#OhShitVacation
PARANG HANGIN na dumaan lang ang isang linggo. Nag-stay lang kami sa Pasay ng isang linggo dahil nag-patawag ng general meeting si Lala dahil may uuwi na naman daw na isa sa mga anak niya.
Pang-lima sa walong mag-kakapatid si Papa. Ewan ko ba at parang pag-gawa ng maraming anak ang libangan noon. Hindi ko na nga masaulo mga pangalan ng pinsan ko sa dami nila.
Bawat isa kasi sa kanilang mag-kakapatid ay kung hindi apat ay lima ang anak, parang pinag-planuhan na siguro na ganoon dapat karami ang anak nila. Kami kasi ay apat.
Nandito kaming tatlo sa salas. Nakahiga sa mahabang sofa si Kuya Brent habang busy sa nilalaro sa kaniyang cellphone. Kaharap ko naman si Kuya Myth na tutok sa ginagawa sa laptop niya habang nakaupo sa carpet, habang ako ay ipinagsisik-sikan ang sarili sa single sofa at nag-babasa ng libro.
"Myth.." Napalingon ako 'kay Kuya Brent ng mag-salita siya. Kahit hindi ako ang tinawag ay nilingon ko parin din siya.
"Hmm.." Tipid na sagot lang ni Kuya Myth na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.
"Naisip ko lang na mag-bakasyon tayo sa Batangas. Want to come? isama natin si Nico" Nilingon ko si Kuya Brent dahil sa sinabi niya, nilingon din niya ako.
Nakangiti siya habang nag-tataas baba ang kilay. Sa pagkakakilala ko 'kay Kuya may binabalak 'to dahil sa ngisi niya, at ako na naman ang gagamitin niya para matuloy ang binabalak niya.
"Wag mo ako isali diyan sa kalokohan mo Kuya, isusumbong talaga kita 'kay Mama" Nakakunot noo na sabi ko. Style mo bulok.
"Come on Nico, napaka-KJ mo talaga" Hindi ko siya nilingon at binalik na lang ang tingin sa libro.
"How about you Myth? Sama ka? masaya 'to" Rinig ko pa na pag-aaya niya kay Kuya Myth. Pa-simple ko naman na tinignan si Kuya Myth.
"No thanks. I have 3 proposal to finish, ikaw na lang." Natawa naman ako sa sagot ni Kuya Myth. Kahit bakasyon ay projects parin ang inaatupag niya.
"Hindi matatawag na bakasyon 'yun kung wala akong kasama, idiot" Sarcastic na sagot ni Kuya Brent at pabagsak na inihiga ang sarili sofa.
"May kasama ka'man o wala, kapag pumunta ka sa ibang lugar and you only have to do is to relax and enjoy. Bakasyon parin ang tawag 'dun. Stupid!" Sabat ko at inirapan pa sya.
"Wow. Bakit? may tao 'bang kayang mag-enjoy na siya lang mag-isa? Anong klaseng bakasyon 'yun kung wala din naman palang kasama?"
"Edi wag kana mag-bakasyon. Basic" Umupo ako ng maayos at tinignan ng masama si Kuya Brent.
"Tsaka bakit hindi mo gayahin si Kuya Myth?" Sabi ko at tinuro pa si Kuya Myth na naka-kunot noo'ng nakatingin di pala sakin "Nag e-enjoy kaya siya kahit na siya lang mag-isa."
BINABASA MO ANG
Oh Shit! (On hold)
Teen FictionPorsche Nicolai Mendez is just a typical girl in her time. She's boyish, loves to play basketball, curse a lot in her mind and she's always have an opinion kahit hindi naman siya ang kinakausap. But what if all those staffs ay hindi dapat nangyari...