CHAPTER 1

32 2 0
                                    

#OhShitSimula

April 6, 20xx

SUMMER vacation. At dahil bakasyon nga, 2months akong ta-tambay sa bahay.

Bakit hindi ako mag-bakasyon sa ibang lugar o ibang bansa? Simple lang. Hindi kasi ako richkid, hindi ako ipinanganak para lang mabuhay, ipinanganak ako na dapat mag sikap para mabuhay.

Simpleng buhay lang ang meron ako. Masipag at mabait na tatay, masungit na malambing na nanay. At tatlong magugulo at pasaway na mga Kuya.

Yep! You read it right. Tatlo silang nagpapagulo sa buhay ko. Gusto 'daw kasi nila Mama magkaroon ng baby girl kaya nag try sila ng nag-try hanggang sa ayun, nabuo ako. Pero failed ata, lalake parin yata ang naging bunso nila.

"Nicolai" Rinig 'kong pag-tawag sakin ni Mama.

Kasalukuyan kasi akong nasa aking kwarto. Busy mag internet surfing, busy sa pangingialam sa buhay ng ibang tao. Bakit kasi kaunting pangyayari sa buhay ay kailangan e-post pa sa social media? pag na bash, iiyak, magagalit. Parang mga baliw. 🙄

"Bakit po?" Tumayo ako sa pag kakaupo at lumabas ng kwarto. Hinanap ko pa kung nasaan siya, dahil nasa dulong bahagi ng bahay ang kwarto ko. Naabutan ko siyang nasa labas at nakahawak sa nakabukas ng gate.

"Hinahanap ka ng mga kaibigan mo sabi niya.

"Problema niyo?" salubong na tanong ko habang papalapit at nakipag kamayan sa kanila.

Umalis naman agad si Mama noong lumapit na ako, hindi pa 'daw kasi siya tapos mag-hugas ng mga plato.

"Laro tayo" pag-aaya sa'kin ni Kulot.

"Ayoko! mainit, tsaka may pampusta ba kayo?" naka taas kilay na tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Kelan ba kami nagyaya na walang pampusta?" mayabang na tanong naman ni Reymart.

"Aba! amnesia kayo agad? kahapon lang 'nung ako ang magbayad dahil natalo tayo.. Kaltukan kita dyan eh" Umamba pa akong parang kukutusan talaga sya. Napaatras naman siya ng konti habang nakaharang ang dalawang kamay sa kanyang ulo.

Nagulat pa ako 'nung tinulak nila ako papunta sa kalaban. Akala ko may sasabihin sila sa amin, ayun pala naniningil. Langya!

"Sino ba naman kasi ang gaganahan na magbayad 'dun, mga madudupang. Masyadong mga hyper" naiinis naman niyang sabi.

"Sino ba kalaban?" Tanong ko "Teka magpapaalam lang ako 'kay Mama" Pumasok ako ng bahay at hinayaan silang pito sa labas at mainitan.

"Ma.." pag tawag ko kay Mama 'nung makita ko siyang naka-upo at nanunuod ng TV.

Tapos na siya agad mag hugas ng pinggan?

"Ano? maglalaro na naman kayo? ewan ko ba sayo'ng bata ka at nawiwili ka dyan sa pagba-basketball na 'yan. Ka-babae mo'ng tao daig mo pa mga Kuya mo" hinayaan ko muna syang mag bunganga dahil kinukuha ko pa yung bola ng basketball ni Kuya Myth sa ilalim ng kama niya.

Oh Shit! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon