Kabanata 02
Never'
Wednesday June 2013 (First Wednesday of the Month).
Pag first wednesday of the month -means may mass. Yan ang sabi ni E sa'kin, I'm not a Catholic. Pero gusto kong malaman kung anong gagawin tuwing may mass. "Kathy, sasali ka sa mass? Akala ko hindi ka kato-" nag salita na ako, di ko na siya pinatapos pa. "Kevin, I want to know. Gusto kong malaman kong anong gagawin ninyo pag may mass."
"Ok fine." pumasok siya sa loob at di na ako muling nilingon. Anong nangyari sa kanya? Ba't siya ganoon? Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na rin sa loob. Nakita ko sila ni Gray kahit nasa likod pa lang ako. Ang tangkad kasi ni Kevin eh, ba't ba siya na sa harap ? Dapat na sa likod siya, kasi hindi makakita ang mga nasa likod dahil ang sobrang tangkad niya.
Nakakita ako ng available seat sa likod ng row kung saan naka upo silang dalawa. Kaya mabilis akong pumunta doon at umupo, baka maunahan pa ako no. Ang hirap kaya ng maunahan ka.
Tiningnan ko silang dalawa, nagtatawanan sila pero tumigil ito ng may tinuturo si Gray. Ewan ko ba, di ko naman alam kung sinong pinag-usapan nila. Baka nag 'girl hunting' ang mga mokong na yan.
Lumingon si Kevin sa'kin, hindi ko nalang siya pinansin baka ma 'bad mood' ako. "Psst. Kathy, ok lang yan. Wag ng malungkot, hindi bagay sa'yo. Mas lalong pumangit ang mukha mo." naghahalakhakan sila sa kakatawa. Urrggh! Ang sama talaga. Umuusok na ang tenga ko, dahil sa inis ko sa kanilang dalawa. Tsaka, uminit na rin ang mga pisngi ko. Parang anytime sasabog na ako nito.
Hindi ko nalang sila pinansin, inangat ko ang ulo ko. Nakita kong naghihirap tong dalwang kaklase ko sa harap ko. Paano ba kasi nag sha-share ng seat, may bakante naman dito sa tabi ko. Ano ako? Monster. Parang natatakot sila sa'kin, di naman ako kumakain ng tao eh.
Kinalabit ko siya. At tinuro ko ang mga bakanteng upuan. Kinalabit din niya ang mga kaibigan niyang nag sha-share ng isang upuan. Agad silang tumayo at umupo sa mga tinuro kong bakanteng upuan sa tabi ko.
Kaso, yung kinalabit ko kanina. Tumabi sa'kin, "A-ah hi..." hinawakan niya pa ang batok niya. Sinong kausap niya? Ba't siya nahihiya? Kanino siya nakipag-usap? "Dayven Jimenez nga pala, and you are.." nag lahad siya ng kamay sa'kin. "Candies Cortez, pero they usually call me Kathy." tinanggap ko ang kamay niya. "Nice to meet you" nag shake hands kami, ngumiti nalang ako sa kan'ya para di na tumagal yung usapan.
Na realize ko na ganoon pa rin pala ang posisyon ng aming mga kamay, buti nalang at nag salita si Father kaya na bitawan ko ito. Nakakailang talaga. Hanggang sa nag open siya ng topic.
"Anong school ang tinutuluyan mo noon? Noong highschool?"
"Ah sa University of Visayas. Kasi taga Cebu talaga ako. Lumipat lang ako dito sa Manila. Dahil andito ang business ni Papa, kaya sumama nalang ako sa kaniya. Tsaka napag-isipan din niyang dito nalang mag-aral sa Manila. Ikaw?" Hindi kami nakikinig sa mga sinasabi ng pari. May sariling mundo kami.
"Ako naman sa Xavier Holy Universty. Doon kasi nag-aral yung first girlfriend ko, kaya naisipan ko doon na din mag-aral. Kaso noong grumaduate siya tapos ako, 3rd year highschool pa lang. Sinabi niya sa'kin na pupunta siya ng New York for good. Kaya naisipan kong lumipat sa UP noong 4th year ako. Para makalimutan lahat."
"Ah sorry" tumawa siya, anong masama doon? Nag sorry lang naman ako ah. "Ba't ka nag so-sorry? Wala ka namang kasalanan. Actually, naka moved-on na ako."
Mabuti naman kung ga'non.
Holy Communion na. Tumayo siya at naglahad ng kamay. Umiiling ako sa kan'ya. "Bakit? Di ka ba mag ho-holy communion?" ah, boba Kathy! di mo pala nasabi sa kan'ya. "Dayven, di ako Katoliko." nahihiya pa ako noong sinabi ko yun sa kan'ya. "Para kang si Trina. Teka lang ha, babalik lang ako."
Ano daw? Trina? Sino naman siya? Ah baka, baka yung first girlfriend niya.
Buong araw ang pinag-usapan naming dalawa ay tungkol sa school niya noon. Christian School pala siya noon, alam niya kung paano ang mga tao doon mag worship. Alam niya ang ibang Christian Songs. Masaya ako, dahil may nakakaintindi sa relihiyon ko.
Tsaka, si Trina? Tama ang hinala ko. Na siya ang first girlfriend ni Dayven.
Sobrang bait ni Dayven, sobrang sarap kasama. Nakakatawa siya, kasi kahit waley yung jokes niya hahanap siya ng paraan para tumawa ka.
Pauwi na ako. Eto na naman ako, hindi mawala yung mga ngiti na naporma sa labi ko.
Namumula ako, habang inaalala ang mga banat ni Dayven sa akin. Nilagay niya iyon sa isang letter.
Kaya pag-uwi ko nilagay ko agad ito sa scrapbook ko bago matulog. Hindi naman mahirap magustuhan si Dayven eh. Ang charming, sweet, mabait, mature at tsaka gentleman. Hindi gaya ni Kevin. Sobrang kasalungat si Dayven kay Kevin.
Kanina nga, iniistorbo niya kami ni Dayven kahit wala naman kaming ginagawa sa an'ya. Panira kasi siya ng moment. Feeling ko crush ko na si Dayven, pero wala akong balak sabihin sa kaniya iyon no.
NEVER.
BINABASA MO ANG
Great Pretender
Humorp r e t e n d -itago ang nararamdaman -ayaw sabihin -kayang mag panggap, maitago lang ang mga ito.