Maagang nakauwi si miho sa condo unit na binili ng ama niya para lamang sa kanya, kung hindi pa niya ito pinilit na ibili siya ay siguradong naroon parin siya at binebaby parin.
Nagkataon lang talaga na full moon kagabi kaya doon siya pinatuloy ng kanyang ama ito kasi ang araw nang pagpapalit ng pinuno at ang araw ng pagkikita ng mag mate.
kaya lang ayaw pa ng ama niya na makita niya ang lalaking itinakda ng goddess pero di naman naisip ng ama nya na maaaring di nya pa talaga makiita ito dahil sa wala pa sa tamang edad ang dalaga.
Napatigil siya sa pagpasok ng makitang may naghahakot na ng ilang gamit sa kabilang unit "mukhang may titira na sa kabila" naisip nya.
Nang makapasok na siya diretso naman ang punta niya sa kwarto at doon malayang hinubad ang uniporme at tinira lang ang maliliit na panloob agad siyang humiga sa kama ilang segundo ding tinitigan niya ang kisame bago naisip na pumunta sa cr. Para maligo.
Malakas ang ulan mukhang may bagyo at sinasamahan pa ng malalakas na kulog isang bata lalaki ang umiiyak sa ulanan nakaupo ito sa gilid ng kalsada kalat na ang dilim sa buong paligid tanging ilaw ng poste ang nagbibigay liwanag dito.Di nagtagal isang batang babae naman ang lumapit dala ang payong lumapit siya sa bata at marahang pinasukob ang basang bata.
"bakit ka umiiyak?"
Napatingin ito sa batang babae na may pagka bigla di nya akalaing gagawin pa nitong lumapit sa kanya ganong may bahid ng dugo ang kanyang damit batid ng batang babae na malungkot ang bata kaya yumuko siya at agad yumakap sa batang lalake ganon kasi ang ginagawa sa kanya ng kanyang ina pag malungkot.
"wagkana umiyak simula ngayon kaibigan mo nako kaya pagmay nang-away uli sayo ako na makakalaban nila" Sabay ngiti nito sa kanya.
Di malamang dahilan napangiti nalang rin ang batang lalaki.
Napabangon nalang si miho ng magising sa paulit-ulit na panaginip na iyon.Simula ng ito ay mangyari ay hindi na siya tinantanan kahit na sa pag idlip ay humahabol ito.
Bumangon na siya at nag-asikaso para sa pagpasok.
Campus :)
"MIHO!!!" nakakabasag eardrums na sigaw ni rose ann.
"makasigaw ka, ikaw may-ari ng school?" agad naman itong kumapit sa braso nya.
"alam mo gaga kailangan sa morning good mood ka para lucky churms"napangiti nalang siya sa kaibigan ito lang naman ang nag iisa na nag tiyaga sa kanya kaya masyado silang magkasundo.
Nang makarating sila ng room ay agad na umupo siya sa kanyang pwesto hindi sila magkatabi sa upuan ni rose ann kaya di sila gaanong nagkakapansinan sa klase agad namang lumapit sa kanya si rose na parang sinisilaban ang pwet.
"anyare sayo?" tanong niya.
"dadaan na sila?"napakunot siya ng noo agad naman itong nagpaikot ng mata.
"ay gaga di ka lang gaga ulyanin pa diba sabi ko sayo ngayon ang unang pasok ng alpha dito"bigla siyang kinabahan na di mawari parang naeexcite na maiiyak pero pinakita nyang relax siya sa harap ng kaibigan.
"talaga"yonnalang ang nasabi nya.
"halika abangan natin sa labas!" agad siyang hinigit nito sa braso at pumunta sa harapan ng pinto ng room.
Sigurado kasing dito dadaan ang alpha dahil ito ang daan papunta sa second floor doon kasi ang room ng HUMMS na mismong papasukan ng alpha.
Ang maingay na pag-uusap ng bawat isa ay nawala maging ang pagkilos ay natigil din.
"andyan na sila!" bulong sa kanya ng kaibigan. Bigla naman siyang nahibang ng maamoy ang pinaghalong woody and mentol scent biglang nagsi-unahan sa pagdagundong ang puso nya.
Nanlalambot ang kanyang tuhod na lumingon sa dumating agad na nagsalubong ang kanilang paningin hindi nya magawa ang umiwas masyadong maganda sa kanyang paningin ang kulay ng mata nito kulay gray na kahit nakasalamin ay mapapansin parin.
Napaka perpekto ng itsura ng alpha. Mula sa mata nitong singkit na seryosong nakatingin sa kanya at sa ilong nitong matangos. Ang labi nitong ma manipis at daig pa ang babae kaya nangliliit siya pag titignan ito. Makinis din ang mukha nito.
Matangkad din ito pang basketbolista ang taas.
Napakurap nalang siya ng magsalita ang beta at mate nga ng kanyang kaibigan.
"bow your head miss" maotoridad na utos nito sa kanya. Napalingon siya sa paligid bukod tangi siya lang pala ang naka tunghay sa mga taong naroon kahit ang kanyang kaibigan ay nakayuko kaya yumuko narin siya.
"mate, what the ang alpha ang mate ko pero bakit ganon wala manlang ba siyang sasabihin bakit ganto ang sakit?"
Umalis na ito sa kanilang harapan di nya manlang napansin na natitigan nya ito at talagang nakaabot pa sa harapan nya.
Nanglumabas na ang dalawa kasama ang may limang kalalakihan doon nya palang tinanaw ang likod nito.
Wala paring tigil ang pagtambol ng kanyang puso.
"tara na naka alis na sila"-rose
Wala siyang nagawa sumunod nalamang siya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
ALPHA'S MATE [Fin]
RandomSa pag-umpisa ng bagong buwan ang pagpalit ng susunod na bagong pinuno ang alpha na siyang magdadala ng kapayapaan sa teretoryo ng BLOODY MOON PACK. Paano kung sa murang edad ng bagong alpha ay matagpuan niya ang kanyang mate na malala pa sa nakakab...
![ALPHA'S MATE [Fin]](https://img.wattpad.com/cover/120471637-64-k128722.jpg)