Kabanata 01
Doodle'
Alam niyo naman ang ginagawa pag first day of class di'ba? Kaya di ko na dapat sabihin sa inyo ang mga ginagawa namin.
Wala ang prof. namin ngayon kaya maingay ang classroom namin. May nagtatawanan, nagchichikahan, naglalaro ng gadgets, kumakanta, sumasayaw at nagbabasa ng ebook o wattpad. Kasama ako sa mga taong nagbabasa ng ebook o wattpad. Yan lang naman ang ginagawa ko ngayon eh, kasi wala pa akong masyadong kilala. Kahit nga itong seatmate ko di ko kilala, ba't ko naman siya kikilanin? Di naman ako interesado at ayokong magmukhang FC sa harap nya noh.
First day pa lang, pero marami ng FC. Hindi naman lahat, may iba friendly lang. 'Yiiiie' kinikilig ako <3 eh paano ba naman kasi sobrang ganda na ng storyang binabasa ko nasa climax na ako ng biglang nagsalita tong seatmate ko.
"Psst." at kinalabit pa ako. Tseh! bahala ka nga sa buhay mo, ang ganda na ng storyang binabasa ko eh. Bahala siya basta 'deadma' lang ako sa kanya.
"Pssst." ba't ba ang kulit nito? Hindi niya ba feel na ayaw kong may kausap ? Emo ako ngayon noh ? .
"Ano ba!? Nakakairita ka na ah!" sigaw ko sa kanya. Di' naman naririnig ng mga kaklase ko ang sigaw ko kasi maingay.
"Ah eh magtatanong sana ako sa'yo kaso mukhang busy ka ata eh."
"Eh, alam mo namang busy ako. Ba't mo pa ako inistorbo? Kainis ka!" bumalik ulit ako sa pag babasa. Kaso lang na guilty ako sa ginawa ko sa seatmate ko. Nagmamagandang loob lang naman siya. Highblood ka kasi Kathy eh.
"Ah, sorry." hininaan ko lang ang boses ko para di nya gaano marinig. Nahihiya din naman ako kasi parang na offend ko siya kanina.
Lumingon siya sakinng nakangiti, habang ako nakayuko pa rin. Naiinis ako, sana pala di nalang ako nag sorry kasi feeling ko sasabog ako dahil sa umiinit kong pisngi. Hinawakan niya ang pisngi ko, "Ang cute mo pala pag naka pout ka." namumula na talaga ang pisngi ko ng sobra-sobra. Walang hiya tong seatmate ko ah. "Pwede ba sagutin mo nalang ang sorry ko? Tss. Dami pang sinasabi eh." nakayuko pa rin ako habang sinasabi yun.
"Ikaw pa tong nag sosorry, ikaw pa ang galit. Pambihirang babae' naman oh." eto na naman ako nagui-guilty. Ba't ba kasi ang sungit ko? Wala naman akong period ngayon ah.?
"Sorry ulit. Ewan ko ba at bakit ang sungit ko ngayon."
"May PMS ka ba?" pambihirang lalaki!
"Wala nooh!" umaandar naman tong pagka sungit ko. Walang hiya kasi tong lalaking ito!
"Ba't ang sungit mo?" hindi ko nga rin alam, tas tinatanong mo pa ako. "Ewan"
"Oh sha! Baka mag away na naman tayo n'yan. Magsusungit ka naman, ok lang yung kanina. Hindi ko naman sinadya na istorbohin ka. Gusto ko lang ipakita sa'yo to. Hindi ko sure kung eto talaga ang pangalan mo, pero nakita ko kasi ito sa notebook na nakalapag d'yan sa arm chair mo kaya ito nalang ang sinulat ko..." waaaah ? O.o ginawa nya ba ito para sa'kin ? "Ayos lang ba?" tanong n'ya.
"Ayos na ayos!" sabay thumbs up ko pa. Ang galing n'yang mag doodle. Sana nga para sa akin 'to. "Para sa'kin ba'to?" lumingon ako sa kan'ya. "Hindi! Ginawa ko lang yan kasi ang boring. Kaya ayun ang pangalan mo ang pinagtripan ko." ayy, akala ko naman para sa akin.
Bigla niyang kinurot ang aking pisngi. "Ang cute mo talaga! Errr." nanggigigil siya sa akin. "Wag ka ngang mag pout'! Sa tingin mo ba gagawin ko yan kung hindi ko ibibigay sa'yo? Syempre' pagkatapos ko gawin yan, ibibigay ko talaga yan sa'yo." napatingin ako sa mata niya. "Really?" tumango siya.
Waaaah! "Thank you! Thank you!" excited akong umuwi kasi ilalagay ko ito sa kwarto ko kundi sa scrapbook. First time ko kasing nakatanggap ng ganito. "You're welcome Kathy" nakangiti pa rin siya, nahiya tuloy ako sa ginawa ko ganina. "Ah sorry at thank you ulit .... "
"Kevin." ahhh Kevin pala name nya. "Thanks Kevs."
Hanngang umuwi ako, hindi pa rin nawawala ang ngiti na naporma sa mga labi ko. Sobrang saya ko na may kilala at may kaibigan na ako sa school at mas malala pa doon ay may natanggap ako sa first day palang.
Nakarating na ako sa bahay. "Hi ma!" hindi pa rin talaga natanggal sa labi ko ang mga ngiti na naporma dito. "Parang ang saya ng anak ko ngayon ah? "
"Syempre' ma! D'ba sabi ni Rhyzza, bawal ang sad. Dapat happy! Kaya smile po kayo oh, gaya neto." tapos pinakita ko sa kanya ang pinakamalawak kong smile.
"Tseh! Ikaw talagang bata ka. Kumain ka na ba?" concern ang inay ko oh. HAHAHA "Syempre' naman ma, wag niyo na po yan tanungin. Always naman eh. Sige ma' akyat na ako. Nyt!" nakangiti pa rin ako hanggang ngayon.
"Goodnight." humalik na ako kay mama tsaka pumunta na sa kwarto ko.
Nilagay ko sa scrapbook ko ang binigay sakin ni Kevin. Pagkatapos kong nilagay yun ay hinanda ko na ang kama ko.
"New Life. New School. New Year. New Friends. GoodNight"
BINABASA MO ANG
Great Pretender
Humorp r e t e n d -itago ang nararamdaman -ayaw sabihin -kayang mag panggap, maitago lang ang mga ito.
