CHAPTER 6

20 0 0
                                    

PETER POV

Nasaktan ko na nga siya nag-iwan pa ito nang marka. Kailangan niya na talagang lumayo. Aalis na sana ako pero naramdaman kung pinigilan ako nang kuya nito at hindi ko napaghandaan ang sumunod na ginawa nito. Sinuntok niya ako sa mukha at dahil sa lakas nang impact nito napasalampak talaga ako sa simento.

"Kuya ano ba!!!" Sigaw ni Ayza dito at lumapit ito saakin pero bago niya pa ako mahawakan. Tumayo na agad ako .

"Huwag ka nang lalapit saakin" galit na sabi ko kay Ayza na nakatingin saakin. Nakita kong nabigla ito. Hindi ko na hinintay ang reaksyon nilang dalawa dahil natigilan na yata sila. Dali-dali na akong umalis at pumasok sa bahay.

"Oh honey! Teka asan na ang mga kaibigan mo?" Tanong ni mommy nang madaanan ko ito sa sala. Tiningnan ko lang ito at umakyat na. Ayaw ko nang may kausap. Baka masaktan ko lang sila. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan yung sarili ko na maging masama sa harap nang iba?. Nang makarating ako sa room dinuble lock ko yung pintuan para siguradong hindi makapasok si mommy. I know magtatanong na naman yun. Napasalampak nalang ako sa higaan ko at pinilit na ipikit ang aking mga mata. Pagod na pagod na ako sa lahat na nangyayari. Hanggang kailan ko toh dadalhin?. Hanggang kailan ko ilalayo ang sarili ko sa mga taong pilit na pumapasok sa buhay ko?. Napaupo ulit ako at napasabunot sa buhok ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Napabuntonghininga ako at nilibot ko ang tingin ko sa loob nang room. Natigilan ako nang makita ko ang blank Canvas na nakasandig sa isang sulok. Nilapitan ko ito at hinawakan, hanggang ngayon umaasa pa din sila mommy na maibabalik ko yung dating hilig ko. Pero I know na imposible na yung mangyari. Dahil sa bawat hawak ko dito Pilit na bumabalik ang ala-alang binabaon ko sa limot. Agad kong binitawan ang Hawak kong Canvas nang maramdaman kong nanginginig na naman ang mga kamay ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Isa sa mga rason kung bakit nahihirapan na akong mag pinta ulit dahil hindi ako nakakatagal sa harap nang Canvas na yan. Nawawala ako sa sarili ko. Mas mabuti nga ngayon dahil medyo nahahawakan ko na ito hindi tulad noon.

FLASHBACK

"Honey are you sure na magiging okey ka lang?" Nag-aalalang tanong ni mommy. Kagagaling lang kasi namin sa mall. Ayaw ko parin sanang sumama pero pinilit niya talaga ako. Mga 2 weeks na din kasi akong hindi lumalabas sa kwarto at pumapasok sa school. Minsan dinadalaw nalang ako nang barkada. Hanggang sa magsawa ang mga ito.Pero pilit ko silang ipinagtatabuyan dahil ayaw ko silang masaktan. Sariwang-sariwa pa kasi yung pangyayaring yun kahit gusto ko itong kalimutan hindi ko parin magawa.

"Honey?" Ulit ni mommy. Nang makita nitong natulala ako. Napatango nalang ako dito at umakyat na sa kwarto. Nakakailang hakbang palang ako papasok nang may makita akong bagong Canvas sa gilid nang study table ko. Biglang nanginig ang buo kong katawan. Shit! I already tell them na ayaw kong may makitang ganito sa room ko. Naniningkit ang mga matang nilapitan ko ang Blank Canvas kinuha ko ang ballpen na nakapatong sa mesa ko. Sinaksak ko nang paulit-ulit ang Canvas na para bang gusto ko itong saktan dahil sa mga imaheng pilit na pumapasok sa isip ko. Those demonic laugh?. Those knives?.

"Ahhhh!!! No!!!!" Galit na galit na sigaw ko habang sinasaksak ko nang paulit-ulit ang Canvas. Nang hindi pa talaga ako makuntento. Sinuntok ko ito. Dahilan para tumagos ang kamuo ko at dumeretso sa pader. Pero hindi ako tumigil.

"No!! No!!!" Paulit-ulit ko itong sinuntok.

"Honey? What's happening?" Nag-aalalang tanong ni mommy at lumapit siya saakin para pigilan ang kamay ko.

"Umalis ka dyan!!!" Walang emosyong sigaw ko dito.

"Honey please stop" she said while pleading.

"No you get out!!"

Nagdidilim na talaga ang paningin ko. Nakita kong umiling si mommy kaya pilit kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. Nang bitiwan niya ito ngumisi ako na para bang nakakita ako na bago kong sasaktan. Dahil sa sobrang galit ko sa imaheng pumapasok sa isip ko. Bigla kong sinakal si mommy. May tumutulak na kung ano sa isip ko para gawin yun. Ni hindi ko na makontrol ang sarili ko dahil nilalamon na naman ako nang galit.

"Ho--honey no" nahihintakutang sabi ni mommy at pilit nitong kinukuha ang kamay ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakasakal dito. Nakita kong tumulo ang luha nito dahilan para matigilan ako.

"Shit! Peter!! What are you doing???'' Sigaw ni dad at tumakbo ito palapit saamin para kunin ang mga kamay ko. Dahil mas malakas ito nabitawan ko ang leeg ni mommy. Tinulak ako ni daddy dahilan para matumba ako sa sahig.

"Are you okey Amerah?" Nag-aalalang tanong ni dad. Shit! Anong nagawa ko? Pati si mommy nasaktan ko.

"Yes!! Si Pe--peter okey lang din ba?" Mahinang tanong nito. Sa kabila nang ginawa ko ako pa din ang iniisip nito. Napayuko ako nang tingnan ako nang masama ni daddy.

"Pati ba talaga ina mo ? Magagawa mo nang saktan!! For good sake Peter you are already 14 years old pero yung kabaliwang pumapasok sa isip mo hindi mo magawang kontrolin!! Sa tingin mo ma ibabalik mo yung dati? Kung palagi kang mag papalamon sa galit mo ha!!?" Galit na galit na sigaw ni daddy.

"Jake ta-tama na"

Nakita kong niyakap siya ni mommy pa talikod. Kaya medyo kumalma si Daddy.

"I-im sorry" mahinang sabi ko.

"Son please try to forget everything"

Napalitan nang lungkot ang mukha ni Daddy. Napaka imposible yatang mangyari yun.

END OF FLASHBACK....

Bakit? Bakit? Kasi kailangang mangyari yun?. Bakit sa harapan ko pa mismo?. Paano ko makakalimutan lahat nang yun?. Pinipilit ko naman ei pero hindi ganun kadali.

AYZA POV

Hindi ko namalayang napatulo na pala ang luha ko. Bakit? Bakit ako nasasaktan nang ganito?.

"Hey? Ayz are you okey?" Nag-aalalang tanong ni kuya. Napayakap ako dito nang mahigpit. Yung para bang sinasabi ko na ang sakit. Nakita ko kasi kanina kung paano dumaan na naman ang galit sa mga mata nito. Pati nga si kuya nabigla sa pagsigaw nito.

"Baby stop crying! Im sorry promise hindi na ako mangingialam sa inyong dalawa" pagpapatahan ni kuya. Kapag pala ganito ang sitwasyon ko nagiging mabait siya. Ramdam na ramdam ko kung paano niya ako pahalagahan. Sa kabila pala nang palaging pang-aaway nito saakin, hindi pa din matiis ni kuyang ipagtanggol ako kapag nasasaktan na ako nang kahit na sino.

"Ku--kuya let's just go home" pagmamakaawa ko dito. Kailangan ko na nga yatang pabayaan si Peter. Hindi naman ako nakakatulong sa kanya.

"Ok! Lets go pero punasan mo na muna yung luha mo"

Tumango lang ako dito at gumanti lang ito nang ngiti na minsan niya lang pinapakita. Inilalayan niya ako paalis. Tahimik lang naming tinahak ang daan pabalik sa mansyon nang mga Alberto. Pagpasok namin sa bahay agad na bumangad saakin ang nag-aalalang mukha ng mommy ni Peter.

"Iha? What happened? Are you okey?" Nag-aalalang tanong nito. Kita ko ang takot sa mukha nito.
Bakit ganyan ang reaksyon niya?.

"Ye-yes tita uuwi na poh kami" pilit ang ngiting sabi ko.

"Sorry sa kung ano man ang nagawa ni Peter"

"I think kailangan na naming umalis at paki sabi nalang diyan sa anak niyo na huwag siyang mag-alala hindi na talaga lalapit ang kapatid ko sa kanya" inis na sabi ni kuya. Hinawakan ko nalang ang kamay nito. Hindi ko naman masisisi si kuya kung bakit siya nagkakaganyan.

"Im sorry iha" naiiyak na sabi nang mommy nito. Bakit siya ang humihingi nang tawad?.

"Tita its okey! Wala poh kayong kasalanan" pilit ang ngiting sabi ko dito.

"Sadyang bastos lang talaga ang anak niyo" singit naman ni kuya.

"Kuya pwede ba?" Inis na sabi ko. Hindi na tama yung paraan na pakikipag-usap nito.

"Hintayin nalang kita sa labas" sabi nalang nito at tuluyan na akong iniwan. Nagtampo na yata yun.

"Tita mauna na poh kami"

Nakita kong tumango lang ito kaya tumalikod na ako para umalis. Napatigil ako nang biglang nagsalita ulit ang mommy nito.

"Iha please help my son"

May halong lungkot ang boses nito. Anong ibig niyang sabihin?.

"5 years na siyang ganyan namimiss ko na ang dating ugali niya"

AN: TO BE CONTINUED.......

BEYOND HIS CANVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon