CHAPTER 9
Luhan's POV
Bata pa lang ako, hangarin ko na ang maging isang sikat na mangangawit. Bata pa lang ako, mulat na ako sa buhay dahil hindi naman ako galing sa isang marangyang pamilya. Simple lang. 'Yun lang ang mai-dedescribe ko sa antas ng pamumuhay na mayroon kami. Wala pa akong pitong gulang nang mamatay ang nanay ko at naiwan ako sa tatay ko. Simula ng araw na 'yon, naging bukas ako sa mga kababaihan. Hindi ako playboy. Napagkakamalan lang.. minsan.
Minsan nga, hindi ko na alam kung paano dapat ako umakto sa harap ng mga babae dahil hindi ko maintindihan ang mga takbo ng isipan nila. 'Pag umakto kang mabait sa kanila, nabibigyang malisya, aasa sila pagkatapos ano? 'Pag malaman nilang wala akong gusto o pinaparating sa gawi ng paggalaw kong 'yon, masasabihan akong PAASA? PLAYBOY? Pero kapag umasta ka namang wala lang sa harap nila masasabihan kang HINDI GENTLEMAN? BADBOY?
Pero kahit na gano'n, pinili ko nalang ang panguna. Maging mabait sa kahit na sinong babae. Respethun sila't galangin.
Nakakatawa nga't minsan naririnig ko sa mga fans na isa raw akong anghel, napakabait. Minsan gusto ko silang kausapin at sabihan. Gusto kong sabihing sana.. sana hindi nalang ako nagbilang anghel simula pa lang.
Dahil minsan, sa sobrang bait ng isang tao, ang dami niyang nami-miss na chances. Minsan, ang pagiging sobrang mabait, hindi na ikinaaasenso ng isang tao. Opinyon ko lang naman 'yon. Siguro nga... based on my own experiences na.
Dalawang beses. Dalawang beses na akong nabigo. Ang dahilan? Nagpaubaya lang naman ako at nagbilang anghel para sa matalik kong kaibigan at para na rin sa ikabubuti ng nakararami.
*****
FIRST LOVE. Sabi nila, first love never dies. Siguro nga tama 'yon. Dati hindi ako naniniwala dahil nang may bagong dumating, madali ko siyang nakalimutan at napakawalan. Ang bagong dumating na 'yon ay si Janey Jung. Noong mga panahong kakakilala ko pa lang sa kanya, akala ko okay na ako. Akala ko, isang mababaw na pagtingin lang ang mayroon ako sa FIRST LOVE kong 'to dahil nang makilala ko si Janey, madali kong nakalimutan ang pagtingin na mayroon ako sa kanya, madali kong natanggap na wala talaga kami.
Pero sabi ko nga, 'di ba? AKALA KO LANG.
Akala ko lang 'to dahil noong panahong kasama ko si Janey at nasasaktan siya, naramdaman kong kailangan niya ako. Akala ko noon, si Janey na talaga dahil noong panahong 'yon, siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang gusto kong makasama. Siya lang talaga. Pero sa dulo, hindi rin naman kami ang nagkatuluyan. Dahil sa pangalawang pagkakataon sa panahong iyon, nagpaubaya na naman ako. Nagbilang anghel na naman ako sa kaibigan ko nang malaman kong iisang babae lang pala ang gusto namin ni Kai, kaibigan ko. Nakakatawa nga dahil ang pangyayaring 'to ay hindi na bago. Dahil ganitong-ganito rin ang nangyari sa amin ng first love ko. Si Kai rin.
Kaya nga nang maipaubaya ko na si Janey sakanya, nagsisi't nainis ako. Hindi ako nagsisi na ipinaubaya ko si Janey sakanya, nagsisi ako dahil ipinaubaya ko ang first love ko sa kanya. Dahil sa pagpapaubaya kong 'yon, ang dami kong hindi nagawa. Hindi ko nagawang aminin kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko nagawang hawakan ang kamay niya.
Pero mas nagsisi ako noong malaman ko ang katotohanan at nang malaman ko ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kaibigan kong si Kai.
Naghiwalay sila dahil sa akin.
Ang first love ko... ay first love din ako.
FLASHBACK
Tahimik lang kaming kumakain sa paborito naming fast food resto nang mabuksan ang topic tungkol sa dati naming buhay, noong hindi pa kami iniidolo.
"Kung hindi talaga dahil sa kanya baka wala tayo ngayon," saad ni Kyungsoo. Napatingin naman si Kai rito at sabay-sabay silang nagsitunguan at tinuloy nalang sa pagkain.
"Wala na siya dito. Saka h'wag na natin siyang pagusapan... 'pag nandito si Kai," pangaasar ng isa sa kagrupo namin, si Sehun.
"Oo nga pala, first love ni Kai 'yun!" Nang sabihin ito ni Kyungsoo ito'y biglang nagtagpo ang tingin namin ni Kai. Sumunod na rin ang ibang kamiyembro. Napansin ko ngang parang may hindi ako nalalaman sa tingin nilang 'yon.
"Bakit? May hindi ba ako nalalaman dito?" Nagsitunguan muli sila at bumuntong hininga.
"Masinsinang usapan na 'to ha?" Paninimula ng leader namin, si Suho.
"Luhan, alam mo ba kung bakit naghiwalay sina Kai?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang kinakabahan ako sa sasabihin nila. Parang may mali.
"All this time, akala ko ako ang gusto niya." Si Kai na ang nagsalita. Bakas sa tono ng boses niya ang hinanakit.
"Ikaw pala, simula palang." Tumayo si Kai at inexcuse ang sarili.
"Ginamit niya lang si Kai para makalapit sa'yo! Kaso ikaw naman daw tong manhid kaya pinili nalang niyang maki go on with the flow kay Kai. Pero alam mo? Parang 'di naman gano'n naapektuhan si Kai. Kilala mo ba 'yung may kakambal sa school? Si Janey? Parang okay sila ni Kai!" Sa pagkakarinig palang ng pangalan niya ay nabuhayan ako ng loob pero nang marinig ko ang huli niyang sinabi, kinabahan ako.
Pakiramdam ko kasi ng mga araw na 'yan, mauulit na naman ang nangyari. Which is true. Sa huli, ako ang nagparaya, ako ang martyr.
END OF FLASHBACK
Ilang buwan pa ang nagdaan at tuluyan na akong nawalan ng pagasa kay Janey. Nasaktan na naman ako at sa pagkakataong 'to, hindi ko alam kung kakayanin ko pang maulit na naman ang ganoong pangyayari kaya naman sinisigurado ko nang hindi na 'to mauulit.
Nagpasya akong magbagong buhay. Pakakawalan ko na ang lahat ng 'to. Ang sa first love ko, at ang kay Janey.
Ilang linggo lang ang lumipas at tila naging mabilis ang proseso ng pagkakalimot ko. Lahat ng 'yon, dahil sa kakambal ni Janey. Si Jessie. Nang dahil sa kanya, ang dami kong napagtanto.
Na hindi pala talaga ako kay Janey lubos nasaktan noon kundi sa first love ko. Noong panahong akala ko si Janey na talaga ang gusto ko, hindi pala totoo 'yun. Ginagawa ko lang pala 'yun para mas makalimutan ang mayroon ako sa first love ko. Na-realize ko na, siya pa rin pala talaga. Dahil hanggang sa pangalawang pagkakatong nabigo ako at nagparaya, siya pa rin pala ang naisip ko. Dahil sa pangalawang pagkakataong 'yon, doon ko naramdaman ang pagsisising pinakawalan ko siya at hindi naging totoo sa nararamdaman ko para sa kanya.
Lahat ng 'to, na-realize ko nang makita ko muli siya. Nang makita ko siya, mabilis kong nasabi sa sarili kong walang wala na ang nararamdaman ko para kay Janey.
Si Mina.
Si Mina na first love ko. Si Mina na ako rin pala ang gusto noon. Si Mina na ginamit ang kaibigan ko para mapalapit sa akin pero naging tanga ako at pinaubaya kaagad siya sa kaibigan kong 'to. Si Mina na saglit na naging kasintahan ng kaibigan ko pero naghiwalay din... dahil pala sa akin. Si Mina na pinakawalan at pinaubaya ko.
Si Mina na ngayong nagbabalik.
Si Mina na hanggang ngayon ay siyang laman ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Tried and Tired
Fanfiction"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."