alpha's mate [10]

3.7K 107 1
                                        

It was a long day excited na si miho sa kaarawan ni vrix maghapon niyang hawak ang kwintas na ireregalo niya para rito.Di na niya nagawa ang kumain sa sobrang saya mukha pangang siya ang may birthday.Walang pasok dahil samasamang magsasaya ang lahat ang ibang mortal ay mas piniling umuwi muna sa kanilang tahanan kaya maaaring walang mortal ang dadalo sa pagdiriwang.

Mga 9 o'clock ng gabi ang start kaya maagang naggayak si miho mga 8 palang ay ayos na siya balak niyang sumabay kay rose may sarili kasi itong sasakyan.Naka black fitted dress siya na hanggang tuhod ang haba at tube naman ang bandang balikat.samantalang samasamang nakaipit ang kanyang buhok na may kaunting tira sa gilid lumabas ang maputi at makinis niyang balikat.

Nagmadali niyang sinuot ang kwintas na ireregalo niya sa alpha balak nyang ibigay ito ng personal.Narinig niya ang malakas na busina nang sasakyang sa labas dumating na si josh sakay ng mamahaling sasakyan.Naka formal suit din ito na maslalong nagpalabas ng karisma nitong tinataglay.

"hey!! Are you ready little luna":) nakangiti pa ito siya na ,siya nang matangkad.

"wagmo nakong tawaging luna alam mo naman na di ako tanggap ni vrix diba:( "pinagbuksan siya nito ng pinto.

"habang may buhay may pag-asa diba little luna"nginitian nya nalang din ito.

May pag-asa panga ba josh!! Sana nga mayroon.

"teka nga bakit ikaw sumundo sa akin asaan si gaga?"

Napataas ang kilay ni miho nang di ito naksagot.

"i smell fishi!! fishing malansa"

Wagmong sabihing maghapong magkasama itong dalawa.

"inuna ko na siyang inihatid pagod daw kasi siya"

Sabi na eh!!

"anong ginawa mo sa bestfriend ko bakit napagod yon?"nakita niya itong napaluk.

"sabihin mo ginawa mo sa kaibigan ko maghapon pa talaga napaka istrikto mo talaga di mo manlang inisip na mahina din ang kalusugan ng kaibigan ko"

Medyo pinagpapawisan si josh ng malamig at kinakabahan pa.

"ikaw!! Umayos ka beta josh di purkit beta ka hahayaan ko nalang na pagurin mo ang kaibigan ko sa pag...





Te-training nyo"biglang napaliko at dumaan ng konte sa damuhan sa tabi ng daan ng mawala sa pagmamaneho si josh nauntog pa si miho sa salamin ng sasakyan.

"aray ano ba problema mo sakit non pinagsasabihan lang naman kita pero kung balak mo magpaka matay wagmo nako isama mahal kupa buhay ko -_-"

Nakahinga naman si josh ng ayos naparang nawala ang hangin sa loob ng sasakyan.Madalas kasi na tinuturuan nya si rose ng pangdipensa sa sarili.

"akala ko alam nyana"

Bulong ni josh.

"anong sinasabi mo dyan?"
Napailing nalang si josh.

Nakarating naman agad sila sa lugar kung saan gaganapin ang ukasyon.

Malapit ito sa kagubatan mukhang maganda ang tanawin kung umaga open area kasi ang unahan ng malaking mansion kaya talagang kasya ang maraming dadalo.

Nang makapasok sila sa loob maganda rin ang pagkakahanda ng table ika 19 birthday ito ng alpha kaya bongga.

Dumeretso siya sa labas na kung saan ay tanaw ang bilog na buwan nasa loob ang lahat nakita nyang pumunta si josh kay rose naka white dress ito masmaigsi ito sa suot niya.

Marami na ang nakarating lahat ay nasa bonggang ayos talaga at ayaw papahuli sa nakakataas mga walang unique taste.Inaantay nalang ng lahat na mag-umpisa ang program kung saan ipapakilala ang may birthday at yon nga ay ang alpha.

Nang tumama ang saktong oras may female wolf ang umakyat sa entablado at unang nagpakilala sumunod nitong pinakilala ang dating alpha kasama si tita jen.Di nito nakita si miho dahil nasa hulihan ito at natatabunan ng ibang bisita.Sumunod si kiel na nakabusangot pero napacute sa suot nitong taxcido at sa huli nagpalakpakan ang lahat habang papunta sa entablado ang makisig at matikas na bagong alpha naka black suit.

Napansin ni miho ang sandaling pagtingin nito sa bandang tabi nya pero dahil maraming tao at natatabunan siya na di katangkaran ay di siya nakita.Alam nyang alam nito na naroon siya nalalanghap pa niya ang mabangong amoy nito.Makisig na tumayo ito sa harap ng mga lobo lahat ay humahanga at gumagalang narin dito.

"Goodevening everyone!! I would like to thank all of you for attending my birthday,gusto kong magsaya ang lahat walang munang mag-iisip ng tungkulin sa buong bayan ng bloody moon"

Masayang nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ng alpha.

“but before that let me introduce to all of you my fiance ms. Liencel delvidor alpha daugther of cristal blade pack isasabay sa selebrasyon ito ang pagwelcome sa kanya”

Natulala si miho sa sinabi ni vrix paulit-ulit itong tumatakbo sa kanyang isip.Gusto nyang umiyak puntahan ito at suntok suntukin bakit nagagawa nitong saktan siya ng paulit-ulit.Alam nitong naroon siya pero nagawa pa nitong ipagduldulan sa kanya na hindi siya nararapat na maging kapareha nito.Nagawa nya nalang na tumingin sa babaeng tinutukoy napakaganda, yon lang ang masasabi niya wala siyang panaman mahihiya lamang siya kung makikipagtabi siya rito.Mas kumirot ang kanyang puso ng hagkan ng babae ang alpha sa harap ng buong nasasakupan duon na tumulo ang luha ni miho.Kahit nagtataka ang lahat ay nagawa parin ng mga ito ang pumalakpak nagtataka sila kung bakit nakipag relasyon ang alpha sa hindi nito mate.

"WALANG FOREVER!!!"

Napalingon ang lahat sa likod para hanapin ang sumigaw noon pero wala nang natagpuan wala narin si miho sa kumpulan ng mga lobo.

ALPHA'S MATE [Fin]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon