Chapter SEVEN

2.6K 78 17
                                    

Alexandra's POV

Dahil break time naman dadalhan ko si Xander ng ginawa ko na Red Velvet cake, sabi ng kaibigan niya nasa rooftop daw ito

Kaya umakyat ako sa rooftop


Pero sana pala hinintay ko na lang siya sa baba, dahil nakikita ko lang naman siya may kahalikan na ibang babae

Bakit Xander? Ano paba ang kulang sakin at iniwan mo ako

Pinahid ko ang luha ko at tumalikod, sa VIP room na lang ako maghihintay sa kanya... Pagpunta ko don umupo ako na parang walang nangyare

"Xandra? Kanina kapa dito" tanong ni Xander na kakapasok lang, at halata sa kanya na nakipag halikan dahil sa lipstick nito sa gilid ng labi at leeg

"Hindi naman" sagot ko na lang, at kumuha ng tissue sa bag ko para ipahid sa lipstick na naiwan na marka sa gilid ng kanyang labi at sa leeg

Habang ginagawa ko yon sinubukan ko wag maiyak, "nag painting kaba kaya may ganito ka?" inosente na tanong ko kahit alam ko naman... Hinawakan niya naman ang dalawang balikat ko

"Bakit hindi ka nalang magparaya Xandra kaysa nahihirapan ka?! Nasasaktan kana nga pero hindi kapa din bumibitaw" pasigaw na sabi niya, umiling naman ako at doon na bumuhos ang luha ko

"magparaya? Kung sayo madali lang gawin at sabihin sakin HINDI! mahal na mahal kita kaya hindi ko magawa" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko at napahilamos

"Mahal kita Xander kaya hindi madali sakin yan sinasabi mo" pumiyok ako "sabi ko naman sayo 23 days lang at magiging malaya kana" sabi ko at pinahidan ang luha ko

"19 days left na lang, konti na lang yan araw na yan magiging malaya kana" at tumalikod ako pero bago yon

"I made red velvet cake for you" sabay abot ko sa kanya "Kung ayaw mo itapon mo na lang" at tumalikod na ako



Kahit ang sama ng loob ko kay Xander hindi ko na lang pinansin yon, bagkus pumunta pa ako sa laban ng basketball nila at sinuportahan siya

Pag time out nila bumalik sila sa bench nila kaya lumapit ako sa kanya


"punasan ko na ang pawis mo" nakangiti na sabi ko at pumunta sa likod niya para pinunasan ang kanyang pawis sa likod

"Thanks" maikli na sabi niya

At inabutan ko siya ng tubig pati na din sila kuya "martyr talaga ang peg mo noh?" napalingon naman ako sa nagsalita ang kaibigan ko

Naglalaro na muli sila Xander

Tumingin naman siya sakin at malungkot ang kanyang mukha "Bakit hindi ka nalang maghanap ng tao magpapasaya sayo sa natitirang araw mo kaysa naman nagtitiis ka sa kanya" sabi niya

"akala ko ba matalino ka? Pwede ka maging masaya ng wala siya Alex"She said "nandito naman kami para pasayahin ka pero tinutuon mo ang pansin mo sa ex boyfriend mo at ang masakit pa dun ayaw niya na nga pinagsisiksikan mo ang sarili mo" halatang frustrated na ito

Nagsimula na naman ako umiyak "He's my happiness and my life kaya paano ako magiging masaya kung wala siya at mas hindi ko kaya mabuhay ng wala siya" hinila niya naman ang braso ko at niyakap ako

"Mahal kita bilang best friend at parang ate na din kita kaya nasasaktan ako sa tuwing nakikita nasasaktan ka" niyakap ko naman siya pabalik

"Please hayaan mo nalang ako,gusto ko lang talaga siya makasama hanggang sa huling paghinga ko" sabi ko tumango naman siya

"pero kapag hirap na hirap kana please palayain mo na siya sa buhay mo" tumango na lang ako...



Kahit sa huling pagkakataon lang Xander


Someone's POV

Naalarma naman ako ng makita ko may tumutulo na luha sa kanya mga mata

"Dok!" I shouted, makalipas ang ilang segundo may pumasok na doctor at dalawang nurse "umiiyak siya" sabi ko

Inorservahan naman ito, "Normal lang ang pagluha niya dahil minsan ganun ang ibang pasyente na nacocomatose, siguro naiiyak ito sa kasalukuyan paglakbay niya sa kanyang panaginip" paliwanag ng doctor

Tumango naman ako at nagpasalamat. Hanggang sa lumabas na ito

Lumapit naman ako sa mahal ko nakahiga ngayon sa hospital bed "Akala ko naman magigising kana, pero sana naman gumising kana" at hinalikan ko ito sa noo "I miss you" I whispered

23 Days With Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon