Chapter 13: Fear

372 9 4
                                    

Kyle's POV

Naglalakad ako papunta sa c.r nang mabunggo ko siya, nagulat naman ako at agad ko siyang itinayo, at siya na nga yung tinulungan eto pang nagsungit.

"Next time kasi tumingin tingin sa dinadaanan" sabi niya saakin, wow ha? Ako pa yung hindi tumitigin eh siya nga tong nakatingin sa baba na nagsasalita ewan ko kung anong sinasabi.

"Sino? Ako? Hindi tumitingin? Sa dinadaanan?" Sabi ko at unti unting inilalapit ang mukha ko sakanya.

"Tsk! Alis nga!"
Sabi niya pero nilapitan ko siya unti unti dahilan kung bakit napaatras siya at nabunggo sa pader.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?" Sabi ko sakanya at ihinarang ang isa kong kamay para hindi siya makatakas.

........

Nang makaalis siya agad kong patagong sinundan kung saan siya pupunta, bumili lang pala ng tubig, aalis na sana ako nang magsalita siya mag isa...

"Aish! Bakit ba yung lalaking yun nalang lagi ang nakakasalubong ko?! Nakakasawa na! Ano bang meron sakin?! Hindi pa kasi aminin na may gusto siya sakin! Kailangan pang idaan sa patanong tanong! Aishhh!"

Yan ang narinig ko sakanya tapos may tumawag na sa phone niya at bigla na siyang tumakbo papunta sa likod, Haiyst.... sinasabi ko na nga ba nag aassume siya, haaaisyt Steph, patawa ka...

Steph's POV

Heto lonely... mag isa ko lang nanaman dito sa gym ng school, gusto kong magpahinga dahil pagod lahat pati utak ko... ako nanaman kasi tinamaan ng kamalasan, aish! Pano ko kaya mahahawakan yung section na yun kung nandoon ang piiiiinaka kinaiinisan kong tao! Ang hirap na!

"Wala nang laro bakit nandito ka pa?" Pasok ng kamalasan oh! Ang payapa ng buhay ko dito!

"Kailan ba mapapayapa tong buhay ko sayo?" Tanong ko sakanya at nilingon ko siya ng masama.

"Kailan ba mapapayapa yang kasungitan mo sakin?" Sabat naman niya.

"Kailan? Kapag nawala ka na sa harapan ko!" Sabi ko sakanya at akmang aalis na sana pero hinila ako pabalik at hinawakan ang beywang ko.

"Hindi ako mawawala sa harapan mo" sabi niya at hinablot ang beywang ko.

"Kailan mo titigilan yang kamanyakan mo?" Pagsusungit ko sakanya at inalis ko ang mga kamay niya.

"Hindi ako manyak"
Sabi niya at unti unti akong nilalapitan.

"Bakit ako ang nilalandi mo eh nandyan naman yang letse mong ex? Ha?" Sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko.

"Diretsahin na natin, Nagseselos ka ba?" Sabi niya at ihinarang ang mga kamay niya sa pader.

"Hindi! Asa ka! Hah sabi ko na nga ba nag aassume ka" sagot ko sakanya at heto namang napatawa.

"Ako? Nag aassume? Eh diba ikaw ang naghihintay na umamin ako sayo?" Sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko, teka pano?...

"Sa pagkakaalam ko wala akong nasabing ganon" pag iwas ko sa sinabi niya, aish!

"Really?"
Sabi niya at unti unting inilalapit ang mukha niya sakin, pilit kong iniiwas ang mukha ko pero walang space para makaiwas.

"Wag kang gagawa ng masama ipapapulis kita!" Sabi ko at pilit siyang itinutulak pero hindi ko kaya.

"Parang ganito"
Sabi niya at nilapit niya ng nilapit ang mukha niya hanggang sa isang salita ko nalang mahahalikan niya na ko, kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil alam kong doon din naman papatungo iyon.

The Bully VS The Campus President (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon