Chapter 9 : The Crazies

244 8 5
                                    

William's POV

Nagmasid-masid ako sa paligid at nakitang may iilang infected na naglalakad ng walang patutunguhang direksyon.

"Mukhang ligtas naman, pasok!" pabulong 'kong sinigaw sa kanilang dalawa. "Ivy, sa likod lang kita para hindi ka masaktan o kung ano man." paalala 'ko sa kanya habang naka-ngiti.

Tumungo naman siya at mas inalerto ang sarili.

"Hypermarket, parang kailan lang madaming tao dito." napa-buntong hiningang sinabi ni Ben. "Ngayon naman, madami nga puro naglalakad na patay naman." dagdag nito.

"Ilang buwan palang ang lumipas pero buong bansa na ata ang naapektuhan ng virus na kumakalat." sabi 'ko habang naghahalungkat ng cart na magagamit sa pag-kuha ng supplies.

"Sa tingin mo, airborne kaya ang virus?" tanong ni Ben.

Bigla akong napa-tigil sa ginagawa 'ko.

"K-kung airborne ang virus..." Mahinang pagkakasabi ni Ivy, "Hindi kaya lahat tayo ay infected?" Kinakabahan niyang sinabi.

Nag-tagpo ang mga mata namin ni Ben.

"Posible 'yan, pero wala pa tayong sapat na basehan para masabing totoo yang naiisip natin." sabi 'ko.

Hinila 'ko ang isang malaking cart at inalis sa pagkaka-ipit.

"Sama-sama lang tayo, bawat sulok ay titignan at laging maging alerto." utos 'ko sa kanilang dalawa.

Tumungo sila at nag-masid sa paligid.

Naglakad na kaming tatlo habang pinapagulong ang cart papasok ng grocery area.

Bakas ang pagnanakaw at pang-vandalize ng mga tao dito sa mall. Basag ang mga salamin, nag-kalat na mga de-lata at mga tinapay na durog ang tumambad sa'min.

"Bantayan niyo muna ang cart, check 'ko lang if may mga de-lata pang hindi pa nabubuksan o hindi nasira." sabi 'ko habang naglalakad patungo sa mga nag-kalat na halo-halong de-lata.

Isinakbit 'ko ang handgun 'ko sa holster at inisa-isa ang pag-tingin sa mga de-lata sa sahig.

"Hmm, Maling, Spam, Corned—" napa-hinto ako ng nakita 'kong butas at inaamag na ang de-lata. "Canned mushroom, sardinas at liver spread." napa-ngiti ako ng naka-kita ako ng liver spread.

Isa sa mga paborito 'ko.

Agad 'kong inilagay sa cart ang mga nakuha 'ko.

Tumungo ako sa kanila at pinag-patuloy namin ang pagla-lakad.

Wharren's POV

"Gasoline station sa kabilang kalsada!" Masiglang tono ni Calvin ng makita niyang malapit na namin mapuntahan ang Gasoline station na kanina pa niya tinuturo sa'min.

"Tanaw 'ko na ang gasoline station Calvin." sabi 'ko habang tini-tignan ang paligid kung may mga infected ba na naka-abang.

"Parang nakakabingi yung katahimikan dito." seryosong pagkakasabi ni Ara habang hawak nya ang Bag.

"Oo nga, Alerto tayo guys, Hindi natin alam kung ano ang makikita natin dito sa lugar na'to." mahinang utos 'ko habang naglalakad patungo sa nasabing Gasoline Station.

Nang makarating na kami sa Gasoline station ay may napansin akong kakaiba, para bang may nauna na sa amin dito.

"Calvin, check mo nga yung loob ng convenience store ng station na 'to. Mag-iingat ka." babala 'ko sa kanya habang nilalapag na ang mga lalagyanan na gagamitin namin sa pagkuha ng gas.

To Survive : Kill the Undead [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon