Chapter 11 : Frustration

274 9 23
                                    

William's POV

"Lakad!" Sigaw 'ko habang tinutulak ang isa sa mga Cannibals.

Bakas sa mukha ng lalaki ang pagka-karoon ng Psychological disorder. Halos hindi na kumukurap ang mga mata nya at mukhang wala sa sarili ang lalaki, naglalaway din ito at medyo nanginginig.

Tinignan 'ko ang mga taong kinalagan 'ko kanina.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong 'ko sa kanila habang nagla-lakad.

Walang sumagot.

"Wag kayong mag-alala, hindi namin kayo kakainin." Pabiro 'kong sinabi. "Malapit na tayo, kumain na ba kayo?" dagdag 'ko.

"Sir..." Mahinang bulong ng dalaga.

"Hmm?" agad akong tumingin sa kanya.

Humikbi siya.

"Sa-...Salamat po." Sabay takip ng mukha gamit ang panyo nya.

Grabe ang trauma na naidulot nitong mga salot na'to. Nagkaka-gulo na nga ang mundo, dadagdagan pa nila.

Lumapit ako sa babae at hinimas 'ko ang kanyang ulo.

"Tahan na, Magiging ayos din ang lahat." naka-ngiti 'kong sinabi.

Agad 'kong pinag-patuloy ang pagla-lakad patungo sa mga kasamahan 'ko.

"Malapit na tayo, try to keep up guys." Sabi 'ko sabay tulak ulit sa lalaki.

Wharren's POV

Dahan-dahan 'kong ipinatong ang isang makapal ng kumot sa katawan ni Calvin.

Kawawang bata, Hindi nararapat sa kanya ang ganitong kamatayan.

Tumingin ako sa likod 'ko at nakikita 'kong huma-hagulgol parin sa ka-kaiyak si Ara.

"Rest in peace, Calv." Mahina 'kong pagkaka-sabi habang nanginginig ang kamao 'ko sa sobrang gigil.

"Wharren to base, do you copy?" Sabi 'ko sa radio na hawak 'ko.

"Copy, Louis 'to. Anong balita d'yan?"

"Patay na si Calvin." Malungkot 'kong pagkaka-sabi.

Ilang segundong hindi nag-salita si Louis.

"Sasabihin 'ko kay William yung malungkot na balita na'to. 'yun lang ba?"

"Papuntahin mo si Gerard dito, kailangan 'ko ng tulong nya sa pag-kuha ng mga gas." Sabi 'ko.

"Copy, on the way na si Gerard. Sit tight. Louis out." Sabay putol ng transmission.

Agad 'kong nilapitan si Ara.

"Ano ng pakiramdam mo?" Sabi 'ko sabay hawi ng kanyang buhok.

"Hindi 'ko na alam Wharren, bakit ba nagkaka-ganto ang mundo?" naiiyak niyang sinabi, "Parang kama-kailan lang nagta-trabaho kami ni Jean sa hospital tapos biglang nagka-ganito. Nakikita 'kong namamatay isa-isa mga taong tinuring 'ko ng pamilya at wala akong magawa!" Sigaw nya sabay balik ulit sa pag-iyak habang naka-takip ang kanyang mukha ng mga kamay niya.

Hindi talaga ako pala-yakap pero sa ngayon... Eto lang magagawa 'ko para mapa-kalma ka.

Niyakap 'ko si Ara.
"Sige Ara, ilabas mo lahat ng luha mo." Mahina 'kong sinabi habang niya-yakap siya.

William's POV

"Anata! Bakit ang taga—" biglang napa-hinto si Ivy sa pagsa-salita ng makita niyang madami akong kasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Survive : Kill the Undead [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon