Chapter 14: Aksidente ♡

308 8 0
                                    

Louise's Pov

Bigla nalang niya kong hinalikan nang magkaroon siya ng malay... buti nalang at nasa baba si Arvy at tinatawag yung iba...

"AMBEEEEEEEEEE---"
Dinig kong sigaw ni Miss President na  igla nalang natigilan nang makita niya kami.

"Ah! Ano, Mali yung iniisip mo miss president! Ano kasi, ganito yu---" nagsalita na siya bago ko pa ituloy ang sasabihin ko

"M-manyak kaaaa!!!! Lumabas ka dito!!! Wag mong ganyanin kaibigan kooo!!!!" Sigaw niya saakin at itinulak ako papalabas ng kwarto.

"Haaaay, ano ba kasing ginawa mo?" Tanong sakin ni Arvy na nakapameywang pa.

"Eh kasi..."
Sabi ko at sabay na napatingin sa ibang direksyon.

"May gusto ka ba sakanya?"
Tanong ni Arvy saakin.

"Wala"
Sagot ko at tumingin sakanya ng diretso. "Maniwala ka, aksidente lang yon, at bakit ko naman siya hahalikan eh wala nga akong gusto sakanya diba?"

"Haiiiyyy, sige na sige na naniniwala na ko, sige alis na ko"
Aniya at tumakbo na pababa.

Amber's Pov

"Amber okay ka lang? Anong ginawa sayo nung lalaking yon?! Sabihin mo para maireport ko siya!" Tanong saakin ni Steph dahilan kung bakit napatawa ako

"Mali kaaa, ano... kasi... ako yung nauna" sagot ko naman sakanya at tumingin sa ibang direksyon.

"Ooooh?! Wag mong sabihing...may gusto ka don?!!!!"
Tanong nanaman ni Steph sabay takip sa bibig niya.

"Wala!"
Sabi ko at umirap.

"Siguraduhin mo lang ah! Kapag nalaman kong may gusto ka don hinding hindi kita patatawarin!"
Aniya at naglakad na kami pababa.

Steph's Pov

Aishh, hindi ako makapaniwalang hahalikan ng babaeng yun ang isa sa mga barkada ng pinakakinaiinisan kong tao!!! Gigil na ko!.... as usual, andito nanaman ako sa damuhan nagpapaka anime, hindi kasi ako sanay ng laging nakikipagdaldalan, gusto ko lagi yung may time ako para mapag isa...

"Bat ba gusto mo laging napapag isa?" Ani Jeff at tumabi sakin na may hawak hawak na papel

"Para san yan?"
Tanong ko sakanya

"Binigay sakin ng president nitong school, invitation daw para sa Halloween special bukas ng gabi, inapprove na naming tatlo ikaw nalang ang kulang" sabi niya at ibinigay ang papel sakin

"San gaganapin?"
Tanong ko at ibinuklat ang papel.

Dear Officers,

           We would like to invite you to our halloween event tomorrow at 8:30 P.m 3rd building, there are also horror games to make the event more exciting. Thank you for your kind cooperation...

From,
     JCIS officers

"Dito gaganapin yung event pero yung sinasabi nilang Ghost Haunting sa lumang school yata na malapit lang dito" sagot niya, agad ko naman nang pinirmahan ang request.

"Siguraduhin nilang walang mapapahamak diyan sa Ghost Haunting na yan ah" sabi ko naman at naglakad na papunta sa building kung nasaan ang room na tutulugan namin.

...Few minutes later...

"Goodevening miss president"
Sabi nilang lahat nang pumasok ako sa room, tahimik naman sila at madaling pakiusapan kaya buti nalang din at itong section na to ang binigay sakin.

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon