Lt. Christopher's POV :
*tick*
Dahan-dahan 'kong tinanggal sa safety pin ang rifle 'ko habang sinusundan ang dalawang miyembro ng mga hayop na umatake sa'min.
"Hindi 'ko kayo mapapatawad mga salot." inis 'kong binulong sa aking sarili.
Hindi na mapakali ang daliri 'ko, kung hindi 'ko lang kailangan sundan 'tong dalawa kanina pa walang buhay ang mga 'to, pero kailangan 'kong tapusin ang ugat ng grupo ng mga demonyong ito.
"Nandun na kaya sila boss? Ano kayang luto gagawin nila sa mga napatay nating sundalo?" sabi ng isang lalaki sa kasama nya.
"L-luto?" napalunok ako sa narinig 'ko.
"Sana kahit gawing porkchop o parang bistek ang luto ngayon." sabi ng kasama nya habang naka-ngiti at naka-hawak sa tiyan.
Halos umurong ang tiyan 'ko sa usapan nila.
"Cannibals." lalong nagdilim ang paningin 'ko sa kanila.
Inihanda 'ko ang sarili 'ko dahil hindi na ako makapag-timpi pa, bawat segundong nakikita 'kong naglalakad ang mga 'to ay segundo din na maaring makapatay nanaman sila ng ibang tao.
"Tagal 'ko na rin di natitik—" natigil sa pagsasalita ang lalaki matapos 'kong ihampas ng buong lakas sa ulo ang rifle 'ko.
"Anong!?" sigaw nya habang bumubunot.
Bigla akong bumunot ng handgun at itinutok ito sa ulo niya.
"Wag po. hindi po kami 'yun" pagmamaka-awa nya.
Agad siyang dumapa sa sahig.
Hindi na ako nag-sayang pa ng oras at hinampas 'ko rin siya ng rifle sa mukha. Agad 'kong hinila ang dalawa at ipinasok sa isang maliit na bahay, itinali sila sa upuan at nag-hintay na magising sila.
"pst!" sitsit ng isa sa mga lalaki sa kasama nya. "oy gising nasan tayo?" nalilito niyang tinanong.
biglang idinilat ng isa ang kanyang mata at nagpumilit na maka-alis sa pagka-tali.
"Ano ibig sabihin neto? sino gumawa neto?" sigaw niya habang nagpupumiglas.
Sinubukan nilang kumawala ngunit hindi sila nag-tagumpay.
"Oh? Gising na pala kayo." mahina 'kong pagkakasabi.
"Sino ka namang siraulo ka?" tanong ng isa sa mga lalaki.
"Ako? Ako lang naman papatay sa inyo." seryoso 'kong pagkaka-sabi.
Nag-tinginan ang dalawa at nag-tawanan.
Ngumiti din ako habang dinadala ang isang silya malapit sa kanila.
"Sa tingin mo natatakot kami?" naka-ngiti nyang tanong sa'kin.
Umupo ako.
"Saan 'ko makikita yung tinutuluyan ng grupo nyo?" tanong 'ko.
"Makinig ka tol, pakawalan mo na lang kami dito at pare-parehas tayong masaya." naka-ngiti nyang sinabi.
"tinatanong ko kung nasaan an—" bigla akong dinuruan ng isa sa kanila.
Nagtawanan ang dalawa.
Pinunasan 'ko ang mukha 'ko at naki-tawa din.
Bigla 'kong hinablot sa kwelyo ang lalaki at ibinaon sa ulo niya ang combat knife 'ko.
"GWAAAH! ANONG GINAWA MO?" Sigaw ng isang lalaki habang tinitignan nya ang patay nyang kasama.
"Nakakatuwa diba? Ngayon, sasagutin mo ba tanong 'ko?" seryoso 'kong pagkakasabi.
Napalunok ang lalaki.
"Kung sana sinagot nya ako kanina ng maayos edi sana hindi siya ganyan namatay." naka-ngiti 'kong sinabi.
"S-sa Hexal motel, p-please wag mo akong patayin." Nagmamaka-awa niyang sinabi.
"Yung maliit na motel na malapit dito?" tanong 'ko sa kanya.
"Oo, yun na nga. Ginawa naming base 'yun kaya mahirap mapasok ng mga zombie, please wag niyo akong patayin." naluluha niyang pagmamaka-awa.
Hinila 'ko ang combat knife sa ulo ng kasama niya at agad itong pinunasan.
"Hindi naman kita papatayin eh." naka-ngiti 'kong sinabi.
Tila naka-hinga ng naluwag ang lalaki.
"Pero sila oo." sabi 'ko sabay bukas ng pinto ng kwarto sabay takbo palabas.
"HAAAAA WAG MO KO IWANAN DITO!" Sigaw nya habang pilit na kumakawala sa tali.
GRAAAWWR
Sandamakmak na infected ang lumabas sa kwarto sa likod niya.
"GUWAAAGG TULONGGG ANG SAKEEET AAHHHH!" Sigaw niya habang nilalamutak ng mga infected.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na ako.
Habang nagla-lakad ako ay biglang bumugso ang pagka-lakas na ulan.
*tshhh*
"Tch, mahihirapan akong maka-punta dun lalo't mag-gabi na." sabi 'ko sa sarili 'ko.
Pumasok muna ako sa isang convenience store para magpa-tila ng ulan.
Tumingin-tingin ako sa mga stalls kung meron pang mga tirang pagkain.
Sa paghahanap ay naka-kita ako ng Chips ahoy, vienna sausage at pancit canton.
Inalog 'ko ang water canteen 'ko kung may laman pa at sa kabutihang palad ay halos wala pang bawas ang tubigan 'ko.
Inuna 'kong kainin ang vienna sausage at pinilit na kainin ang matigas na noodles ng canton para magkaroon ng laman ang tiyan 'ko. kahit papaano ay naibsan ang gutom 'ko.
Itinabi 'ko ang chips ahoy sa bag 'ko dahil ang mga pagkain na may asukal ay mahalaga lalo na sa panahon na walang makain. Kailangan ko ng enerhiya at ang asukal ang sagot doon.
Naisipan 'kong mag-libot sa convenience store, pumasok ako sa staff room at nagulat ako sa nakita 'ko.
Isang fully operational na laptop ang naka-bukas sa lamesa, may mga Headset and fax machine pa sa gilid nito. May radio system din na madalas 'kong makita sa HQ.
Dahan-dahan akong pumasok habang naka-hawak sa aking handgun holster.
Sa pag-pasok 'ko ay nakita 'ko ang kahoy na karton na may initials na M.S.S.
"MSS? Nandito pa rin ba sila o..." pinag-igihan 'ko ang pagma-matyag.
No cctv, no alarms, no traps.
"Bakit buhay pa rin 'tong laptop?" nilapitan 'ko ang laptop at tinignan ang nasa screen.
Hahawakan 'ko pa lang sana ang keyboard ng laptop ng bigla akong makakita ng silhouette ng isang tao sa likod 'ko.
Bago pa ako maka-react ay agad niya akong sinunggaban at tinalian ng lubid sa leeg.
"HKKKKK" Sigaw 'ko habang nag-pupumiglas.
sinubukan 'kong suntukin ang nasa likod 'ko ngunit balewala dahil makapal ang gamit ng taong nasa likuran 'ko.
Lalo niya pa itong hinigpitan.
"AAACKKKKK!" Pilit 'kong hinihila ang tali papalayo sa leeg 'ko ngunit hindi pa rin siya sumusuko.
Unti-unting nanlalabo ang mga mata 'ko.
End of Chapter 8:
MisfortuneA/N
Sorry for a long HIATUS! been busy in school. Comment down below any suggestion, opinion and questions.
PS:
PM me sa mga gustong maging part ng story 'ko. Nawala 'ko listahan 'ko ng potential characters! hhahahaha.
BINABASA MO ANG
To Survive : Kill the Undead [Book 2]
Science FictionThe Continuation of To Survive : Kill the Undead [Book 1] In a world full of Walking corpse, a group of people heading towards the Zarque City hoping to find the rumored 'Biological Laboratory' that is said to be a Safe Haven for the restless peopl...