P R O L O G U E

1.8K 43 16
                                    

V.P. Helen Reña's POV

Nilagdaan 'ko na ang isang utos 'ko, simulan na ang Code : Red.

Code:Red
Isang utos na ang Presidente o ang Bise - Presidente lamang ang maaring mag-lagda ng batas na ito. Ang motibo ng kautusan na ito ay upang maubos na ang mga infected sa pamamagitan ng pagpapadala ng special forces sa iba't ibang lugar sa pilipinas na papatay ng mga infected o taong makikita nila. Sa pamamagitan nito mababawasan na rin ang risk na may maipasok na infected na tao sa loob ng mga shelter at evac. Sites. Hindi gusto ng Bise-Presidente ang ideyang gumamit ng mga Nuclear weapons dahil baka hindi na raw mapakinabangan ng bansa ang lupang masisira ng mga Super weapons na ito kaya nagpadala siya ng mga Elite forces na may dalang mga special weapons upang matanggal na sa balat ng lupa ang mga halimaw na ito.

Agad na ipinakalat ng Command Center ang mga magagaling at maasahan na mga sundalo nila sa buong pilipinas.

Naka Hazmat Suit sila upang hindi sila mahawa sa mga infected, meron rin silang mga Flame-throwers sa bawat squad upang mas mapa-bilis ang pag-puksa sa mga naglalakad na bangkay. Meron ring na-imbento na smoke grenade na kapag dumikit sa balat ng mga infected ay agad silang maagnas, mapangib rin ito sa tao kung malalanghap nila, maari nila itong ikamatay.

Tawagin na nila akong masamang pinuno pero wala akong magagawa, pinag-aralan 'ko ito nang mabuti at ito lang ang nakita 'kong sagot sa mga nasisirang evac. Sites. Hindi na dapat kami mag-take risk na masira ang mga shelter dahil lang sa pag-kuha ng mga taong itinatago ang mga sugat para lang maka-pasok sa loob.

Pipilitin 'kong maisalba ang natitirang labing limang porsyento ng mga taong natitira pa at pilit na bumabangon sa mundong pinaghaharian na ng mga naglalakad na bangkay.

"Ma'am, Alpha and Bravo squad have already landed." sabi ng isa sa mga sundalo ng Command Center.

"Thank you, please report to me every thirty minutes." sagot 'ko.

"Yes ma'am." sumaludo ito at naglakad papalayo.

Gamit ang posisyon 'ko, pipilitin 'kong maibalik ang dating pamumuhay ng pilipinas.

Walang makakapigil sa'kin.

To Survive : Kill the Undead [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon