Kabanata 06

32 2 0
                                        

Kabanata 06

Bati.

Huling linggo na ng aming first sem, so it means next week BAKASYON NA!

Wotwot! Yeah! Woohoo! Laabit! Lets pa- tumunog ang cellphone ko. Si E, tumatawag.

"Helo?"

"Kathy, punta ka sa likod ng MasCom building bilis! I will wait for you."

"Ba-bak-- .." Call ended. "Bakit? .."

Magagabi na. Didilim na. Tapos papapuntahin niya ako sa likod ng building? Ano bang pumasok sa kukute niya at pinapunta niya pa ako roon. Alam niya namang matatakotin ako e.

Malapit na ako sa likod ng building pero di ko pa rin nakita ang babaeng iyon. Nasaan na kaya siya? "Pst." Lumingon ako sa likod ko pero walang tao ng humarap ako may nag takip na ng mata ko. "Nako naman! Lord, sino po ba ito? Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pa ng mahabang buhay. Gusto ko pang makatulong sa pamilya ko, at tsaka baka ako ang unang mamatay keysa kay papa! Loord.. Huhuhu... Wag po." Umiiyak na ako sa kaba. Dahil maingay ako nilagyan niya ng panyo pati bibig ko.

Ng naramdaman kong may papalapit. Tumahimik nalang ako, at ng tumabi siya sa akin. Tinanggal ng nag takip sa mga mata ko ang piring. Pag lingon ko sa tabi ko, "Kevin? / Kathy?" Matagal tagal bago namin na realize kung sino ang nag set up nito? Nilingon namin ang dalawa na nasa harap namin. Si Gray at E. Shocks?

"Graaay... Ano ito?" Galit na siya.

"E! "

Tumakbo na ang dalawa. Kami nalang ang naiwan. "Siguro sinet up sila tayo para mag usap." Siya ang unang nag salita. Aba! Dapat lang no.

"Ba't mo ba ako iniiwasan?" Panimula niya.. Matagal, bago ko siya sinagot... At utal utal pa talaga akong sumagot.

"Hi-hindi naman kita iniiwasan a." Hindi ko pa rin siya tinitingnan, tumingin nalang ako sa langit. Gumagabi na, at madilim na dito. Baka mamaya, may multo dito.

"Kung hindi mo talaga ako iniiwasan, tumingin ka sa mata ko ng walang alinlangan." Tumingin agad ako sa mata niya kahit na ayaw ng kalooban ko. Para lang matahimik siya.

Ilang minuto kaming ganun hanggang sa natauhan ako kaya ako ang unang umiwas.

"O, hayan? Tapos na ba?" Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi ko talaga naintindihan kung anong ibig sabihin ng mga mata mo.... E, bakit ba kasi lumalayo ka sa akin?"

"Busy ka, busy ako. Kaya lumalayo ako sa iyo."

"Hindi naman ako busy a. Wala nga akong gingawa."

"Anong wala? E, halos araw-araw na kayong magkasama ni Gee, kaya di na ako lumalapit sa iyo. Tsaka, mas nag enjoy ka kapag kapiling mo siya..." Aalis na sana ako ng..

"Nag seselos ka ba?" Napaharap ako sa kaniya at nagkasalubong ang dalawa kong kilay. Tinuturo turo ko pa ang sarili ko sa hindi makapani-paniwala niyang tanong.

"Oo, ikaw."

"Ako, talaga? Magseselos? Kanino?"

"Sa amin ni Gee." Tiningnan ko siya talagang makikita mo sa mukha niya ang naglalarong labi niya. Pinipigilan niyang ngumiti. Ang sama talaga ng hayop na ito.

"Nagpapasalamat nga ako sa inyo e. Tapos sasabihin mong nag seselos ako? Anong klaseng tanong yan. Hindi naman ikaw yung gusto ko. And I'm thankful kasi kung hindi ka lumayo hindi siya lalapit sa akin." Tapos tumingin ako sa mga mata niya.

"May gusto ka? Kanino?" Ang chismoso naman neto.

"Secret." Tapos aakmang aalis ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tinanggal ni Kevin ang jacket na suot niya at nilagay niya sa ulo ko. Tapos hinawakan niya ang magkabila kong braso. Napatingin ako sa magkabila niyang kamay. At inalalayan niya akong tumakbo at humanap ng masisilungan. Ng nakahanap na kami, nakita ko ang basa na niya. Na guiguilty tuloy ako kung bakit ko pa tinanggap ang jacket niya. Baka magkasakit pa siya, at alam na alam ng buong campus na masakitin siya. Pero bakit niya ginawa ito. Hinarap ko siya, at hinawakan ko ang magkabila niyang braso at pinaharap ko siya sa akin. Tinanggal ko ang jacket, wala na siyang t shirt. Kasi nung nakahanap kami ng masisilungan e, agad niyang tinanggal ang t shirt niya. Nilipat ko ang jacket ko sa kaniya. At niyakap ko siya.

Bakas sa pagmumukha niya ang pagkabigla niya. Ng tumatagal e, niyakap niya din ako pabalik.

Ng tumigil ang ulan, "Huling linggo na, bonding naman tayo!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Bigla bigla nalang lumalabas sa bibig ko iyon.

"Sure..." Kitang kita ko sa mga mata at ngiti niya ang pagiging masaya niya. "Soooo.... Hatid na kita?"

"Sure" nag thumbs up pa ako. Pumunta kami ng parking lot.

Pero bago kami pumasok, biglang bumuhos ang ulan.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinawakan ko rin ang kamay niya. Nagkatinginan pa kami bago pumasok sa sasakyan niya.

Bati na kami.

Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon