Kabanata 07

31 3 0
                                        

Kabanata 07

Nagseselos...?

Ito na yata ang huling araw na makapasok ako sa UST...... at ang huling araw na makasam ko siya -si Kevin. Simula nung hinawakan ni Kevin ang kamay ko sa ilalim ng malakas na ulan ay nakaramdam ako ng nakakalokang feelings. Ito lang yata ang pinaka weird feeling na naramdaman ko. Hindi ko pa kasi naramdaman ito. Parang pag, lumalapit ako sa kaniya.... nakukuryentehan ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko pag nakaharap ko siya at nakatitig sa makikinang niyang mga mata. Naiinis na nga kasi ako e, kasi pag magkasama sila ni Gee biglang may nararamdaman akong masakit at parang tinutusok. Para bang... nagseselos ako? Ewan ko! Basta yun na yun!

Araw-araw magkasama kami ni Kevin, pero tuwing magmomoment na sana kami e biglang dadating si Gee. Kaya ayun, maiiwan na naman ako kasi sila na naman ang magmomoment. Kahit na ayaw kong mawala si Kevin sa tabi ko ay, pinagbigyan ko nalang si Gee. Alam niyo naman, sa kanila ako nag tatrabaho. Kaya, di ko kayang tumanggi at di gagawin lahat ng mga utos niya. Ang saklap ano- paano ba naman kasi? Isa lang akong mahirap na babae, walang kaya ang pamilya ko. Tapos nagkakasakit pa si tatay. Talagang ganito ang ikot ng buhay ko. Wala naman akong pera- di kagaya ni Gee. Mababa ang tingin ko sa sarili ko kaya na aawkward ako tuwing lalapit sina E, Gray, Dayven at Kevin sa akin. Ikaw ba naman ang lapitan ng mga mayayaman di ba? Pero pag si Kevin ang lalapit sa akin, di ko maramdaman na isa pala siyang mayaman. Kasi sa ipinapakita niya sayo, halatang walang langit at lupa -kung baga pantay pantay lang ang lahat. Kaya natutuwa akong nakilala ko pa siya ng lubusan.

Haaay... Eto na naman ako, nagmumuni sa likod MasCom Building. Ngayong araw na ito ay hindi papasok ang mga prof namin. Kaya free kang gawin lahat na gusto mong gawin. Naisip ko sanang magbonding kasama ang mga kaibigan ko, tutal last day ko naman ito na makita sila pero naalala ko na busy pala ang mga kaibigan ko.

Si Dayven? Kasama niya ang nililigawan niya sa loob ng dalawang taon. Kahapon ko lang nalaman pero buti nga at di ko na siya gusto. May iba na kasing nagmamay-ari ng puso ko. Alam niyo kung sino? Kung di niyo alam, di kayo nakikinig sa akin.

Kung sana e, magkasama kami ngayon ay may masasandalan na ako sa aking mga problema. Kaso lang busy siya.

Si Gray? Kasama niya si Seiin -pronounce as Shēēn. Ang partner niya sa mga projects nila. May isa pa kasing project na di nila natapos kaya tinapos na nila ngayon. Ewan ko ba sa Gray na yan! May nararamdaman akong kakaiba sa kanilang dalawa. Para bang.... I smell something ........ Fishy???

Si E? Kasama niya ang boyfriend niya. Sorry at d ko nasabi sa inyo ito -kasama niya si Veron, ang 1 year and 6 months niya boyfriend. Akalain mo yun? Nakatiis si Veron sa ugali ng babaeng ito. Kung sa bagay, pag mahal mo ang isang tao ay magagawa mo ang lahat. Kaya bilib ako sa dalawa yun e. Kahit ang busy na ng sched nila ay may time pa rin sila sa isat isa.

Si Kevin? Ewan ko nga ba kung saan yung lalaking iyon. Ma text nga para malaman...

To: kevin<3

Kevin, san ka ngayon? Busy?

"Pwede tumabi?" Isesend ko na sana ang message. Pero parang di na kailangan. Andito na kasi, alam niyo na kung sino. Nilingon ko siya, nakita ko ang mga ngiti sa labi niya. "Ano? Pwede ba?" Doon lang ako natauhan, sa tanong niya. Nataranta pa ako at umiwas sa mga titig niya. "A-ahmm a-hmmm k-kee.." Pinutol niya na agad ako sa sasabihin ko. Nahalata na kasi na utal-utal akong sumagot sa tanong niya. "Kathy, kanina ka pa ah?" What? Kanina? Soo.... It means that he was here kanina pa, ang tagal ko kaya natapos mag muni muni. "Wa-wala!" Pilit akong ngumiti sa harap niya. "Upo ka kevin." Sabi ko sa kaniya. Umupo naman siya. Hindi naman pala matigas ang ulo.

"Problem?"

"Wala, may iniisip lang."

"Ano naman yun?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon