CHAPTER 3

15 1 0
                                    

#OhShitAsshole

Two weeks na ang nakalipas at wala masyadong nangyari. Nag stay lang kami sa Pasay with my family dahil pinatawag kami ni Lala. Family matters lang kaya wag na masyadong matanong.

Maaga ako gumising dahil ngayon ako sasamahan ni Kuya Myth mag-enroll sa SNM University. Medyo kinakabahan ako kasi baka kung ano na lang ang pumasok sa isip ko na course. Balak ko talagang mag HRM pero parang gusto ko 'rin mag Medicine or Computer Science.

*Phone ringing*

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito.

Isay Calling~

"Oh?" bungad na sagot ko sa tawag nya.

[Good morning din] sarcastic naman nyang sagot. Kahit sa phone call naiimagine ko kung ano ang itsura niya.

"Sasabay kaba?" Tanong ko kay Isay. Kahit to-tomboyin ako may mga kaibigan naman akong babae, tatlo sila. Mga bestfriends ko sila since Grade 4.

[Ohw yes babes, kasama si Myth mylabs diba?] Napairap na lang ako kahit hindi nya nakikita.

Crush na crush nya si Kuya Myth kahit hindi naman siya pinapansin. Ayaw kasi ni Kuya sa makukulit, maingay, maarte, madaldal. In short,  Ayaw niya sa tulad ni Isay. Pero 'tong isa parang di makaramdam na ayaw sa kanya. Todo kulit parin kahit parang gusto na siyang tirisin ni Kuya.

"Tigilan mo na nga si Kuya, alam mo naman na allergic yun sayo" Nag lalakad ako palabas ng kwarto habang kausap parin siya sa phone.

[Ano ba babes, ang sweet nga namin eh. Lagi niya ako tinitignan ng masama and I so like it.] Narinig ko pa syang mapatili. Para syang kuting na naipit.

Kumakain na sila 'nung pagdating ko sa kusina. Nakakunot ang noo ni Kuya Ford ng tumungin siya sa'kin. Tinuro ko naman si Kuya Myth at ngumiti na lang si Kuya. Na-gets nya naman yung ibig 'kong sabihin. Nagtataka naman si Kuya Myth kung bakit ko sya tinuro. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Kakain lang kami tapos pupunta na kami dyan" Sagot ko at tumabi kay Mama. Wala kasi kaming arrangement sa upuan kaya kahit saan basta may vacant seat dun na lang uupo.

[Yeah. I'm ready na, Si Myth mylabs na lang ang kulang sakin hihihihi] Napangiwi naman ako sa sagot nya.

"Sige na, ang daldal mo" and I ended the call. Abnormal kausap.

"Sino 'yun?" Napalingon naman ako sa tanong ni Mama. Nilagyan nya ng Fried rice, bacon and hotdog ang pinggan ko.

"Si Isay Ma" napatingin naman ako kay Kuya Myth 'nang mag Tss! sya. Pangalan palang beastmode agad. Napangiti na lang ako sa reaction nya.

"Sasabay daw sya sa'min ni Kuya Myth" Sabi ko tsaka sumubo ng pagkain.

"Eh si Nash at Alot, hindi sasabay?" tanong ulit ni Mama.

"Hindi po, nasa China pa kasi hanggang ngayon si Nash then nasa Davao naman si Alot." Hindi ko pa nga alam kung saan mag-aaral yung dalawa kasi hindi ko sila ma-contact.

Oh Shit! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon