William's POV
*Eeeeeckk*
Bigla akong naalimpungatan sa biglaang pag-hinti ng R.V.
*Tiwwshhh*
Biglang pinatay ni Ben ang makina sabay tingin sa'kin.
"Oh, gising ka na pala? Nandito na tayo William." sabi niya habang pinagmamasdan ang paligid.
"Baquatee City, huh?" mahina 'kong sambit habang naka-upo at naka-tingin sa bintana.
"May maliit tayong problema." sabi ni Ben sa'kin na may onting kaba sa kanyang mukha.
Tinignan 'ko siya ng maigi.
"Ano 'yun?" seryoso 'kong tinanong.
"Ang R.V. ubos na ang Gas, Onti na lang din ang mga bala natin at paubos na rin ang ration natin." sabi nito.
Tinignan 'ko ang paligid ng siyudad at nakikitang o-onti lang ang mga infected sa paligid at hindi pa nila kami napapansin.
"Hindi na din natin maipapasok sa loob ng siyudad ang ating mga kotse kasi maraming naka-harang na mga sirang kotse sa daan." dagdag ni Ben.
Tumayo ako at hinanap si Regina.
"Regina?" katok 'ko sa isang kwarto kung nasan si Regina at si Ivy.
Dali-daling binuksan ni Regina ang pinto.
"Ano 'yun?" tanong niya habang nagtatangal ng mga muta sa kanyang mata.
"Isa ka sa mga sasama sa'min." mahina 'kong sambit.
Medyo nagulat siya pero naiintindihan naman niya kung bakit isa siya sa mga napili.
Tinignan 'ko si Ivy at nakitang naghahabol siya ng tulog.
I really love this woman.
"Louis, gustuhin 'ko mang isama 'ka pero mas mabuting maiwan ka at mag-sniper ka mula sa rooftop ng R.V., kailangan 'ko din ng mata para sa'ting grupo." paliwanag 'ko kay Louis.
tumungo ito.
"Kuya, saan po kayo pupunta?" tanong ni Alexia habang hinihili ang T-shirt 'ko.
Yumukod ako at hinimas ang ulo niya. "Kukuha lang kami ng masasarap na pagkain para sa'tin." naka-ngiti 'kong sinabi.
"Damihan niyo po ah para mabusog tayong lahat!" naka-ngiti nitong sinabi.
Tumayo ako.
"Oo naman, mag-hintay lang muna kayo ni Ate Ivy mo ah?" sabi 'ko sa kanya.
"Oo naman po, no? Ate Ivy!" masaya nitong sinambit at tinawag si Ivy.
Bigla akong napa-hinto.
"A-Ate Ivy?" Gulat 'kong nasambit sabay lingon at nakita 'kong gising na si Ivy.
"Saan ka pupunta?" medyo paos nitong tinanong.
"Kukuha lang ng mga kailangan tapos babalik din kami agad." sabi 'ko sa kanya sabay lapit at halik sa kanyang noo.
"Sasama ako." sabi ni Ivy.
"Pero mapanganib sa lugar na 'to, Vy." kabado 'kong pinaliwanag sa kanya.
"Pero nandyan ka naman para protektahan ako diba?" sagot niya habang nagpa-palit ng damit sa kwarto nila.
"Oo pero—" naputol ang salita 'ko ng lumabas si Ivy sa pinto.
"Wala ng pero pero, lahat ng lugar ngayon mapanganib na." sabi niya. "Kaya mas gusto 'kong katabi kita para mapanatag ako." dagdag pa nito.
Napa-kamot na lamang ako sa ulo sa katigasan ng kanyang ulo.
Bumaba kami para puntahan pa ang iba pa naming kasamahan.
Kasunod ng R.V. namin ang sasakyan nila Charles. Agad na bumaba si Charles upang kausapin kami.
"Charles, tawagin mo si Ella. Sasama kayo sa'kin, Si Gerard sabihan mo na mag-bantay at wag na ulit lumayo." naka-ngisi 'kong sinabi.
Medyo naasar si Gerard pero tumawa din ito, malamang naalala ang nangyari nung napa-layo siya sa grupo.
Lumapit na rin ako sa kotse nila Calvin.
"Calvin, Pasabihan si Wharren tsaka si Ara, kayong tatlo sasama sa'min. si Jean doon muna sa R.V. at mag-pahinga." utos 'ko sa kanya.
Agad naman silang nag-babaan ng sasakyan.
"Bakit kailangan 'ko pang sumama?" tanong ni Ara.
"Doctor ka diba? Kailangan 'ko ng field medic sa grupo." mahinahon 'kong pagkakasabi.
Tumungo na lang si Ara sa'kin.
Pinagtabi-tabi 'ko ang mga napili 'kong tao para sa pag-pasok sa Baquatee city.
"Ako, si Ben at si Ivy ang mag-hahanap ng supplies at ration natin. Kayo naman Regina, Charles at Ella ang inaatasan 'kong mag-hanap ng kahit anong Ammunition na kaya niyong makita, lahat ng baril o bala na kaya niyong bitbitin ay dalhin niyo, ako na mismo ang mag-Identify isa-isa ng mga makukuha ninyo. Kayo naman Wharren, Ara at ikaw Calvin naman ang maghahanap ng gasolina para sa mga kotse natin." paliwanag 'ko sa mga gagawin nila.
"Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong 'ko ulit sa kanila.
"Oo!" sagot nilang lahat.
"Good, Squad Regina at Squad Wharren ang pangalan ng squad niyo." sabi 'ko sa kanila sabay bigay ng Radyo kay Regina at Wharren. "Kakailanganin natin magkaroon ng komunikasyon para mas maging ligtas tayo." sabi 'ko sa kanilang lahat.
Inabutan 'ko rin si Louis ng Radyo niya upang masabihan niya kami kung anong ganap ang nakikita niya mula sa scope niya.
"Gusto 'kong maging ligtas tayong lahat kaya ginagawa 'ko ang lahat ng makakaya 'ko para di tayo mawalan ng kasama. Gumamit lang ng baril kapag hindi na kaya at kailangan niyo ng umalis, dahil dadami lang lalo ang infected kapag nagpa-putok kayo." sabi 'ko sa kanila.
Kanya-kanya silang kuha ng gagamitin nilang armas at bag pangkuha ng mga gamit na dapat kuhanin.
Nang handa na ang lahat ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at dumiretso na kami sa loob ng Baquatee City.
Sana maging ligtas kaming lahat.
M.D. Surgeon Gonzales POV
"Magiging okay din ang —" napatigil ako sa pag-sasalita dahil hindi na dapat kayang tumayo ni Gomar.
Agad 'kong sinilip ang rear-view mirror at nakita 'ko siya.
Namumula ang mga mata at wala ng bakas ng buhay.
"HNGGHH!"
Bigla nito hinila ang aking braso.
"Go-Gomar!" sigaw 'ko habang nag-pupumiglas sa kanyang malakas na pag-hila ng aking braso.
Ang isang braso 'ko ay naka-hawak sa manibela kaya hindi 'ko magamit na pang-alis ng pagkaka-kapit niya.
Mabilis na gumapang ito upang kagatin ang braso 'ko ng bigla 'kong pina-hinto ang sasakyan.
Tumaob ito na nag-resulta sa pagkaka-bitaw niya sa braso 'ko, agad 'kong binuksan ang compartment ng sasakyan at kinuha ang S&W na handgun.
"G-Gomar umayos ka nakikiusap ako!" naluluha 'kong itinutok ang revolver sa kanya.
Dahan-dahan pa itong bumangon sabay harap sa'kin.
"Go..."
*tuff*
*splaaatt*"mar..." Tumulo ang luha 'ko kasabay ng pag-tulo ng dugo mula sa salamin ng Humvee.
End of Chapter 6 :
Entering Bacquatee CityA/N
Hey guys! at dahil sembreak na asahan niyong nonstop ang update! Hope you like it guys!PS
Sorry sa sound effects. It's a bit cringey I know.But anyways, Salamat ng marami!
BINABASA MO ANG
To Survive : Kill the Undead [Book 2]
Science FictionThe Continuation of To Survive : Kill the Undead [Book 1] In a world full of Walking corpse, a group of people heading towards the Zarque City hoping to find the rumored 'Biological Laboratory' that is said to be a Safe Haven for the restless peopl...