si Anthony... ba... to?! Kssh! Ayokong magsalita ayoko siyang tignan, kunware tulog ka okay? Steph kaya mo yan.

...

"Okay balik na ko don bumalik ka na din anong oras na oh mamaya kung ano pang nangyare sayo" aniya at narinig ko naman nang umalis siya kaya medjo inangat ko ang ulo ko para sumilip.

"Asa ka, wala kong balak bumalik dun noh" sabi ko at umirap.

"Kung magtutulug tulugan ka siguraduhin mong di halata" nagulat naman ako dahil nasa likod na pala siya ng upuan ko, umalis na to diba?! Ano baaaa!

"Umalis ka na hindi ko kailangan ng kausap" sabi ko at inilapag ulit ang ulo ko sa lamesa.

"Hindi mo kailangan ng kausap dahil hindi ka makaget over kagabi?" Aniya at umirap naman ako.

"Hindi yun ang dahilan!"
Sabi ko at lumingon sa ibang direksyon, nakakainis naman bakit ba kasi!

"Kung hindi yun ang dahilan bakit hindi ka makatingin ng diretso saakin?" Tanong niya at umupo sa harapan.

"Panget ka kasi"
Sagot ko at tumawa naman siya ng malakas, putek wag kang matatawa steph hahampasin kita!

"Oh? Sinasabi mo yan dahil nahihiya kang maalala ko na hinalikan kita kagabi" aniya kaya tinalikuran ko siya.

"Umalis ka na! Wala kang mapapala sakin! Hindi mo ko mapapasagot!" Sabi ko sakanya, bat ba hindi ko magawang umakto ng normal?!

"Ayoko"
Aniya kaya tumayo na ko at papaalis na.

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon