2 - Pre·tend

3K 104 28
                                    

Sorry sa typos and everything. Sa mobile lang ako nag UD. hehe. I'll edit pag makauwi na ako. Enjoy reading! Vote & Comment ha? :D

"The worst feeling is pretending you don't care about something,when really it's all you seem to think about." -unknown (from pinterest)

chapter 2 - just pretend

"Jessie, anong gusto mo?" nakikipaglaro ako sa pamangkin niya nang kalabitin niya ako sa balikat ko at tanungin. 'Yung pagdikit ng daliri niya sa balikat ko ay nakapagbigay ng isang malaking impact sa akin. Halos mapatalon ako nang maramdaman ang pagdampi nito sa akin.

"A-ah, ikaw na bahala," nag make face siya sa akin at sinimangutan ako.

"Paano kung order-an kita ng sampung alak, iinumin mo?" tumawa ito at umiling. "Ako na nga lang bahala," sabi nalang niya at dumiretso na sa counter para umorder. Dapat ay sa isang coffee shop lang kami pupunta pero dahil sa pamangkin niyang mukhang naglilihi ay sa isang ice cream store kami bumagsak.

"Baby Lu, tignan mo 'to oh," sabi ko habang tinuturo ang tablet kong punong-puno ng iba't ibang picture ng ice cream. Akala ko'y mamamangha siya tulad ng ibang bata pero kakaiba siya dahil hindi siya tinablan ng uto powers ko. Tinitigan lang niya ako at sinimangutan. Kagayang kagaya ng pagsimangot sa akin ng uncle niya.

"Im not baby Lu! I'm Little Lu!" reklamo niya't ngumuso. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi kurutin ang pisnge niya.

"Awwww! Noona! stop it!" reklamo nito pero patuloy ko pa ring pinaglalaruan ang pisnge niya.

"Ang cute cute mo! Kamukhang-kamukha mo si Uncle Lu mo!" Sabi ko at tsaka humalakhak. Natahimik nalang ako nang magsalita siya ulit.

"Oh so Uncle Lu is cute too? Do you like my uncle because he's cute?" binitawan ko ang mukha niya at tinigilan ang pagkurot sakanya dahil mukhang bata pa yata ang unang makakadiskubre sa sikreto ko.

Sasagot na sana ako pero natigilan ako dahil naintriga ako sa titig niya.

"May dumi ba sa mukha si Ate?" pagtatanong ko. Umiling ito at tinitigan pa ako ng matagal. "Eh kasi you look a lot like that girl on Uncle's phone. Her name is Janey. Uncle Lu told me to always call her Ate Ganda! If she looks like you in personal....." umiling ito at bumuntong hininga.

"She's not that pretty enough to be called Ate Ganda." halos pabulong lang na sabi nito. Kung kumakain na ako ng icecream ngayon, malamang nailuwa ko na ang lahat ng kinakain ko in disbelief. Kamukhang kamukha niya si Luhan pero hindi sila magkaparehas ng ugali. Sa sobrang kinabait ni Luhan ay ang sinobrang kademonyohan ng batang 'to.

"Pasalamat ka cute ka." bulong ko lang pero narinig parin niya. Sakto namang dumating na si Luhan dala ang mga inorder niya kaya 'di na ako napatulan ng pamangkin niya. Naku. Totoo nga yata ang sabi ni Janey. Napakaisip bata ko. Handa akong makipagaway sa bata!

"Uncle Lu," tawag niya sa unlce niya.Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkakacurious. Ano na naman kaya ang iniisip niya? Mga bata talaga grabe kung makapagisip.

"Is she Ate Ganda?" Natigilan si Luhan sa pagaayos ng lamesa at napangiti sa pamangkin niya.

"No, baby. She's not Ate Janey." Sa sagot na 'yun, ang dami kong na conclude na mga bagay-bagay. She's not Ate Janey.

More like:

- Hindi siya ang Ate Ganda na tinutukoy ko sa'yo.

- Magkaiba sila

- Siya si Ate Jessie

- Hindi siya si Janey. Hindi siya ang taong mahal ko.

- Hinding hindi siya magiging si Janey.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon