Lt. Christopher's POV
Itinaas 'ko ang kamay 'ko at nag-signal na I-check ang perimeter sa posibleng ambush.
Dahan-dahan kaming pumasok habang tinitignan ang bawat sulok ng gusali. Napakabaho, nakakadiri at nakakasuka ang kapaligiran para sa mga normal na tao pero para saming mga Scout Ranger ay parang amoy na lang ito ng tae ng aso.
Halos lagpas takong ang kulay pulang likido sa sahig na sa tingin nami'y dugo ng tao o ng infected.
Ilang saglit pa'y narating namin ang dulo, isang pintuan ang aming nasilayan.
"Gotiza, buksan mo 'yung pinto." utos 'ko.
"Yes sir." sagot niya sabay lapit sa pinto.
Sa harap ng pinto ako pumwesto dahil mabilisang pagpasok ang aming gagawin, nasa amin ang element of surprise laban sa kanila.
Tinignan 'ko si Gotiza at sinabihan 'kong buksan na.
Tumungo ito sabay hila ng pinto.
Patakbo kaming pumasok sa loob ng kwarto habang naka-tutok ang baril 'ko sa paligid.
*krwaap*
*krwaap*
"S-sir, di-diba sila 'y-yung MSS?" tanong ni Burgos.
Nung una'y hindi ko naunawaan ang sitwasyon pero kalauna'y naintindihan 'ko na ang kinakain ng infected ay ang mga miyembro ng MSS.
*Huuurr*
Biglang lumingon ang mga infected sa kinatatayuan namin.
"Sir!? Anong utos niyo?" kabadong tinanong ni Burgos.
Napa-atras ako.
"Engage!" utos 'ko sa kanila.
Itinaas nila ang mga baril nila at pinagpuputok ang kanilang mga hawak-hawak na baril.
*Kwaaar*
*twiishh*Isa-isang nagbabagsakan ang mga infected sa basang sahig.
"AAAAH!" Sigaw ng isang babae.
"BRITTANY!" napa-sigaw si Elijah ng makita niyang nanganganib ang buhay ni Gonzales.
May Infected na animo'y naka-dikit sa pader ang humihila sa braso ni Gonzales.
Agad na tumakbo si Elijah sabay hampas ng kanyang baril sa kamay ng Infected.
"Ughh!" napa-upo sa sahig si Brittany.
Inilabas ni Elijah ang kanyang handgun at pinasabog ang ulo ng Infected na nasa pader.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Elijah habang sinusuri ang kanyang braso.
"Oo, salamat. Muntikan na ako dun ah, hindi ko inakalang may infected sa pader, Sorry." sabi ni Brittany kay Elijah.
"Wala 'yun." sabi niya sabay tumayo siya at sumali ulit sa pagbabaril ng mga natitira pang infected.
Nang maubos na namin ang mga infected ay tinignan namin ang mga namatay na MSS members.
"Sa tingin mo sir, nandito ang package na hinahanap natin?" tanong ni Sangalang sa'kin.
"Hindi 'ko rin alam, malamang may mga natitira pang MSS na nakatakas at dala-dala ang package." sagot 'ko sa kaniya.
Kinuha 'ko ang baril na nasa sahig, malamang sa kanila 'to. Tinignan 'ko ang clip ngunit wala na itong bala.
"Sana nagtira man lang sila ng isa para sa kanilang sarili." mahina 'kong pagkakasabi.
"Edi naging kasalanan na nila ang pagkamatay nila?" sabi ni Brittany. "Mapupunta pa sila sa impyerno kapag ginawa nila 'yun." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
To Survive : Kill the Undead [Book 2]
Science FictionThe Continuation of To Survive : Kill the Undead [Book 1] In a world full of Walking corpse, a group of people heading towards the Zarque City hoping to find the rumored 'Biological Laboratory' that is said to be a Safe Haven for the restless peopl...