CHAPTER 36

7 0 0
                                    


AYZA POV


1MONTH?


2MONTHS??


3MONTHS???


4MONTHS????

Apat na buwan? Apat na buwan na siyang hindi nagpaparamdam. Sa apat na buwan wala akong ginawa kundi ang magmokmok. I cried everynight. I try to move on also but it's not that easy. Hindi na ba siya babalik?. Pero diba nangako siya?. Nangako siyang babalik. Nangako siyang hindi siya tatagal sa lugar na yun. Gusto kong magalit sa kanya pero bakit hindi ko magawa? Parang gusto ko nang sumuko.

"Bebe uy? Natulala ka na naman dyan?"

"Babalik pa ba siya?" Wala sa sariling tanong ko kay Liam.

"Hindi namin alam" Liam answered sadly.

"Pero sana huwag ka nang umasa ng hindi ka masaktan"

"Nasasaktan na nga ako Lim! Ansakit sakit na" I murmured habang pinipigilan ang luha na gusto na namang lumabas.

"Alam namin ginagawa namin lahat para mapasaya ka beb! Pero parang hangin lang kami na hindi mo pinapansin" Tim Whispered.

Napabisita kasi siya dito. Para tingnan yung school. Sasusunod na pasukan kasi nagbabalak na siyang magtransfer dito.

Ang hirap kasing tanggapin na hindi na babalik si Peter. Namimiss ko na yung mga yakap niya. Yung mga ngiti na minsan niya lang ipinapakita. Miss na miss ko na siya sobra.

"Bebe gusto mo kantahan ka nalang namin?" Lim asked.

Napatingin ako dito at pilit na ngumiti.

"Si-sige" i said .

Umupo sa tabi ko si Tim.

"Everything would be okey beb"

I sighed. Tahimik na kinuha ni Lim ang gitarang nakasukbit sa ding-ding.

"Lim ako na mag gigitara" pagbubuluntaryo nang kambal nito.

"Okey galingan mo hah!!" Lim said

Napapadalas na yata ang pagkakasundo nang dalawang toh. Hindi na sila masyadong maingay katulad noon. Pati ba sila naapektuhan sa nangyayari saakin?. Nasasaktan ko na ba din sila?. Masyado na ba akong selfish dahil hindi ko na pinapansin ang mga tao sa paligid ko sa sobrang lungkot na nararamdaman ko?. This past few months kasi wala akong ginawa kundi ang magmukmuk. Pagdating ko sa bahay kumakain lang ako ng tahimik at hindi na nakikisali sa usapan nila mommy. Palagi nga nilang tinatanong kung kailan daw ako babalik sa dati. Hindi ako makasagot sa kanila dahil parang hindi ko na alam kung paano pa maging masaya. Akala ko talaga kakayanin ko. Akala ko walang magbabago kapag lumayo siya. Pero bakit ganito?. Bakit parang unti-unting nawawalan nang kulay ang mundo ko. Unti-unti nang nilalamon nang lungkot ang buo kong pagkatao. Kailan ba matatapos lahat nang sakit na pinagdadaanan ko ngayon. Kailan ko ba ulit siya makikita?. Kailangan ko na ba talagang tanggapin ang lahat?. Kailangan ko na bang tanggapin na hindi na babalik si Peter?. O kailangan ko munang umasa kahit wala na itong patutunguhan.


PETER POV

"Are you ready to go back son?" Dad asked while driving.

I smiled yung ngiting totoo. Yung mga ngiti na wala na halong pighati. Kailangan kong lumayo kay Ayza para harapin toh nang mag-isa. Hindi kasi biro yung pinagdaanan ko. Hindi lang simpleng pagkamatay ang lahat kasi kitang-kita ko. My older sister died infront of me. They killed her without Mercy. Yung hayop na ex boyfriend ni ate? Yun yung pumatay sa kanya kasama ang dalawang lalaking hindi ko kilala. Nakita ko kung paano nila pinagsamantalahan si Ate bago patayin. Ilang ulit na nag makaawa ang kapatid ko pero parang demonyo silang walang naririnig. I almost killed my self too,dahil wala akong nagawa noong araw na yun. Yung araw na sana masaya kaming dalawa na nagdidiwang nang kaarawan ko. Yung araw na nasanay na ako na siya lang yung palagi kong kasama. Yung araw kung saan ko ipapakita dito yung pinaghirapan kong Master Piece pero lahat ng yun na bura dahil lang sa mga hayop na lalaking yun. Ilang ulit kung binalak na hanapin sila at patayin kagaya nang ginawa nila sa ate ko Pero hindi ko nagawa. Napipilitan na lang akong iguhit sila tuwing kaarawan ko at doon ko binubuhos lahat nang galit ko.
Sa loob nang limang taon masyado akong nabulag sa galit at sakit.

BEYOND HIS CANVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon