Kabanata 03
walk out
Bahala nga si Kevin sa buhay niya! Nakakairita kasi! Pagkatapos niya akong dalhin doon, iiwan na naman niya ako ng walang paalam sa'kin. Tsk. Ang hirap niya kasing i-spellingin e. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Makaalis na nga! Nakakabadtrip talaga yang si Kevin e.
Ang iba niya talaga kay Dayven. Kung sana parehas kami ng course na kinuha ni Dayven, siguradong di talaga ako iiwan nun'. Di kagaya ng ginawa ni Kevin sa'kin. Aish! Ba't ko ba sila kinokompara sa isa't-isa? Nasisiraan na siguro ako.
Ginulo ko ang buhok ko, kung anu-ano nalang kasi itong iniisip ko eh. Arghh!
"Hoi Kathy!"
Nagulat ako dun ah.
"Bakit ba bigla bigla kang sumusulpot Gray? Ano bang problema mo?"
"Ba't ba ang highblood mo? Nandito lang naman ako para damayan ka kasi parang may problema ka. Ano ba yang pinuputok ng butchi mo? Concern lang naman po ako, kasi sinasaktan mo ang sarili mo. Makaalis na nga! Wala naman pala 'tong kwenta ang pag punta ko rito. May gagawin pa ako na mas importante pa sa'yo. Ba't ba kasi kita inuuna e? Shet."
Umalis si Gray. Ang sama ko! Ba't ba ako nagkakaganito? Nagui-guilty ako sa mga sinabi ko.
"Argggh! Tingnan mo kung anong ginawa mo Kathy. Kung sana ay tinrato mo siya ng maayos di ka maiwang mag-isa d'yan. Shocks. Baliw na yata ako!"
Kinakausap ko pa rin ang sarili ko habang naglalakad. Gusto kong mag enjoy. Gusto kong sumali sa acquaintance party namin. Pero wala akong kakilala doon. Wala akong makakasama. May mga manyakis pa naman doon.
"Kathy."
Natigil ang pag mumuni ko ng narinig ko ang boses niya. Alam ko kung sino siya. Sa boses niya palang, alam mo ng ubod siya ng kabaitan. Sana lahat ng lalaki kagaya niya. Nilingon ko siya.
"Dayven."
Hindi ko siya matingnan sa mata. Baka kasi ma amin ko sa kaniyang gusto ko siya, iiwasan niya ako. Isang linggo palang kaming magkasama pero nagustuhan ko na siya. Hindi kasi siya mahirap magustuhan e. Di kagaya ng Kevin na'yon. Kaya ayaw kong tumingin sa sparkling eyes niya.
"Bakit mapag isa ka lang?"
Shocks. Anong sasabihin ko?
"A-ah e-eh ih oh uh."
Nauutal talaga ako pag nakikita ko ang maganda at perpekto niyang mukha.
"Anong sabi mo?"
Nag salubong ang dalawang kilay niya.
"Kasi ano Dayven. Kasi si Kevin iniwan akong mag isa kaya, kaya ayun. Umalis nalang ako sa party. Wala naman kasi akong ibang kakilala doon e."
Lumapit siya. Lumapit siya sa'kin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang sabi pa nito 'Dayven. Dayven. Dayven.' Tsk. Ang corny ko. Pero totoo yun' talagang ang lakas ng tibok ng puso ko. Pawis na pawis na ako! Ang hot niya kasi. Konting-konti nalang ang space na namamagitan sa mga mukha namin. Talagang isang lapit niya pa sa mukha niya e talagang magkakahalikan na kami.
Pumikit ako, "Tara na! Sama ka sa'kin. Kailangang mag enjoy ka. Kaya, treat ko. Ililibre kita ng ice cream."
Hinila niya ako palabas ng campus. Akala ko pa naman siya ang first kiss ko. Pero di pala, tinitigan ko ang mukha niya. Talagang nag pipigil siyang ngumiti. Ang init na ng pisngi ko, shocks. Nahiya ako sa ginawa ko kanina. Ikaw ba naman ang pumikit at nag a assume na halikan ka diba, tapos di nman pala
"Arghh!" Talagang pinaglaroan ako ni tadhana ngayon. Bakit? Tsk. Nadismaya ako sa pangyayari. Kung natuloy yun, talagang si Dayven ang first kiss ko. Kaso hindi natuloy.
"Oh, ice cream mo." Binigay niya yung isang ice cream na hawak niya kanina. Dinidilaan ko ang ice cream na binigay niya. Ang sarap kaya! Napatingin siya sa akin. Napatingin din ako sa kanya.
"May dumi ba ako sa mukha?" Hindi niya ako sinagot. Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan niya ang gilid ng labi ko at pinunasan gamit ang daliri niya. Natulala ako sa ginawa niya.
Bakit ba kasi ang sweet mo Dayven? Kailan kaya magiging ganito si Kevin? Ayan na naman ako sinasali ko na naman si Kevin sa usapan. Ba't ba nasali si Kevin sa usapan? Hays! Pagkatapos niyang pinunasan ang dumi na nasa gilid ng labi ko.
Umiwas siya ng tingin. "Bakit?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Bigla nalang kasi itong lumabas sa bibig ko.
"Hindi ako pwedeng..... mainlove sa'yo"
Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap ko siya.
"Dayven, anong hindi pwede?" Tinitigan ko siya sa mata. Ganun din siya. Nakita ko ang panghihinayang sa kaniyang mga mata.
"A-ano kasi Kathy. Di ako pwedeng sumama sa iyo ngayon. K-kailangan pa kasi ako ng mga ka grupo ko. Kaya, s-sige mauna na ako." Iniwan niya ako.
Tumakbo siya palayo. Ano bang nangyari kay Dayven? Anong problema nun?
Babalik sana ako sa MasCom building ng nadatnan ko siya. Nakatayo at may dalang bulaklak. Nasa malayo siya. Diretso ang titig niya sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang sakit at ang galit na naramdaman niya.
Bakit? Anong ginawa ko? May lumapit sa kaniyang babae. Parang may tinanong ito. Tinitigan pa rin niya ako. Hindi niya nilingon at sinagot ang babae, binigay niya nalang bigla bulaklak na dala niya at umalis. Ano ba ang mga problema ng mga lalaki ngayon? Bakit ang hilig mag walk out?
At bakit ang hilig ng mga lalaki ngayon na iwan ako sa ere?

BINABASA MO ANG
Great Pretender
Umorp r e t e n d -itago ang nararamdaman -ayaw sabihin -kayang mag panggap, maitago lang ang mga ito.