Lt. Christopher's POV
"AHHHHH!" Sigaw ni Gonzales habang naka-titig sa duguang katawan ni Gotiza.
"Gomar! Gomar!" sigaw 'ko habang nagmamaneho ng Humvee.
Biglang dumilat ang mga mata ni Gomar sabay hawak sa kanyang malubhang sugat sa braso.
"Uhhckkkk!" naiiyak niyang ungol gawa ng sugat sa braso.
"Gonzales! Gamutin mo agad yung sugat ni Gotiza!" sigaw 'ko sa kanya habang naghahanap ng ligtas na lugar na maari 'kong pagparadahan.
"Ihinto mo ang kotse!" sigaw niya.
Agad 'kong ini-hinto ang sasakyan sa likod ng isang maliit na repair shop ng cellphone.
Sa tingin 'ko ligtas naman huminto dito.
Kinuha 'ko ang Isang M4 Rifle at ilang granada, kinabitan ko rin ito ng suppressor para ma-minimize ang ingay na magagawa ng baril 'ko.
"Sir saan ka pupunta?" tanong niya habang tinatapalan niya ng malinis na benda ang sugat upang hindi tumagas ang dugo ni Gotiza.
"Babalikan 'ko sila." gigil 'kong sinabi. "Hindi ako makakapayag na masayang ang buhay ng mga kasamahan 'ko ng dahil sa walang kwentang mga tao kagaya nila." dagdag 'ko.
Biglang nagpu-pumilit na tumayo si Gotiza.
"S-sir sasama ako." pakiusap niya sa'kin.
"Sergeant, Tignan mo ang kalagayan mo. Mag-pagaling ka para makasama ka ulit sa susunod." sabi 'ko sa kanya.
"Pe-pero..." angal niya.
"I-uuwi ko pa kayong dalawa sa HQ kaya dito muna kayo." sabi 'ko sa kanila. "Pagalingin mo si Gotiza, Gonzales." utos 'ko sa kaniya.
"Yes sir!" medyo nag-aalangan niyang sinabi.
Hindi na ako nagpa-ligoy ligoy pa at dumiretso na ako sa kung saan kami nakipag-engkwentro sa mga taong tinatawag ang kanilang sarili bilang Miyembro ng Laughing Coffin.
Medical Surgeon Gonzales's POV
"Doc... magagalaw ko pa ba braso ko?" naiiyak niyang tinanong sa'kin.
Isang armor piercing bullet ang tumama sa kanya, hindi maganda ang resulta nito.
"Wag ka muna gumalaw ah? Ino-obserbahan pa kita kaya I-minimize mo ang movement mo." sabi 'ko sa kanya habang dahan-dahang sinisilip kung anong bahagi ng kanyang braso ang tinamaan.
"Wala na kasi akong nararamdaman doc. natatakot ako kasi di ko na maramdaman daliri 'ko." naluluha niyang sinabi.
Sa may balikat siya tinamaan, malamang tinamaan ang mga nerves at blood vessels niya. Malaki ang posibilidad na hindi na niya magamit ang kanang balikat niya, Habang buhay.
Agad 'kong binuhusan ng tubig mula sa water canteen 'ko ang sugat.
"Hnnnghhh!" naiiyak na ungol ni Gotiza.
"Injecting Morphine." mahina 'kong pagkakasabi habang hawak-hawak ang syringe.
Maingat 'kong in-inject sa kanya ang isang shot ng Morphine upang hindi niya maramdaman ang sakit.
Hinawakan 'ko ang kanyang leeg at naramdamang tumataas ang kanyang lagnat.
"May sinat ka." seryoso 'kong sinabi. "Panatilihin mong gising ang sarili mo kung hindi maari kang mamatay." babala 'ko sa kanya ngunit hindi man lang siya umimik.
Nilinis 'ko ang sugat niya at nilagyan ng bagong benda.
Tumagos sa balikat niya ang bala, maaring may onting fragments ng projectile na nasa loob ng kanyang katawan pero hindi 'ko kayang makuha 'yun dahil wala akong sapat na gamit dito sa humvee. Maari ring nabasag ang kanyang buto dahil natamaan ito ng bala.
"In the bright side... nagawa 'kong patigilin ang dugo." mahina 'kong sinabi sa sarili 'ko habang naka-tingin sa kay Gotiza.
"D-doc." mahinang pagkakasabi ni Gotiza.
"Mag-pahinga kana muna, wag ka lang iidlip ng higit sa trenta minutos." sabi 'ko sa kanya habang pinupunas ang dugo sa leeg niya.
"D-doc... pe-pwede bang ihatid mo sa kapa..." bigla siyang nag-suka ng dugo.
Bakit siya sumuka ng dugo?
Tinignan 'ko ulit ang sugat ngunit wala naman akong nakitang signs ng wound infection.
"Okay ka lang ba?" sabi 'ko habang nag-aalalang pinunas ang kanyang labing may dugo.
"Ayos lang ako doc, gusto ko lang sana na kung maari... maihatid mo ang mensaheng naka-sulat sa duffle bag 'ko... nara...nararamdaman 'kong hindi na ako aabot kinabukasan." naiiyak niyang sinabi.
Bakas sa mukha ng sundalo ang takot na may maiiwanan siyang isang mahalagang tao sa mundong ito. Bilang doktor, marami na akong nasubaybayan na lumisan sa mundong ito pero hindi 'ko talaga kayang masanay.
"Hindi ka mamatay, makaka-balik tayo sa H.Q. ikaw ang yayakap sa kapatid mo." pagpa-palakas 'ko ng kanyang loob.
Ngumiti lamang ito.
"Alam mo doc, sana nakilala kita nung malakas pa ako." naka-ngiti niyang sinabi sa'kin.
"Ano ka ba, malakas ka pa rin. kaya mo yan." seryoso 'kong sinabi pero nakakaramdam na ako ng pagka-lungkot para sa sasapitin niya.
"Marami pa akong gusto gawin, marami pa akong pangako sa kapatid 'ko. Pinangarap 'ko ding magkaroon ng sariling pamilya ngunit dito na ata magtatapos ang kwento 'ko. Ang kwento ni Master Sergeant Gotiza." malungkot niyang pagkakalahad sabay pikit ng lumuluha niyang mata.
pupunasan 'ko sana yung luha niya ng biglang may mga taong bumaril sa Humvee.
*tuff*
*tadadada*"Nandyan pala kayo ah! Barilin niyo!" sigaw ng isang lalaki habang unti-unti silang lumalapit patungo sa sasakyan namin.
"Nasan si Lieutenant!?" sigaw 'ko habang binubuksan ang makina ng sasakyan.
Pinindot 'ko ang pulang button at biglang nabuhay ang sasakyan.
Agad 'kong tinapakan ang pedalya at hinarurot ang sasakyan.
Pasensya na sir!
Inilayo 'ko ang sasakyan sa lugar na 'yon.
Pinilit 'kong makalayo sa mga taong gusto kaming patayin.
Isa...tatlo...sam...pu.... Hindi 'ko na mabilang ang mga taong bumabaril sa'min, ang tanging goal 'ko lang sa sitwasyon na 'to ay maka-alis at maka-layo dito.
*tuuuut*
Biglang sumabog ang mga bariles sa harapan 'ko. Kung sumakto ang pag-sabog sa'min ay siguradong ikamamatay namin ang pag-sabog na 'yun.
Fuuuuck! Ano ba talagang gusto nila!?
"Infected dapat ang kinakalaban ng sangkatauhan pero anong ginagawa ng mga taong 'to!" galit 'kong sinigaw habang iniikot ang manibela sa pasikot sikot na daananm
Sandamakmak ang infected na nakita 'ko na papalapit sa mga bumabaril sa'min.
Ngayon lang ako natuwa na may makakain ang mga halimaw na 'to. Halimaw rin ang kakainin nila.
Karma's been served.
Biglang may humawak sa braso 'ko.
"Magiging okay din ang —" napatigil ako sa pag-sasalita dahil hindi na dapat kayang tumayo ni Gomar.
Agad 'kong sinilip ang rear-view mirror at nakita 'ko siya.
Namumula ang mga mata at wala ng bakas ng buhay.
"HNGGHH!"
End of Chapter 5:
Human GarbageA/N
Hey guys! If you enjoyed reading my novel please leave down a Like and follow me on wattpad.Thank you.
BINABASA MO ANG
To Survive : Kill the Undead [Book 2]
Science FictionThe Continuation of To Survive : Kill the Undead [Book 1] In a world full of Walking corpse, a group of people heading towards the Zarque City hoping to find the rumored 'Biological Laboratory' that is said to be a Safe Haven for the restless peopl...