CHAPTER 8

14 0 0
                                    

AYZA POV

"No!! No kuya wag naman please" pabulong na sabi ko dito.

Pero hindi niya ako pinansin.

"Now explain"

Nakataas pa talaga ang kilay ni dad habang nakaakbay kay mom. Sana kagatin nang mga langgam bakit kasi ang sweet nang mga toh. Minsan naghahabulan pa mga yan kapag tinopak. Napapaismid nalang minsan kami ni kuya Axel.

"Ganito kasi yun dad nagpun---"

Tinakpan ko yung bibig nito. Chismoso talaga yung kuya ko na toh.

"Ayza what are you doing?" Dad asked while glaring.

"Ee ka--kasi dad!! Si--sige na a--ako na-nalang yung mag-eexplain" nauutal na sagot ko dito habang pilit na tintakpan yung bibig ni kuya. Pero nabitiwan ko ito nang kagatin niya ang kamay ko.

"Awww!!! Kuya!! Bakit ka nangangagat hah!?" Sigaw ko dito.

"Ang baho kasi nang kamay mo!!!!"

"Wow yung bibig mo yang naamoy mo!! Hindi kamay ko!!"

Sige kuya awayin mo pa ako nang makalimutan na yun ni mom at dad. Natigilan kasi yung dalawa at parang nawiwiling nanunuod saamin.

"So sinasabi mong mabaho hininga ko hah!?" Inis na tanong ni kuya. Ngumisi naman ako dito.

"Oh hindi ako nagsabi niyan aa!"

"Nang-iinis kaba hah?!"

"Hindi!!! Nang iinsulto lang!!"

"Ah ganun!! Gusto mo sabihin ko kung saan tayo pumanta?"

Nanlaki bigla ang mata ko. Shit!! Ipinaalala pa talaga ni kuya. Nang tingnan ko si dad tumayo ulit ito at seryosong tumingin saakin.

"Jeireen?" Seryosong tanong nito.

"Kuya kasi!!" Inis na sabi ko.

"Sasabihin mo o sasabihin?" Tanong ulit ni dad. Wow! Nagbigay pa talaga siya nang choices.

"Tssk Oo na!!" Inis na sabi ko.

"Sabihin mo na nga!" Singit ni mom.

"Ei kasi dad secret sana toh" nakayukong sabi ko.

"JIEREEN!?"

"Kasi nga secret nga dapat dad ee" sabi ko ulit dito.

"Ginagalit mo ba talaga ako?" Tanong nito. Ngumiti naman ako nang malapad.

"Of course not"

"Axel walang kwentang kausap tong kapatid mo!! Ikaw na magsabi kung ayaw niyong patulugin ko kayo sa labas"

Magsasalita na sana si kuya pero tiningnan ko ito nang masama. Kaya tumahimik ulit ito.

"Ako na dad"

"Kanina kapa !!"

"Ito na nga sasabihin na poh" nakapameywang na sabi ko dito.
Napabuntonghininga nalang ito.

"Kasi poh pumunta kami sa kabilang mansyon! May bagong lipat dyan na kaklase ko dad! Ei curious poh ako sa Last name nito kaya nagpasama poh ako kay kuya para ei confirm kung tama ba yung hinila ko" Nakangiting sabi ko dito. Sana makalusot na toh.

"Axel is that true?"

Siniko ko naman si kuya na nagpapahiwatig na sumang-ayon ka.

"Axel?"

"Ah!! Oo dad" pilit ang ngiting sagot nito. Good job kuya. Kahit palagi kaming nag-aaway kapag gipitan na talaga wala kaming laglagan.

"Is it q girl or a Boy?" Singit naman ni mom.

BEYOND HIS CANVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon