12
"Ang arte naman! Bakit may patakip-takip pa ng mata?" Pagrereklamo ko nang takpan niya gamit ang panyo niya ang mga mata ko at saka niya ako inalalayan papasok ng taxi.
"Eh kung papasukin mo muna sana kasi ako ng taxi bago ganituhin 'di ba?" Pagrereklamo ko pa ulit.
"Edi malalaman mo kung saan tayo pupunta! Useless!" Napakunot ang noo ko kahit na alam kong hindi naman niya ito nakikita. Ano ito? Surprise?
H'wag naman sana niya ako ganituhin. Because I love surprises. Baka mas lumala lang 'tong nararamdaman ko 'pag patuloy niya pa 'to.
"Tinext ko kasi si Janey at tinanong siya paano ako makakapag thank you sa'yo. Sabi niya, i-surprise daw kita." Napalingon ang ulo ko sa kanya kahit na nakatakip ang mga mata ko. "Wow naman, improving ang feelings mo-" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Nakalimutan mo na ba kaagad?"
Napatigil din naman ako at napaisip. May nakalimutan ba ako?
Saka ko naalala.
"Ah, Mina. 'Di ko nakalimutan noh. Shocked kaya ako!" I lied. Sa totoo lang nawala talaga 'to sa isip ko. Hindi ako sanay. Naging close kami dahil kay Janey, lumalabas kami at puro si Janey ang bukambibig niya. Ang hilig niyang magdrama.. dahil kay Janey. It was always about Janey. It was. Handa na ba akong mabago ang pangalang laging bukambibig niya? From Janey.. to Mina? Ready na ba ako?
Hay. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Syempre ang tanggapin ito at maging handa. May isa pa naman akong paraan, eh. And that is to: pretend.
How foolish, ano? MAGPAPANGGAP AKO. Magpapanggap akong naiintindihan ko, magpapanggap akong masaya ako sa mga nangyayari. Magpapangaap akong okay na okay ako.
**
Nabigla't halos nanigas ako nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa palad ko. Sa muling pagdikit na naman ng kamay niya sa kamay ko ay para paring isang kuryente ang naramdaman ko. He still has that electricity effect on me. Hindi ko alam kung dahil lang never pa akong nagkaboyfriend at nagkaroon ng ka-holding hands o dahil lang talaga ibang iba na ang nararamdaman ko para sakanya.
"Huy," hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya ang kaninang parang kuryenteng feeling na naramdaman ko, nadagdagan pa. Nadagdagan pa ng sunod-sunod na malalakas na kabog sa dibdib ko.
"Tara na!" Hinila niya ang kamay ko at naramdaman kong inalalayan niya ako papalabas ng taxi. And then it hit me. Aalalayan lang pala ako.
Dahil matapos naming makababa ng taxi ay kusa nang nagkahiwalay ang mga kamay namin.
"Nasaan ba kasi tayo?" Pagtatanong ko.
"Basta, masurprise ka nalang. Tsaka treat ko 'to ah?" tumango na lang ako.
Mga ilang minuto kaming naglakad pa dahil mabagal lang akong lumakad dahil nakapiring pa rin ang mga mata ko. Nang maramdaman kong nakapasok na kami sa pintuan ng kung saang lugar niya ako dinala, saka na rin niya dahan-dahang tinanggal ang piring sa mga mata ko.
"IT'S MY TREAT!" hinila niya ako papalapit sa counter ng Mcdo.
"Seryoso?" bulong ko sa kanya pero isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin na nagpatikom lang naman sa magrereklamo sanang bibig ko. 'Yang ngiting 'yan. Sana sa likod ng ngiting 'yan ay ako. Kahit isang beses lang. Sana.
'Miss, dalawang regular fries."
"Tsaka pahingi na ring 2 glass of water."
Mas nagulat ako. Isang regular fries lang ang ipakakain niya sa akin!? Naglolokohan ba kami dito?
"Aba! Bahala ka diyan, ba't kita lilibre ng ganyan? Di naman kita lovelife!" Narinig kong sabi ng isang babae sa kasama niyang lalaki. Natamaan ako. Bakit nga ba ako nagrereklamo? Kailan ka nga ba nakakita ng mag bestfriend na grabe maglibrehan? Ang magbestfriends, kuripot sa libre-libre. Ang magbestfriends, 'pag madapa ang isa, tatawa muna bago magtulungan.
Kaya ano pa nga ba ang inirereklamo ko?
Hindi ko nga naman siya lovelife.
Nakakuha naman kaagad kami ng mauupuan at table. Akalain mo 'yun? Dito pa namin kakainin 'tong inorder niyang dalawang regular fries at tubig.
Mga halos tatlong minuto walang nagsasalita sa amin, walang umiimik. Nasa kanya-kanyang mundo lang kami kaya nga nakaramdam ako kakaunti ng ka-awkwardan dahil isama mo pang tinititigan niya ako at ngumingisi-ngisi.
"Luhan!" 'Di na ako nakatiis at sinaway siya.
"Wala ka bang sasabihin? Itatanong? o Irereklamo?" Napakunot ang noo ko sa kanya. Ano na namang pinagsasabi niya?
"Wala," simpleng sagot ko, "may dapat ba akong sabihin? itanong o ireklamo?" dagdag ko pa.
"'Di ka ba magrereklamo na dito kita dinala? Na hindi ka nasurprise kasi kahit ikaw kayang kaya mong isurprise sarili mo sa Mcdo? 'Di mo ba ko tatanungin bakit sa Mcdo kita dinala?" Kung hindi ko lang alam na may gusto siyang babae, na hindi ako, baka kinikilig na ako't umaasa ngayon na may gusto siya sa akin dahil sa mga sinasabi niya at sa tono ng boses niya. Pero hindi, eh. Alam ko kasi ang katotohanan. Alam kong hindi ako.
"Ba't naman ako magrereklamo? Diba ganito naman ang magbestfriend? KURIPOT?" Sabi ko't tumawa. Siya rin naman ay tumawa.
"Tsaka mas okay nga 'to eh, nasurprise ako, sobra."
"That's my point. Kilala kasi kita, Jessie, eh. Alam kong 'di ka mapili, alam kong hindi ka magrereklamo at alam ko na kasi ang pumapasok sa mga isip niyong babae kapag sinabing 'surprise'. You'll think of class A restaurant at mga engrandeng paghahanda. At dahil nga gusto kitang masurprise, I brought you here." Medyo lumapit ang mukha niya sa mukha ko at ang lapad lapad ng ngiti niya. Nagulat na lang ako nang guluhin niya ang buhok ko at pasukan niya ng french fries ang bibig kong nga-nga sa harap niya.
"Bakit mo ba kasi ako sinusurprise?" Biglaang pagtatanong ko. Hayan na naman, 'di na naman ako nagiisip sa mga sasabihin at itatanong ko.
"Kasi nga gusto kitang pasalamatan."
"Dami mong natulong sa akin. From Janey.. and now to Mina." Masaya na sana ako kaso 'yan na naman. Minsan hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, eh. Minsan hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kung siya ba o ang mga duda't naiisip ko.
Paniniwalaan ko bang concern talaga siya't kinakasama niya ako dahil gusto niya akong kaibigan o kinakasama niya ako't kinakausap dahil.. ako na lang ang makatutulong sakanya? Dahil.. ako lang 'tong baliw na gawin ang lahat para sakanya?
"Alam mo ba, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na tulad mo?" Natulala lang ako sakanya. Eto na naman ba tayo?
"Thanks, Jessie." Bago pa niya masabi ang mga susunod niyang sasabihin na alam kong tatak sa puso't isipan ko, inunahan ko na siya.
"Ako rin, Luhan. Thank you. Thanks for having a friend like you."
But in reality, I don't consider him as a friend. Never. Pero minsan pinagiisipan ko pa rin dahil kung ito nalang ang paraan para magkausap at magkasama kami, I'll take the risk.
I'll be his friend.
Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya at pinagiisipan ko pa. I can be a friend... all I need is to pretend. Pretend that being his friend is fine with me. Being with him as a friend, makes me happy. Magpapanggap na lang muna ako na okay lang ang lahat ng 'to.
A/N: RELEASED NA PO ANG MY FLOWER BOY BROTHER SA MGA PRECIOUS PAGES STORE. SOON ON NATIONAL BOOKSTORE. BILI NA KAYO FOR ONLY 119.75 ;D Next sana na maipublish ay itong Tired and Tried! :D
Sorry sa super late update, blame schooooooooooool. hehe. Comment kayo, ano advice niyo para kay Jessie at Luhan? Ano na dapat ang gawin ni Jessie? Umamin???? Magpanggap? Magtiis? O pakamatay na lang para tapos na ang lahat? haha
BINABASA MO ANG
Tried and Tired
Fanfiction"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."