16 - His Name is Aiden

1.4K 77 31
                                    

CHAPTER 16

"Hi baby, gising ka na. Breakfast is ready." Tinapik ako ni Mama at naramdaman kong umupo siya sa gilid ko. 

Tumango ako sa kanya at sinabing bababa na ako at mauna na siya dahil magaayos pa ako ng damit. Sigurado kasi akong may bisita na naman sa baba. Minsan lang mamalagi si Mama dito sa Pinas kaya each day is special sa kanya para i-meet ang mga kaibigan niya rito. 

Pagkaupo ko sa kama ay nakisabay ang pagtunog ng cellphone ko. Sa pagkaka-akalang alarm ko lang ito ay tinap ko lang ito at sinara pero tumunog ito kaya kinuha ko na 'to at tinignan. 

Doon bumungad sa akin ang pangalan ni Luhan. 

"Goodmorning :)" sabi lang nito. Napakunot ang noo ko. Ito yata ang unang beses na batiin niya ako ng good morning sa text. Hindi ko tuloy mapigilang hindi kiligin o kahit mapangiti man lang. Matandaan lang niya ako sa paggising niya, sapat na. 

"Anong meron?" Reply ko sa kanya, sounding like i didn't care pero deep inside me, I CARE like carebear. 

"Good morning din ha? Available ka ba today?" Napa-pikit pikit ang mata ko sa nabasa ko. What's new? Ako na naman ang kailganan nito. Pero sino ba naman ako para tumanggi? Dream come true na rin 'to. 

Pero parang ang boring naman kung magpapaka-easy to get ako ngayon 'di ba? 

"Oo pero tinatamad akong lumabas eh." Gusto ko lang naman malaman kung susuyuin niya ako. Wala lang. Minsan kasi ang sarap magpapansin. Lalo na kay Luhan. Sa taong matagal mo nang gusto. Pinapangarap.

"Kailan ka pa tinamad lumabas" akala ko 'yan lang ang reply niya pero sinundan pa ito, "na kasama ako?" 

Tumaas ang balahibo ko sa mga lumalabas sa text. Siya ba ito o dumating na ang mga kaibigan niya at pinagtitripan lang ako? Oo! Tama! Baka naman nantitrip lang 'to. 

"Bakit ba? Need help with something? With Mina?" Medyo matagal bago ako nakatanggap ng reply. 

"Diba sinabi ko na sa 'yo?" Agad akong nagreply. Hindi ko kasi siya maintindihan? Anong sinabi? 

"Na ano?"

"Na hindi na kita i-iinvolve pa sa kahit na anong problema ko?" Saka ko lang natandaan ulit ang sinabi niya sa akin. Sabi niya magsisimula ulit kami? Sabi niya narinig niya ang usapan namin si Mina? Alam na niyang wala nang gusto sa kanya si Mina bago ko pa ito mismong sabihin sa kanya. Teka? Narinig niya ang usapan namin? 

Napaupo ako ng diretso sa kama ko at napa-takip ng bibig ko. 

Hindi kaya? 

Ginulo-gulo ko ang buhok ko at nagpagulong-gulong sa kama. Yari na! Yari na talaga ako! Natigilan ako sa pinaggagagwa ko nang tumunog muli ang cellphone ko. Tinignan ko ito at--- LUHAN CALLING. Bumungad dito.

"HOY!" Napatakip na naman ako sa bibig ko. Hindi ko sinasadya. 

"Kanina walang goodmorning ngayon hoy naman? Ouch" pag-aarte nito sa kabilang linya. 

"Diba sabi mo narinig mo ang usapan namin ni Mina?" Medyo matagal bago siya sumagot. Saka ko lang din napagtanto na magpapaalala lang pala sa kanya nito 'yung mga masakit na narinig niya. Na wala nang gusto pa sa kanya si Mina. 

"Ano pa ba ang narinig mo?" Pagtatanong ko. Mahabang katahimikan lang din ang isinagot niya.

"Luhan,"

"Jessie," Halos sabay naming sabi. 

"May dapat tayong pagusapan. May dapat akong itanong sa'yo at may dapat kang linawin sa akin," bakas sa boses niya ang pagkaseryoso. Napatayo ako at pumunta sa harap ng closet ko, handa nang magbihis at kumaripas ng takbo para kitain si Luhan. 

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon