#OhShitK4x
"Bwiset talaga" Hanggang ngayon naiinis parin ako. Ang yabang ng kingina, akala niya naman kina-gwapo niya yun.
"Chill lang babes, di maka-move on?" Nakangiwing sabi ni Isay.
Nasa Cafeteria kami ng school, dito kami dumiretso para bumili ng yelo or something na may ice. Hindi naman kami makapunta sa school clinic kasi hindi pa kami estudyante dito. Nakakahiya.
Kinuha ko with bared hands ang ice sa iced tea ko at nilagay sa panyo para ilagay sa bukol ko. Ayoko kasing makita nila mama 'to, lagi kasing nadadamay yung pagba-basketball ko. Kesyo nagkabukol dahil sa basketball. Nagkasakit dahil sa basketball. Ginutom dahil sa basketball. Marami kayang reasons tapos laging pag babasketball ko ang pinagbibintangan.
"Tss!" tanging sagot ko na lang.
"Matagal pa ba yan?" Nakasimangot na tanong nya. Napa-atras naman ako ng upo dahil bigla nyang hinampas at nilapit ang mukha nya sakin.
"Libutin natin yung school" nanlalaki pa ang mata nya na parang nakakita sya ng maraming gwapo.
Tinulak ko naman palayo ang mukha nya. Naka cross arms at taas kilay ko syang tinignan. "Estudyante ka dito?"
"Psh! So what kung hindi pa estudyante dito. Hindi naman tayo papasok sa mga classrooms at makiki sit in. Lilibot lang tayo, tingin tingin, window shopping. Napaka KJ mo talaga, bakit ba ikaw ang kasama ko ngayon?" Nakasimangot nyang reklamo. Aba! ikaw kaya 'tong na-ngulit na sasama sakin kasi nabanggit ko na si Kuya Myth ang kasabay ko. Kutusan kita diyan.
Niligpit ko muna yung mga gamit 'kong nakakalat sa table, inubos ko din muna ang choco cake at Iced Tea. Nandidiri niya pa akong tinignan nang inumin ko parin ang Iced tea kahit nilubluban ko na ng kamay ko. Aba! kasama sa binayaran ko yan, sayang. Nung matapos na ako, nagpunas lang ako ng bibig bago tumayo. Nagtataka naman niya akong tinignan.
"Saan ka pupunta babes?" Nakatingalang tanong nya.
"Akala ko ba maglilibot tayo? tara na." At nagsimula na akong mag lakad palabas ng cafeteria. Mabilis naman siyang nakasunod sa akin.
"Nakapasok kana ba sa PMSU? Mas malaki ata 'to kaysa dun." Tanong nya habang naglalakad kami sa hallway ng school at hindi alam kung saan pupunta.
"Nakapasok na ako 'dun" I said. Naalala ko na naman tuloy SIYA. Siya ang may dahilan kung bakit ako nakapasok sa school na iyun.
"Dito na lang kaya ako? Hintayin na lang kaya kita dito. Baka kasi hindi ako papasukin, hindi naman ako estudyate diyan eh." Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa school.
BINABASA MO ANG
Oh Shit! (On hold)
Teen FictionPorsche Nicolai Mendez is just a typical girl in her time. She's boyish, loves to play basketball, curse a lot in her mind and she's always have an opinion kahit hindi naman siya ang kinakausap. But what if all those staffs ay hindi dapat nangyari...