Short chapter lang ulit.
·mas′och·ist
·enjoyment of pain : pleasure that someone gets from being abused or hurt
"Jessie, kamusta ka na? I miss hanging out with you. Sana magkita muli tayo. Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo. Gusto kong personally magsorry sa 'yo. At kila Janey, Kai at Luhan na rin."
Si Mina Park. Ang dati kong matalik na kaibigan. Dati. Past tense. Dahil matagal na rin ito nagtapos. Simula pa noong malaman ko ang ginagawa niyang panggamit kay Kai na matalik na kaibigan din ni Luhan na siya namang matagal nang minamahal ni Mina. Nagawa niyang manggamit ng isang malapit sa puso ng taong mahal niya para mapalapit rin siya rito. Why did I end up my relationship with her as bestfriends? Dahil.. may mga taong malapit sa puso kong nadaramay at nasasaktan. Ang kakambal kong si Janey na si Kai ang laman ng puso at si Luhan.. na parehas pala naming minamahal ng matalik kong kaibigan na si Mina. Dahil sa sobrang komplikado ng sitwasyon namin, napagod na ako. Pinili ko nalang na tapusin at tuldukan ang lahat ng mayroon samin ng kaibigan ko, si Mina.
Sorry.
Isang salitang ni-minsan hindi ko pa narinig sakanya. Ito ang isang salitang hinding hindi niya kayang bitawan at sabihin.
Pride and dignity. 'Yon ang pinaglalaban niya. Pero sa tingin ko, noon nalang 'yon. Sa tingin ko, natuto't nagbago na siya ngayon.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ngayon o kakabahan. Matutuwa dahil nagbabalik na ang kaibigan ko. She's back for good. Kakabahan dahil alam kong nauna siya. Alam kong may mas chance siya at dahil alam kong parehas kami ng hinahangad. Pero ayokong mag jump into conclusions. Ayokong isipin kung si Luhan pa nga rin ba ang gusto niya. Ayokong magpakasigurado na parehas kami ng taong gusto.
Ayokong ang kaibigan ko pa ang maging kaagaw ko sa taong mahal ko.
"Jessie?" Natauhan nalang ako nang lumabas si Luhan mula sa bahay at sinundan ako dito sa gate. Akala ko kasi isa 'tong emergency call kaya lumabas pa ako ng bahay.
"Okay ka lang ba? Sino ba 'yung tumawag? Bakit parang ang tagal niyong nagusap?" Kung sa ibang storya, isang eksena ito kung saan nagseselos ang lalaki pero sa amin, sa eksena naming ito, its just his way of showing concern and care. Normal na sakanya ang maging concern sa mga kasama niya at maging caring sa mga babae. That's Luhan just being himself, Luhan.
"Luhan, mag gagabi na. Baka hinahanap na si Lilu do'n. Bakit hindi pa kayo umuwi?" Pagtatanong ko. Sa totoo lang, ayoko pa. Ayoko pang matapos 'tong araw na 'to. Iba kasi 'yung feeling, eh. 'Yung feeling na concern sa 'yo yung mga tao. 'Yung feeling na parang ang espesyal espesyal mo, kahit sa isang araw lang. Naramdaman niyo na ba 'yon? 'Yung pakiramdam na sana palagi ka na lang may sakit para palagi rin silang concern at caring sa 'yo. 'Yung pakiramdam na parang loved na loved ka ng mga tao sa paligid mo. 'Yung naa-appreciate nila lahat ng sinasabi't ginagawa mo.
Minsan parang ang sarap sarap ipakita na malungkot ka kasi pasasayahin ka nila.
Minsan parang ang sarap sarap magpanggap na may sakit ka kasi aalagaan ka nila. Lahat ng gusto mo, susundin nila.
Pero minsan diba nakakapagod din? Nakakapagod din kapag maisip mo na nagiging gano'n sila dahil kailangan mo. Hindi sa nagiging gano'n ang trato nila sa 'yo dahil ito talaga ang gusto nilang itrato sa 'yo.
For short minsan ang mga ganitong bagay, dala lang ito ng awa. Isang araw, magigising ka nalang na sawang sawa ka nang pagka-awaan kasi gusto mo yung totoo na. Yung maging totoo sila sa pagtrato sa 'yo. Hindi lang dahil sa nararamdaman nilang awa para sa 'yo.
BINABASA MO ANG
Tried and Tired
Fanfic"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."