CHAPTER 10
Luhan's POV
Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang pagalis namin ni Jessie. Sa dalawang araw na 'yon, hindi siya tumawag, nag text o kahit na anong pakiramdam sa akin. Sa totoo lang, gano'n naman palagi. Hindi siya ang unang nangangausap sa akin. Ako parati ang nagaaya sa kanyang lumabas at ako parati ang unang nakikipagusap sa kanya.
Sa dalawang araw na 'yon, hindi ko nagawa ang usual na gawain ko: ang tawagan, itext o yayain siyang lumabas dahil saka lang nagproseso sa utak ko ang nagawa ko. Sobra akong nadala noon sa bar. Sa sobrang dami yata ng nainom ko ay sobrang pagdadrama ang nagawa ko. Kada taong malalapitan ko noong araw na 'yon ay unang mamamangha sa akin pero sa huli'y sila mismo ang mangiiwan sa akin because they were all after entertainment while I was after for some comfort from random people. Hanggang sa si Jessie na ang mahagilap ng mata ko. Siya ang nilapitan at napagpasyahan kong kausapin sa mga drama ko. Pero sa di ko malamang dahilan, tila eroplanong naglanding na lang ang labi ko sa labi niya. Pero ang ikinagulat ko ay ang hindi niya pagtanggi dito. Inaasahan kong masampal niya ako o di kaya'y itulak pero hindi dumating ang mga 'yon. Instead, she gave me what I was after and looking for.
Comfort.
Her kiss was full of passion, emotions.. and comfort. It was a comforting kiss. 'Yun ang ikinagulat ko at ikinagugulo ng isipan ko ngayon. At 'yun din ang dahilan kung bakit hindi ko pa siya magawang tawagan o kausapin muli.
Feeling ko naaabuso ko na ang kabaitan niya. Una, pumayag siyang tulungan ako. Pangalawa, naging maintindihin siya sa akin. Pangatlo, halos sinusunod niya ang mga kagustuhan ko. Hindi ko naman alam na pati pala ang ganitong klaseng kagustuhan ko bilang lalaki ay susundin niya.
Hinalikan ko siya ng walang katanggap-tanggap na kadahilanan. Pero hindi niya ito ikinagalit. Hindi kaya...?
Mga alastres na ng hapon nang mapagpasyahan ko nang puntahan siya at makausap. Marami pa siyang hindi nalalaman dahil tanging ako lang naman at si Kai ang nakakaalam nito. Tungkol sa totoong nararamdaman ko kay Mina na matagal kong tinago at hindi ko na naisipan pang aminin. Dahil akala ko naman noon tapos na. Pero ngayong natauhan ako, nalaman kong isang maling akala lang naman pala 'yon.
Dahil kung wala naman na... 'di ba hindi naman dapat ako nagaalala ng ganito? Hindi ko na dapat pa binabalikan ang dati.
Tumigil muna akong saglit nang makarating na ako sa tapat ng bahay nila Jessie. Mas natauhan pa ako sa nararamdaman ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang: Papaano kung nandito si Mina? Diba magkaibigan sila? Mas natauhan ako dahil sa panahong 'to, dapat ang inaalala ko ay kung papaano kung nandito si Janey at si Kai. Pero hindi eh. Wala na ang kay Janey.
I may sound like a bad boy pero si Janey.. parang naging isang instrumento lang siya sa akin para matakpan ko ang kung anong nararamdaman ko kay Mina. O di kaya'y isa lang siyang passerby. Napadaan lang siya at siya lang ang naging dahilan ng pagkaka-gising kong muli.
Pero si Jessie. Siya ang naging dahilan ng lahat. Kung hindi siya naging taga-pakinig ko, siguro hanggang ngayon ay nasa estado pa rin akong naguguluhan. Siguro nasa estado pa rin akong akala ko si Janey ang laman ng puso ko.
Pakatok na sana ako pero natigilan ako nang biglang magbukas ang pintuan at bumungad si Jessie na halatang walang tulog at nagmamadali.
"U-uy, Luhan." Tila nagulat siya nang makita ako.
"P-puntahan s-sana kita, h-hindi ka kasi nagpaparamdam a-akala ko kung ano nang nangyar--" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya't hinila ang braso niya't dinala sa pinakamalapit na park.
BINABASA MO ANG
Tried and Tired
Fanfiction"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."