Kabanata 04
I saw you.
Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Parang nagui-guilty ako sa ginawa ko. Kung sana alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ni Kevin e. Nalaman ko na sana kung ano na ang tumatakbo sa isip niya. Kung bakit niya ako iniwan doon sa acquaintance party. Kung bakit di siya nag paalam sa akin noong umalis siya. Bakit parang galit siya kanina? Bakit masama ang tingin niya sa akin? At tsaka higit sa lahat, para kanino talaga ang bulaklak na dala niya.
Kung sana parehas kami ng utak para di na ako mag isip ng ganito. Nababaliw na ako sa kakaisip e. Hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan. Pero sisikapin kong malaman kung ano ito. Tsaka, sino kaya yung babaeng binigyan niya ng bulaklak kanina? Hay naku! Tigilan mo na nga yang iniisip mo Kathy. Mababaliw ka sa ginagawa mong niyan. Ma text nga si Kevin para malaman ko kung ano ang dahilan.
Ako:
Kevin, hoy! Good evening.
3 minutes na ang nakalipas. Di parin siya nag rereply. Noon ang bilis, pero ngayon ang bagal.
Ako:
Kevin, galit ka ?
Hindi pa rin siya nag rereply sa akin. Tatadtadin ko kaya ng message ang inbox niya? Game!
Ano bang nangyari?
Para kanino ba yung bulaklak?
Bakit mo ako iniwan ng mag isa sa acquaintance ng walang paalam?
Bakit di ka lumapit sa amin ni Dayven kung nakita mo kami?
Shocks. Iniintay ko ang reply niya. Pero ni isa wala. Baka walang load? Baka lowbat? Baka natulog na? Baka na snatch yung cp niya? Argh! Kung anu-ano na ang iniisip ko. Mas mabuting matulog nalang.
Nakatulog ako kagabi sa kakatext sa kaniya. Pero ni isa wala siyang ni replyan. Ano bang problema nun? Hindi parin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. Habang nag didiscuss si Sir Jack, tinext ko si Gray.
Ako:
Gray, nag tetext ba kayo ni Kevin kahapon?
Gray:
Oo naman. Bakit?
Ako:
E. Kasi di siya nag rereply sa mga text ko kahapon. Kung ganun, alam mo kung nasaan siya kahapon?
Gray:
Oo, nasa bar daw siya kahapon.
Ako:
Bakit siya nag bar?
Gray:
Sabi kasi niya pamparelax lang daw ang dami niya kasing iniisip e.
Hindi ko na replyan si Gray kasi nahuli ako ni Sir na nag tetext. "Ms. Cortes, stop texting or else I'll confiscate it. Kung away mong ma confiscate yang cp mo kailangan mong gumawa ng research paper tungkol sa teenage pregnancy. Clear?"
"Yes, Sir."
Naku naman! Ang dami ng gagawin ko ngayon. May research paper, reporting tsaka ang interview.
"The deadline will be next month Ms. Cortes."
"Yes, Sir!"
Mamaya ko nalang isipin kung ano ang nangyari kay Kevin. Kailangan ko munang mag focus sa mga pinapagawa ni sir Jack sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/14696683-288-k102473.jpg)
BINABASA MO ANG
Great Pretender
Humorp r e t e n d -itago ang nararamdaman -ayaw sabihin -kayang mag panggap, maitago lang ang mga ito.