William's POV
*Eeeeeek*
Biglang tumigil ang R.V. na sinasakyan namin.
"Ben? Ano nangyari?" tanong 'ko habang lumalapit sa driver's seat.
"Hindi 'ko alam Will, huminto din kasi yung kotse nila Wharren kaya huminto ako." sabi niya.
lumabas ako ng R.V.
"Anata!" medyo malakas niyang pagkakasabi habang pababa ako ng sasakyan.
"Bakit Vy?" tanong 'ko sa kanya.
"Mag-iingat ka ah?" Nag-aalala niyang sinabi.
Napa-ngisi ako sa sinabi niya kaya lumapit ako at hinalikan 'ko siya sa noo.
"Wag ka mag-alala, babalik ako agad." sabi 'ko sa kanya upang mapanatag na siya.
"Okay." naka-ngiti niyang sinabi.
Bumaba ako ng R.V. at pinagmasdan ang paligid.
Hmm... Military checkpoint ata 'to ah?
Naglakad ako papunta sa sasakyan nila Wharren, nakita 'kong naka-labas na ng sasakyan sila Wharren at si Calvin.
"Anong problema dito Calvin?" nagtataka 'kong tinanong sa kanya.
"Ah Sir, kayo pala. Napa-hinto kami kasi hindi makakadaan ang kotse namin dahil may mga naka-harang na sasakyan sa kalsada." sambit niya habang tinuturo ang kalsadang may sandamakmak na sasakyan ang naka-balandra sa gitna.
Sinuri 'ko ng maiigi ang kalsada.
"Mahihirapan nga tayo dito, pwede nating itulak papalayo sa kalsada ang mga sasakyan pero may mga infecteds din kasi na nasa gilid gilid nitong checkpoint." sabi 'ko habang pinagmamasdan ang mga naka-tayong infected sa likod ng mga kotse.
"Pwede naman natin silang patayin ng walang ginagawang ingay." biglang singit ni Wharren.
Biglang dumating si Ben at si Louis.
"Louis, tanong mo nga kay Charles kung nasa trunk ng sasakyan nila mga Machete o baseball bats. kakailangan natin para mabantayan yung magtutulak ng sasakyan." sabi 'ko sa kanya.
"O sige." sambit niya sabay takbo patungo kila Charles.
"May dalawang taong magtutulak sa mga kotse, the rest bantayan sila sa mga papalapit na infecteds." sabi 'ko sa kanilang lahat.
Makalipas ng ilang segundo tumatakbo na papunta sa'min sila Charles na may dala-dalang mga pang-hampas sa infected.
"Wharren tsaka ikaw Calvin, kayo mag-alis ng mga kotse sa daanan natin." utos 'ko sa kanila.
"Sige. Calvin hawakan mo na manibela ako na magtutulak." sabi ni Wharren.
tumungo naman si Calvin.
"Spread out!" sabi 'ko sa kanila. "Ben, Louis sa may kaliwang bahagi kayo mag-bantay. Charles tsaka ikaw Ella sa kanang bahagi naman kayo, kami naman ni Gerard ang nasa likod nila Wharren para mabantayan sila sa likuran." dagdag 'ko.
Nagsi-pwestuhan naman sila, nagmamasid habang hawak-hawak ang kani-kanilang mga armas.
Pumasok si Calvin sa may manibela at hinila ang brake handle nito habang si Wharren naman ay itinutulak ito sa gilid ng kalsada.
"Gerard, tulungan muna natin si Wharren habang wala pang infected na malapit." mahina 'kong pagkakasabi.
"Sige sige." sabi niya habang tumutungo siya.
Mas napa-bilis ang aming trabaho nung tumulong na kami. Tinignan 'ko ang dalawang grupo at nakakapatay sila ng iilang infected na naglalakad patungo dito sa'min.
BINABASA MO ANG
To Survive : Kill the Undead [Book 2]
Science FictionThe Continuation of To Survive : Kill the Undead [Book 1] In a world full of Walking corpse, a group of people heading towards the Zarque City hoping to find the rumored 'Biological Laboratory' that is said to be a Safe Haven for the restless peopl...