"May kailangan akong sabihin sayo." Nang sabihin ito ni Luhan sa akin ay binalutan ako ng kaba at ang mga kaninang katanungan ko ay sumagi na naman sa isip ko. Anong gagawin ko kung sabihin niyang may nararamdaman na rin siya para sa akin? Magdiriwang ba ako? Maniniwala ba ako? Magsasaya? Paano kung kabaliktaran ang sabihin niya? Paano kung wala talaga? Matatanggap ko kaya ng buong puso ito? Kahit na alam ko na ang mga kasagutan sa mga tanong na ito ay naguguluhan pa rin ako. Natatakot pa rin ako. Siguro iyon nga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako mapanatag. Siguro dahil takot nga ako. Takot masaktan. Takot makarinig ng mga bagay na makapagdudurog sa puso ko. Takot makaranas ng rejection na nanggaling mismo sa taong gusto mo.
Tumango ako at doon siya nagsimulang magsalita.
"I think I feel the same way you do. Feeling ko nagugustuhan na rin kita. Feeling ko nga, iba na rin 'to eh. Feeling ko hindi lang gusto. Hindi ko maintindihan, actually. Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam kung dahil namimiss ko lang ang presensya mo, yung mga pagtutulong na ginagawa mo. Wala akong maintindihan noong una pero ngayon. Right at this moment, habang inilalabas ko na ang lahat sayo, sa harapan mo, I think what im feeling for you is legit. I think i'm starting to like you even more...but,"Itinaas ko ang kamay ko at umaktong tumigil muna siya sa pagsasalita. "I don't want to hear your but. No, Luhan, I don't think that's legit. Alam mo kung bakit? Because you can't have two girls at the same time." Inunahan ko na siya sa pagaakalang hindi na niya itutuloy ang mga sasabihin niya. Hindi ako nagpapakabebe, hindi ako nagiinarte na yung tipong nandiyan na sa harap mo yung hinahabol-habol mo pero madami ka pang inaarte't pinalalayo mo pa. No. I'm not doing that. Ang ginagawa ko lang naman ay pagpoprotekta sa sarili ko. Kay Luhan. Ayokong maging rebound ako. Ayokong habang sinusubukan niyang gustuhin ako ay ang pagpapatuloy ng nararamdaman niya para sa isa pang babae.
"No, Jessie, you have to hear this. Okay? I like you pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para kay Mina." Tumango-tango ako.
"Sana natatandaan mong kaibigan ko si Mina. Sana rin nararamdaman mo kung gaano na rin ako naguguluhan. Yes, you like me. Thank you. But you like her too. So anong gusto mong sabihin ko? Anong dapat na gawin ko? Hayaan kong ilagay ang sarili ko sa danger line? Ipagpapatuloy ko ang nararamdaman ko sa taong may gusto sa akin pero may gusto pa rin sa babaeng wala na siyang pagasa? Sana lang magising ka na, Luhan. Magising ka na may mas pagasa ka sa nasa second option mo. At sana lang din na alam mong napapagod din ako." Inilapag ko ang pamaypay na ginagamit ko sa pangihaw at mabilis na tumalikod bago pa bumagsak ang luha sa mga mata ko. Mabilis din akong lumabas at pumasok sa tent.
"Jessie, tapos na ba yung iniihaw niyo?" Pagtatanong ni Janey na sa kasalukuyang nasa labas.
"Hindi! Pagod na ko! Ayoko na!" Pilit kong pinigilan ang paghikbi ko para hindi malaman ni Janey ang pagiyak ko pero hindi na ako nakapagtago pa nang pumasok si Janey sa tent at inabutan akong namumula na sa pagpipigil ng iyak at halos hindi na makahinga sa ginagawa kong pagpigil ng hikbi ko.
"Luhaaaaan!" Sigaw ni Janey. Hindi ko naman inaasahan na nasa labas lang din pala si Luhan at kaninang sinundan ako.
"Ikuha mong tubig si Jessie!" Hinawakan ko si Janey sa braso niya at kinurot-kurot siya.
"Ano? Ayaw mong malaman niyang umiiyak ka? Bakit? Akala mo ba nakakatapang ang hindi pagiyak? Sa pagtatago palang niyang nararamdaman mo at pagpapanggap na okay ka lang sobrang ikinatapang mo na, Jessie." Seryoso ang tingin sa akin ni Janey at kitang kita ko ang pagaalala niya para sa akin."Wag ka nang umiyak. Uminom ka na," saka niya sa akin inabot ang tubig. Nakita ko naman si Luhan na nakasilip at tila nagaalala rin sa kalagayan ko.
"Magusap kayo." Umiling ako kay Janey.
"Kung hindi niyo paguusapan yan, walang mangyayari." Gusto ko siyang tawanan. Kauusap lang namin kanina at malinaw na ang lahat. Nagugustuhan niya na ako pero may mas gusto siya. Second option lang ako. Hindi na siguro dapat pagusapan kung papaanong naging option lang ako diba? Hindi naman na siguro dapat niyang idetalye kung gaano ako kababa kaysa kay Mina sa puso niya diba?
"No, Janey. Narinig mo na ba ang 'Some things are better left unsaid?' For sure alam mo yun, diba?" Padabog na tumayo si Janey at lumabas ng tent. "Hindi ko kayo maintindihan!" Mas lalo akong naiyak. Sana madali lang malaman at intindihin kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay.Nang hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko at gusto ko nang sumigaw para maalis 'tong sakit kahit papaano, lumabas ako ng tent at hinarap si Janey.
"Hindi mo talaga maiintindihan! Alam mo kung bakit? Kasi nakuha mo na yung taong gusto mo. May happily ever after na nga kayo eh. Eh ako? Wala! Ni isa, wala ako. Alam mo ba kung gaano ko hiniling na maging ikaw for once nang malaman kong may gusto si Luhan sayo? I wanted to be you so bad! Yung tipong ginaya ko na yung pananamit mo at kilos mo. Kulang nalang kunin ko na buong pagkatao mo! Pero alam mo? Mas nasaktan lang ako. Kasi nung akala kong malapit na ako sakanya ay wala siyang ginawa kundi banggit-banggitin ang pangalan mo, i-point out yung mga similarities and differences natin. I was such an idiot for acting like you kasi dahil don, narealize niya na mali pala ang feelings niya. He adores you but not love. Alam mo kung bakit? Kasi hindi pala ikaw, na kapatid ko, ang totoong laman ng puso niya. Si Mina pala. Yung bestfriend ko. Pero naging hadlang ba yun para tumigil 'sa pagtibok 'tong puso ko para sa kanya? Nope! In fact, tinulungan ko pa nga siya, eh. Hanggang sa nararamdaman ko na yung pagkapagod. Hanggang sa narerealize ko na kung gaano ako katanga. Ngayon, ayoko na. Ayoko nang magpakatanga pa lalo. He's starting to like me, sabi niya. Pero.. may pero! Pero may gusto pa rin siya kay Mina. Hindi naman ako ganon katanga para paniwalaan 'yun. Diba, Janey? Hindi naman tayo pinalakiny uto-uto't tanga?"
"You have me, Jessie. You have me and our family." Sagot ni Janey.
"Luhan? Tama ako diba? Hindi dapat ako maniwala. Alam mo feeling ko naawa ka lang, eh. Naaawa ka kasi napakanakakahiya akong babae para unang umamin sayo. Nakakaawa akong tao kasi kahit anong mangayari, that one guy I like will never feel the same way I do and will never ever ever ever be mine." Nakaharap at nakatingin diretso sa mata kong sinabi sa kanya. Hindi naman siya sumagot at nanatiling tahimik.
"I guess it's a yes. I'm right about it all." Halos bulong kong sabi.
"I'm tired. Kayo nalang mag barbecue party." Pahabol ko at saka umakyat sa kwarto para muling mapagisa.
**
I LOVE YOU BUT-
I LIKE YOU BUT-
Ang sakit kaya niyan :(
BINABASA MO ANG
Tried and Tired
Fanfiction"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."