CHAPTER 2

30 2 3
                                    

#OhShitSungit

KINABUKASAN tanghali na ako nagising sa sobrang pagod na 'din siguro 'to dahil sa laro kahapon. Hindi na nga 'rin ako nakakain ng hapunan kagabi dahil sa nakatulog ako matapos maligo.

Tumayo na ako para pumunta sa CR. Nagbawas lang ako ng tubig sa katawan, nagtoothbrush at naghilamos.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ako sa lamesa sa kusina para tignan kung anong almusal. Kumuha lang ako ng tatlong pandisal at nilagyan ng palaman. Kagat kagat ko ang isang pandisal habang nasa magkabilang kamay ang dalawa pa. Dumiretso ako sa sala para manood ng TV.

May naririnig akong ingay mula sa sala Umuwi na kaya si kuya Ford? tanong ko sa sarili ko. Pffft! Ang kulet ng word, tinanong ang sarili. Okay corny.

"Eng engey nye" sabi ko habang kagat kagat parin ang tinapay sa bibig ko.

Pero ganun na lang ang gulat ko 'nang may dalawang hindi ko kilala ang nandoon. Katabi ni Kuya Myth ang isa habang nakatalikod naman sa gawi ko ang isa pa. Alam kong hindi isa sa mga Kuya ko 'to ang isa kaya, sino 'to?

"Oh Nico, gising kana pala." Nakangiting bati sa 'kin ni Kuya. "Wala si Mama, pupuntahan daw si Kuya Ford sa Pasay" Tango lang ang sagot ko. Hindi naman kasi ako makapag salita ng maayos dahil sa tinapay sa bibig ko.

"Siya nga pala, mga classmates ko. Si Kevin" Turo nya sa katabi nya, kumaway naman sakin ang Kevin daw. Tumango lang ako.

"Then si Third" turo naman niya sa lalaking nakatalikod sakin. Sabay ng paglingon niya ang pag bagsak ng tinapay sa bibig ko sa sahig. Ayy! Langya. 'Bat nakalimutan ko?

"Nice meeting you again... Porsche" Lalo akong napa-nganga ng tawagin niya ako sa pambabae 'kong pangalan.

"Teka, magkakilala kayo?" takang tanong naman ni Kuya Myth na pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

Actually kuya hindi kami magkakilala, kagabi ko lang nalaman ang pangalan nya. Gusto ko sanang sabihin pero inabutan na ako ng hiya kaya tumakbo ako pabalik ng kwarto.

"Akala ko lalaki kapatid mo, sabi mo kasi Nico ang pangalan" rinig ko pang tanong ng Kenneth ba yun? Kerbin?

Tawa lang ang tanging narinig ’kong sagot ni Kuya.

Nagpalipas ako ng ilang oras sa kwarto. Ganon parin ang ayos ko, naka pajama,  malaking T-shirt at higit sa lahat wala 'pang ligo.

Mas lalong umingay sa sala. Na curious naman ako kaya lumabas ako ng kwarto at sumilip kung anong nangyayari sa labas. Sumilip ako sa gilid ng pader kung nanduon pa ang mga bisita ni Kuya Myth. Buti na lang at natatakpan ako ng malaking vase kaya hindi ako makikita agad.

Nandun na pala si Kuya Ford, nakikipag kwentuhan sa mga classmates ni Kuya Myth.

"Anong sinisilip mo dyan?" halos mapatalon ako sa gulat ng may mag salita mula sa likod ko.

"Ano ba 'yan Kuya aatakihin naman ako sa puso sayo" Sapo ko pa ang dibdib ko habang naka kunot noo'ng nakatingin kay Kuya Brent.

Oh Shit! (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon