Kabanata 05
No Second Sem.
Matatapos na ang first sem next month. Tapos na ako sa lahat ng projects na pinapagawa sa amin ng prof namin. Kaya eto, medyo free na ako. Hindi na ako ganun ka seryoso sa klase. Kasi wala namang ibang pinapagawa ang mga prof namin kundi projects ng projects.Pero kung tapos kana pwede kanang mag libot sa whole campus.
Hanggang ngayon, di pa rin kami nag papansinan ni Kevin. Nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin, ganoon din siya. Nahuhuli niya akong sumusulyap sa kaniya. Grabe, ilang linggo na kaya kaming ganito. Kahit sa klase hindi kami nagpapansinan. Pero bahala na nga siya.
Umalis ako sa classroom at naglakad lakad dito sa campus. Dahil sumasakit na ang paa ko sa kakalakad, pumunta ako sa likod ng MasCom building. Dito mahangin, masarap magmuni-muni at syempre maganda ang tanawin. Naisip ko tuloy, kung bakit hindi kami mayaman katulad ng mga Tan, Magdrigal, at iba pa. Sabi ni E na ang mga Cortes daw ay nagmamay-ari ng isang companya. Pero bakit daw ang tatay ko ay tricycle driver lang at ang nanay ko ay labandera? Eh sa ganyan talaga ang buhay namin.
Maswerte lang talaga ako, at nakapag aral pa ako ng kolehiyo. Hindi naman sa may pera kami para pambayad ng tuition. Tumulong lang ang auntie ko sa akin at sa amin, nag offer siya ng full scholarship sa akin pero dapat pag tapos na akong mag-aral doon na ako mag tatrabaho sa kaniya sa New York. Kaya pinagbutihan kong mag-aral ng mabuti.
Tumunog ang cellphone ko sa gitna ng pag mumuni ko. May text?
Mama:
Nak, na hospital ang tatay mo. Inatake sa puso. Nak, kung may kakilala kang pwede mong hiraman ng pera. Sana ay nakahiram ka, hindi kasi sapat ang pera ko para pambayad ng hospital e. Salamat nak.
Kung minalas ka nga naman, akala ko ang swerte ko na talaga pero pambihira naman oh. Ngayon pa talagang kapos na kapos ako, kasi yung pambaon kong pera ay ginastos ko sa projects ko. Naiyak ako sa pangyayari sa buhay ko.
Sa kalagitnaan ng iyak ko, may naglahad ng panyo sa harapan ko. Nilingon ko siya para malaman ko kung sino siya. Ng nakita ko kung sino ang naglahad ng panyo, agad akong tumanggi at aakmang aalis. Pero pinigilan niya ako.
"Kathy, mag-usap naman tayo." Hinawakan niya ang magkabila kong braso at hinarap ko siya.
"Ano naman pag-uusapan natin, Kevin?" Kalmado lng ang boses ko ng tinanong ko siya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Kalmado din yung boses niya.
"Bakit naman kita iiwasan?" Natatawa pa ako habang sinasabi ko iyon. Pero sa kalooban ko parang sasabog na ako.
"Anong problema mo Kathy? Bakit ka umiiyak?" Lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko. Agad kong tinaboy ang kamay niya.
"Wa-wala! Ano.... masaya lang ako. Tears of joy kung baga." Ngumiti ako sa kaniya pero di niya ako nginitian pabalik.
"Ganun ba? Bakit?" Kalmadong kalmado parin siya hanggang ngayon.
"Ah kasi natanggap ako bilang babysitter sa kapitbahay namin tapos sakto lang yung sweldo. $10 dollars daw every day. Kahit maliit, sakto narin para sa gastusin sa bahay." Totoo yung sinabi ko, bago siya dumating nag text ako sa kaibigan ko na kapitbahay lang namin.
Si Gee, mabait siya, maganda, mayaman at sexy. May kapatid kasi siya si Bi, pinanganak na premature kaya ayan naghahanap sila ng babysitter. Kaya nag apply ako pero di ko pa alam kung tanggap ba talaga ako.
Sinabi ko lang na tanggap ako para di na siya mag tanong pa. "Bakit mo pa kailangang mag trabaho? Mayaman naman kayo." Mayaman? Hindi no!
"Anong mayaman? Kayo ang mayaman. Hindi ako..... kapos na kapos nga kami e. Tapos may sakit pa si papa kaya ako nag trabaho." Hindi ko pinarinig sa kniya na kapos kami sa pera at nasakit si papa.
BINABASA MO ANG
Great Pretender
Humorp r e t e n d -itago ang nararamdaman -ayaw sabihin -kayang mag panggap, maitago lang ang mga ito.