alpha's mate [17]

3.7K 93 0
                                        

Tahimik ang lahat na nakikinig kay glediz wala paring kibo si miho.Bumalik na sa orihinal na kulay ang kanyang mata.

“lumalabas na ang lakas ni miho kaya ito nangyayari maraming pagbabago pa ang maaari nating matuklasan at maaari ding sa di inaasahang pangyayari bigla nalang siyang magshift”

“kaya ba hindi agad nakapag shifted si miho ay dahil sa isa siyang wolf healer?”

Tanong ni mr. Vildor

“maaari!!, kaya kung pwede hayaan nyong maging isa ako sa mangalaga sa healer binigay nang aking ina ang tungkuling ito upang mapatunayan ko na karapat dapat ako alpha”

Yumuko itong muli sa harapan ni vrix.

“kung iyan ang iyong kagustuhan wala na akong magagawa sigurado namang pag di ako pumayag ay Susuwayin mo lang ako”

Matapos ang matagal na pag-uusap hinayaan nalang si miho na bumalik sa kanyang kwarto para magpahinga.

Samantala sa panig naman ng mga kalaban.

Dumating ang isang nagmamatyag sa lugar ng bloody moon pack.Yumuko ito at iniluhod ang kanang binti sa harapang ng lalaking naka upo sa madilim na lugar.

“anong balita?”

“pinuno nalaman kong maraming pagbabago ang nangyayari sa healer at nalaman ko ring dumating ang anak ng oracle may mga bagay itong alam sa nalalapit na pulang buwan”

“oracle ba kamo mukhang may bago nanaman akong poproblemahin pero ayos lang sigurado akong mapupunta din sa akin ang healer walang makakapigil sa pagbabalik ng aking ama”

Napuno ng nakakapanindig balahibong tawa ang madilim na lugar.

MONDAY
May pasok na ilang araw ding di pumasok si miho sa paaralan dahil sa mga pangyayari.

“miho,gising na”

Naramdaman ni miho na may tumutusok sa kanyang ilong kaya napa hatsing siya.

“ano ba natutulog pako ”

Umupo siya pero nanatiling nakapikit.

“pero miho tanghali na tayo”

Napamulat siya at tumingin sa kaharap nakapamewang si glediz habang bihis na bihis na ito.

“teka,uniform yan ng school namin ah!! Wagmong sabihing..”

“opo kaya tumayo kana dyan at maligo iintayin nalang kita sa baba” tumango nalang siya.

NAng makaalis si glediz ay tumayo narin siya at dumeretso sa cr hinubad ang lahat ng suot at pumasok sa shower area.Hinayaan niyang pumatak ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan.Habang nagiisip bumalik ang nakakalungkot na isipin sa kanya ang patuloy na paglayo ni vrix pati narin ang babaeng tutuusin ay mas malakas di tulad sa kanya na umaasa lang sa tulong ng iba.

Nang matapos siyang maligo sinuot na niya sa cr Ang kanyang  undergarments di na nag-abalang magtapis ng twalya nasa kama kasi ang uniform na kanyang susuotin.Wala siyang pakialam kung basa pa ang katawan.Nang mapatingin siya sa halaman na nasa gilid ng pinto tuyo na ito at wala nang buhay.

“kung totoo nga ang sinasabi nila mabubuhay ang halaman”

Lumapit siya dala ang kinuha niyang blade mula sa first aid kit.Hiniwa niya ang palad at tinutok sa halaman ang kamay  ng pumatak ang kanyang dugo sa lupa nito.Biglang bumalik sa urihinala na dahon nito mas makulay miski ang bulaklak ay dumami.

“totoo nga, edi wow!! Para sakin”

Katatayo palang niya ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang cr.Unt-unting naramdaman niya ang pag-init ng mukha natuod siya at di makagalaw.

ALPHA'S MATE [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon